Nung sumunod na araw hindi na muna kami bumalik ni Ama sa Laluma dahil hindi mapigilan ni Ina na mag-alala ng dahil sa nangyari sa amin at hindi din kami nakawala sa pangaral ni Ina. Sa susunod daw ay wag na kaming masiyadong magpagabi sa pag-uwi at baka mangyari pa ulit ito. Kasalukuyan kami ngayong nasa silid ni Ama at kasama ko si Ina na sinusubuan si Ama ng luto nitong lugaw.
"Ano ka ba Mercedes hindi naman ako baldado, kayang kaya ko ng kumain kaya wag mo ng pagurin ang sarili mo lalo pa't alam kong hindi ka gaanong nakatulog kagabi" reklamo ni Ama
"Hayaan mo nga ako Joselito, kasalanan mo kaya ako nagkakaganito ngayon, alam mo namang masiyado lang akong nag-aalala, ganitong ganito din ang nangyari sayo nung minsang umuwi ka nung kawal ka pa sa Panthera" naging kawal si Ama sa Panthera?, nabanggit nga pala ni Cleo na dating kawal si Ama.
"Mas malala iyon kesa ngayon kaya wag ka ng masiyadong mag-alala pa" sabat ni Ama.
"Ah basta, kailangan mo pa ring magpahinga riyan" pamimilit ni Ina at walang nagawa si Ama kung hindi ang mapasimangot na lang.
Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa, ganitong ganito din sila dati lalo na kapag nananakit ang tuhod ni Tatay pagkatapos naming magsaka, katakot takot na sermon ang nakukuha ni Itay kay Inay. Likas kasi na maalalahanin si Inay at iyon ang nagustohan ko sa kaniya kasi napakamaalaga ni Inay at sobrang mapagmahal kaya ko nga siya mahal na mahal eh, ganun din si Itay kaya alam kong tama ang pagpapalaki nila sa akin at alam kong namana ko sa kanila ang mga ugaling kailanman ay hindi magbabago na babaunin ko hanggang sa pagtanda ko at kung magkapamilya man ay maituturo ko din sa mga magiging anak ko.
"Ama, Ina" sabay silang napatingin sa akin habang nakakunot ang noo.
"May problema ba anak?" tanong sa akin ni Ina
"Pwede po ba akong pumunta sa Laluma?" bumakas agad ang pagtataka sa mukha nilang dalawa.
"Ano naman ang gagawin mo doon?" tanong naman ni Ama