Chapter 06

6 3 0
                                    

Andrea's POV

It's been months nung nangyari ang accident sa gym. Hindi ko na muli pang nakita sina Stacey sa school. Hindi ko na rin naķikitang pumapasok sina Liam. Biglaan ang pagdrop nila sa school na ipinagtaka ng mga students at teachers. Pinanatili kasing confidential ang tungkol doon.


Nandito ako ngayon sa bench sa may field. Hindi ko malaman kung bakit ang raming hindi normal na bagay ang nangyayari. First, si papa palaging wla sa bahay even though weekends. Sunod si mama palagi na syang tulala. Hayy....ano na bang gagawin ko.



"Andrea!" sigaw ng isang boses. Nilingon ko si ang pinanggalingan at nakitang tumatakbo si Dana palapit sa akin. "Bakit? " takang tanong ko ng makalapit sya.




"Si tita..." sabi ni Dana na mukhang nagaalinlangan pa.




"Anong nangyari?" tanong ko agad ng matahimik sya. "Si tita kase...wala na sya.." sabi ni Dana na nakapagpaguho ng mundo ko. Tumakbo ako habang umiiyak. "Hindi naman yan totoo eh... nandoon lang si mama nagluluto panigurado" tumakbo ako papalabas ng school at sumakay ng taxi papunta sa bahay. sumunod si Dana ngunit hindi sya umiimik.




Pagkarating ko sa tapat ng bahay ay hindi ako makababa ng dahil sa nakita ko. Abo. Mga abo at mga sunog na kahoy nalang ang naabutan ko. Biglang tumulo ang luha ko at nag sunod sunod na ito. Napaluhod nalang ako sa kawalan ng lakas. Mama....bakit?



"May nakita po kaming katawan, nasa ospital na po" hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng pulis kaya si Dana nalang ang magsasabi sa akin. Hindi ko kaya. Nasan ba si papa? Humagulgol na ako ng walang tigil.




Nasa ospital na kami ngayon at nasa harap na namin ang abo ni mama. Bakit? Sa dinarami rami ng tao....bakit si mama? Ang sabi ng mga pulis ay sinadya raw ang sunog. Binuhusan ito ng gasulina at doon na nagsimula ang apoy. Dumating si papa na hingal na hingal. "Papa!" sigaw ko ngunit nakatingin lamang sya marble jar na kinalalagyan ni mama.




Sunod sunod na tumulo ang luha ni papa. Galit na galit sya sa hindi malaman na dahilan. Maghapon kami naiyak ng ganoon hanggang sa makauwi kami dala ang abo ni mama. Doon muna kami tumuloy sa isa pang bahay nila mama noon. Wala namang nakatira kaya doon muna kami. Hindi ako makatulog. Masakit parin ang pagkawala ni mama. Buong gabi akong umiyak at walang tigil ang pagluha ko.





Tatlong linggo kaming nasa bahay at nagluksa sa pagkawala ni mama. Bukas na rin ang libing ni mama kaya napaiyak nanaman ako. Mahihiwalay nanaman sya sa amin.

_____________

Someone's POV

"Boss, nagawa na po namin ang iniutos nyo. Patay na po ang mama nya" sabi ng tauhan ko.



"Ang papa nya?" tanong ko sa kanya. "Buhay pa po pero wag po kayong magalala at isusunod na po namin sya" sabi ng tauhan ko. Hmm malapit na tayong magkita princess...HAHAHA.

___________

Andrea's POV

Ngayon na ang libing ni mama at nasa libigan na kami. Natapos na ang ceremony at basbas ni father kaya ipinapasok na nila ang abo ni mama. Hindi na ako makaiyak dahil sa sakit ng mata ko. Ang hirap mawalan ng mahal sa buhay.

"Andrea anak.....may gusto akong sabihin sayo" sabi ni papa at sumenyas na sundan ko sya. Naglakad sya papalayo sa maraming tao at sinundan ko sya. "Bkt po?" tanong ko nang tumigil sya at tumingin sa langit. "Ma! sasabihin ko na sa kanya. Kailangan na nyang malaman" sabi ni papa. Kinabahan ako sa di malamang dahilan.



Tumingin si papa saakin at doon ko nakita ang sobrang lungkot sa kanya. Naaawa ako kay papa. Masakit para sa kanya na mawala ang taong mahal nya. "Andrea....hanapin mo na ang mga magulang mo" at noong sinabi ni papa yon ay parang nawala ako sa aking sarili.





"Nakita ka lang namin noon sa japan at inuwi dito sa pinas dahil walang umangkin sa iyo. Gumawa kami ng paraan para maisama ka namin sa pinas. Pero nang malaman ko na maraming delikadong tao ang naghahanap sayo ay itinago ka namin at inampon" paliwanag ni papa. Paano? Sinong mga magulang ko?





"Pa...ano po bang sinasabi nyo..anak nyo po ako diba?" tanonv ko habang lumuluha. "Pasensya na anak....kailangan mo nang lumayo...ako na ang isusunod nila kaya hanapin mo na ang mga magulang mo" sabi ni papa na lumuluha na din at niyakap ako. "Sana maintindihan mo...mahal ka namin ng mama mo" sabi nya habang yakap ako at hinihimas ang buhok ko.




"Sige na anak...para sa amin ng mama mo at para na rin sayo. Umalis ka na at magpakalayo. Alam kong mahirap ngunit kailangan" humagulgol ako sa balikat ni papa. "Mamayang gabi magempake ka na ng mga kailangan mo. Humanap ka ng lugar na pansamantalang titirahan mo. Ibibigay ko na sayo lahat ng perang naipundar namin ng mama mo, wala naman na akong pagagamitan non. Sige na at bumalik ka na doon" Bumitaw na si papa sa pagkakayakap sakin ag bumalik na kami.





Umupo akong muli sa pwesto ko. Ang hirap tanggapin ng lahat. Nawala ang lungkot sa akin, napalitan lahat ng galit. Kung sino man ang pumatay kay mama, humanda na sya dahil ako mismo ang papatay sa kanya. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. "Andrea... condolence" rinig kong sabi ni dana sa likod. Nilingon ko sya at nakitang nandoon din si Tracy at James. "Condolence Andy" sabi nung dalawa.





Tinanguan ko lang sila at umupo na. Umupo sa magkabilang gilid ko si Tracy at Dana. Umupo naman si James sa tabi ni Tracy. Nagtagal pa kami roon at umalis na pagkatapos. Dumiretso ako sa bahay at sinamahan nila ako.





"San ka na tutuloy nan?" tanong ni James na mukhanb nagaalala. "Siguro kung san ligtas" sagot ko kahit hindi pa ako sigurado. Naikwento ko na kasi sa kanila ang sinabi ni papa sa akin kanina. Alam kong mapagkakatiwalaan naman sila. "Why don't you go with us nalang?" alok sa akin ni Tracy. "Hindi na. baka mapahamak pa kayo" sabi ko. Nang matapos akong magimpake ng mga gamit ko ay bumaba na ako para kumain dahil nagluto si papa.





"James, why don't you go home? Gabi na. Tracy ihatid mo na si James" sabi ni Dana at tumango si Tracy. "Let's go" baling naman ni Tracy kay James. Wala nang magawa si James kundi sumunod nalang. Tinapik na nya lang ako bilang paalam na aalis na sya. Tumango nalang ako.





"Let's go. We gotta go" sabi ni Dana nang matapos ako kumain. Naguguluhan man ay sumunod ako sa kanya. Hindi pa man kami nakakalabas ng pinto ay bumagsak na ito.


___________

Dana's POV

Nang makababa kami mula sa kwarto ni Andrea ay nagtaka na ako. May kakaiba. Parang may mga nakapaligid sa bahay nila. I smell trouble huh? Hmm.....





"James why don't you go home? Gabi na. Tracy Ihatid mo na si James" sabi ko. Buti at nakisakay na lamang tong si James at walang dalang sasakyan dahil kung hindi ay mahihirapan kami. Kung hindi sya maihahatid ay baka may mangyaring masama. "Let's go" sabi ni Tracy kay James.





Kailangan na ni Andrea malaman ang totoo. Alam na ng mga magulang nyang buhay sya at kung sino sya ngayon. Kailangan ko na syang maiuwi sa kanila. " Let's go. We gotta go" sabi ko at tumayo na. Palabas na kami ng front door nang biglang bumagsak ang pinto. Naging alerto ako at inantay ko may papasok. Makapal na usok ang pumasok sa loob. Hinila ko si Andrea papunta sa backdoor sa kusina at hindi na sya umangal pa. Mukhang nagulat ata sya. Nang makalabas kami sa back door ay umikot kami papunta sa sasakyan kong malayo ng kaunti sa bahay nila.





Hindi pa kami nakakalayo ay nagulat kami ng sumiklab ang napakalakas na apoy at napalibutan ang bahay nila. " Si papa...papa" sinubukang tumakbo ni Andy pabalik ngunit pinigilan ko sya. Malakas ang apoy at paniguradong wala na si tito. "Tara na Andy....wala na si tito" sabi ko habang hinihila sya.





"Tama na andy...sundin mo na lamang ang bilin ni tito" sabi ko kahit naaawa na talaga ako sa kalagayan nya. Hinila ko sya habang humahagulgol sya. Isinakay ko sya sa backseat at hinayaan syang humagulgol doon.




Sumakay na rin ako at nagdrive paalis. "Tangina! Bakit ba nadamay sila?!" sigaw nya habang humahagulgol.



Umiyak lang sya ng umiyak hanggang sa tumahimik na. Sinilip ko sya at nakatulog na nga sya. Iuuwi ko muna sya sa condo ko. Ginising ko sya pagkapark ko sa parking at tulala lang sya.





Umakyat na kami sa unit ko at pumasok. Sinara ko agad ang pinto pagkapasok. "May condo ka pala?" tanong ni Andy at naupo sa sofa. Tumango lang ako. "Matulog ka na at bukas nalang ako magpapaliwanag" sabi ko at tinuro ang pintong katabi ng pinto ng kwartong tinutulugan ko.





Tumango sya at pumasok na sa kwarto. Sana kayanin mo Andrea. Naglakad ako papunta sa isa pang kwarto at pumasok doon. Ito ang training room ko. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko ang mga makikintab na patalim at baril. Bukas ko na si Andy itetrain para handa sya.





Lumapit ako may parteng gitna ng kwarto at inilabas ang remote mula sa aking bulsa. Pinindot ko ang isang button at lumabas ang isang sofa sa gitna. Umupo ako at pinindot ang isa pang button. Lumabasa ang isang hologram na may nakasulat na 'M'. Matapos ng ilang ring ay nakita ko na sa hologram ang mukha ni agent 03.





"Agent 03 on call, do you need anything agent 01?" bungad na tanong sa akin ni agent 03.



"Yes. I'm with her. I need 1 month, I'm going to train her" sabi ko. Tumango sya.



"Reporting" sabi nya at nagkaroon ng kaunting katahimikan dahil nirereport nya pa ang sinabi ko.



"Aproved" sagot nyang muli. "Okay" sabi ko at pinatay ang tawag.




Tumayo na ako at pinatay ang ilaw at lumabas ng kwartong yon. Natulog na ako para maaga kami makapagsimula.

_____________

Author: 😊

The Mafia Heir and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon