Chapter 04

14 3 0
                                    

Phrynz's POV

It's been 1 week at hindi na namin nakikita sa school ang babaeng may-ari ng hamster. I don't know what happened to her. Nasa condo gym kami at nagwowork-out.

"Heyy cuz..these days wala ata si hamster girl huh?" tanong ni kuya Zeke kay Liam. "Why would I care?" naiinis na tanong, more like a statement ni Liam.

"Well....baka kasi namimiss mo" pangaasar pa ni Kuya Zeke. Kahit kailan talaga tong mga to. I was wondering kung bakit pagkatapos nyang gawin yon kay Liam ay mawawala lang sya.

"Shut the fuck up kuya!" galit na sigaw ni Liam. "Ahhm kuya wag mo na syang asarin....ayoko po munang lumabas ang demonyo nya" sabi ni Ethan na binulong ang huling parte ng kanyang sinabi.

"Eyy I remembered we have to attend the basketball training later for the Intramural Sports Fest. Well...are you guys going for the training?" nagaalangang sabi ni Ethan.

"I'm going" sagot ko kay Ethan. "Well kailangan pa ba yon?" reklamo ni kuya Zeke.

"We should be there....baka magtaka sila. Para na rin sa public image" suhestyon ko sa kanya. "Tama si Phrynz, para malaya tayong makagalaw" pagsangayon sakin ni Liam.

"Uhh.... guys we're getting late" pag singit ni Ethan sa usapan. "No worries....I don't care anyways" sabi ni Liam na napaka kalmado sabay tayo at lakad paalis ng gym.

_____________

James' POV

1 week na nung naospital si Andy. Ang sabi ng doktor hindi naman malala ang sugat nya, ang problema lang ay sa sesitive part ng ulo ang tumama sa sahig dahil sa pagkahimatay nya.

Ngayon, kami ay nasa kwarto sa bahay ni Andy. Kasama ko si Dana at Tracy. Naka upo ako sa one-seater na sofa at si Dana at Tracy ay magkatabi sa mahabang sofa.

"Kailan kaya sya magigising?" nagaalalang tanong ni Dana. "I wish she would wake up as early as possible. I miss mah friend" dagdag ni tracy. Ang weird talaga nitong dalawang to.

flashback

"Now explain" seryosong utos sakin ni Dana habang naglalakad kami papunta sa school clinic.

"Nung umalis ako para sundan si Andy hindi ko na sya naabutan kaya nung maalala kong iniwan nya yung kulungan nung hamster sa garden ay doon ako dumirestso" paliwanag ko.

"Pagdating ko doon ay nakita ko na syang walang malay at dumudugo ang ulo" pagpapatuloy ko. "Tinawagan mo na ba sina tita?" tanong nya sakin. "oo" sagot ko.

Pagkatapos kong sagutin ang tanong nya ay hindi na nagsalita ang isa sa amin. Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa clinic. Pinuntahan ko ang nurse station.

"Nasan po yung patient na si Andrea Dela Cruz?" tanong ko sa nurse na naka duty. "Nasa room 201 sa 2nd floor" sagot ng nurse. Dumiretso kami agad sa hagdan at umakyat. Pag karating namin sa tapat ng pintuan ng kwartong sinabi ng nurse ay kumatok kami at pumasok.

Pag pasok namin ay naabutan namin ang mga magulang ni Andrea sa loob. ang mama ni andrea ay nakaupo sa tabi ng kama ni Andy, samantalang ang papa nya ay nakatayo sa likod ng mama nya. "Tita" bati ko kay tita sabay lapit sa kanya. Tumayo si tita at nagmano ako sa kanya. " Tito" bati ko kay tito. Tinanguan lang ako ni tito.

"Tita wag na po kayo umiyak" narinig kong sabi ni Dana sa likod ko. Pag kalingon ko ay yakap na ni Dana si tita na humahagulgol. Naramdaman kong may tumapik sa likod ko kaya napalingon ako. Si tito. Tinuro nya ang pinto kaya naintindihan ko agad ang gusto nyang mangyari. Nauna na syang lumabas.

"Tita lalabas muna po ako ahh kakausapin pa po ako ni tito" pagpapaalam ko kay tita. Tumango naman sya bilang pagpayag. Pag labas ko ng kwarto nakita ko si tito na nakaupo sa waiting area. Tinabihan ko si tito. "Anong nangyari? " tanong ni tito pagkaupo ko. Pinaliwanag ko na sa kanya ang nangyari at naiintindihan nya naman. Nagusap pa kami ng matagal tungkol kay Andy.

Pagkatapos namin magusap ay pumasok na kami sa loob at naabutang tulog na si tita at Dana sa magkabilang gilid ng Hospital bed na hinihigaan ni Andy. "Sige na iho at iuwi mo na si Dana, baka hianhanap na sya sa kanila. Tumango nalang ako bilang pagsangayon sa sinabi ni tito.

Tinapik ko si Dana para gisingin sya. Pag mulat nya ay kay Andy agad sya tumingin. Tinitigan nya pa ng ilang segundo si Andy bago tumayo at nagpaalam kay tito. Dahil tulog si tita ay hindi na kami nakapag paalam sa kanya. Inalalayan ko si Dana dahil mukhang nangalay sya kanina sa kanyang pwesto.

"Wag mo na akong ihatid, kaya ko naman na magisa" sabi ni Dana sa akin pag kalabas namin ng building. "Sigurado ka ba?" tanong ko sa kanya. "Oo naman...sige na mauna ka na" sabi nya sa akin na sumesenyas pa na 'umalis ka na' .

end of flashback

"Bakit ba ang wierd nyong dalawa ha?" tanong ko kay Tracy at Dana. "Wierd? Ano bang sinasabi mo?"seryosong tanong ni Dana. "Wala. Sabi ko normal kayo, sobra" pagiwas ko nalang dahil paniguradong wala akong makukuhang matinong sagot.

Knock knock~~ rinig naming katok mula sa labas. Bumukas ang pinto kaya napalingon kami lahat doon. Nakita namin si tita na nakangiting papasok. "Kamusta? Hindi parin siya gising?" tanong ni tita sa amin habang naglalakad papunta sa kama ni Andy. Umupo sya sa kama sa tabi ni Andy at hinawakan ang kamay nito.

"Napaka-bait na bata ni Andrea. Pero di ko maintindihan kung bakit sya madalas mahimatay. Pinacheck-up na namin sya pero ang sabi ng doktor ay baka sa pagod lamang iyon" sabi ni tita, habang kami ay nakikinig lamang. Pero ano nga bang meron? Bakit sya biglang hinihimatay? "Bata pa lamang sya ay palagi na syang nasa hospital. Isa lamang ang sinasabi ng mga doktor 'Pagod lang po sya, at kailangan ng pahinga' yon, yon nalang palagi" sabi ni tita sabay ng pagtulo ng isang patak ng luha mula sa kanyang mata.pinunasan nya agad ito.

"Ahhm...gutom na siguro kayo, halina't ipaghahanda ko kayo ng miryenda sa ibaba" pagaalok ni tita. "Sige po tita susunod nalang po kami" sabi ni Dana. "We'll just spend a minute nalang po and then susunod nalang po kami downstairs" dagdag ni tracy. tumango nalang si tita at lumabas na ng kwarto.

Napuno ng katahimikan ang kwarto. Isang malalim na buntong hininga ang pinkawalan ko at saka tumayo, tumayo na rin si Dana at Tracy. Nang malapit na kami sa pinto. "Mmm~" isang mahinang ungol ang nakapagpatigil sa aming tatlo. Sabay sabay kaming lumingon at nakita si andy na sinusubukang itaas ang kanyang braso na parang inaabot kami. Tumakbo ako papalapit sa kanya at ganun din sina Tracy.

"Andy? Andy? tawag pansin ko sa kanya habang hawak ang kamay nyang pilit kami inaabot kanina. "Andy~ Andy~" tawag ni Dana habang tinatapik ang balikat ni Andy. "Andy please wake up~" pagmamakaawa ni Tracy habang hawak ang isa pang kamay ni Andy at sunod sunod na tumutulo ang luha.

Nagmulat ang mga mata ni Andy. Papikit-pikit pa sya dahil mukhang nagaadjust pa ang kanyang mga mata sa liwanag. Nang naging normal na ang kanyang pag kurap ay lumuha sya. Luhang nakapagpaluha din sa amin. Luhang matagal ko nang hindi nakikita. Luhang gustong gusto kong pahirin. Bigla syang ngumiti habang patuloy ang pag agos ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"Andy!" sigaw naming tatlo sabay yakap kay Andy. Gumanti rin sya ng yakap kahit halatang medyo nanghihina pa sya. "Andrea?!"nanghihinang sigaw ng isang babae mula sa likod. Napalingon kaming lahat doon. Si tita na naluha ang naabutan namin doon. Nagbigay daan kami kay tita na syang tumakbo papalapit kay Andy sabay yakap. Humagulgol si Andy nang mayakap nya ang kanyang mama. "Andrea! My Daughter!" humahagulgol na sabi ni tita habang yakap sya. "You finally wake up!"

___________

Author: Hi everyone ! sana nagustuha nyo yung chapt 4! :)

The Mafia Heir and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon