James' POV
I'm James Gonzales. Kaibigan ko si Andrea. May gusto na ako kay Andy nung elementary palang. Syempre hindi nya pa alam, ayokong mailang sya saakin at lalong ayokong madistract sya sa pagaaral.
Nung umalis si Andrea dala dala ang hamster, biglang hinampas ni Liam ang kanyang desk. Pero wla na syang sinabi pang iba at naupo nalang. Sana hindi gumanti tong si Liam kundi malalagot sya saken.
Lumabas ako ng classroom para sana sundan si Andy, pero di ko na sya naabutan. Naalala ko bigla na dun nya pala iniwan sa garden yung cage ni hamsty (Hamster).
Pumunta ako sa garden at naabutan ko ang walang malay na si Andy sa sahig at dumudugo ang ulo. Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Andy! Andy! gumising ka! Ano bang nangyari sayo ha?! Andrea!" sigaw ko na sinusubukan syang gisingin.
Binuhat ko sya bridal style at tinakbo sya sa clinic. Buti nalang at magaan sya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang ay dapat magamot na sya. Malala ang lagay na.
Pagdating namin sa clinic ay binaba ko agad sya sa kama at tumawag ng doktor. "Anong nangyari sa kanya iho? " Kalmadong tanong ng doktor habang ineeksamin ang sugat sa ulo ni Andy.
"Naabutan ko nalang po sya sa garden na walang malay at dumudugo ang ulo, ayos lang po ba sya? kailan po sya magigising? malala po ba ang damage sa ulo nya? may maaalala pa po ba sya?" kinakabahan na paliwanag at sunod sunod na tanong ko sa doktor.
"Kalma lang iho. Kailangan pa namin icheck up ang sugat nya, maghintay ka na lamang sa labas at sasabihan ka namin kung ano ang kalagayan nya. Kung maaari sana ay paki tawagan na rin ang mga magulang nya" sabi ng doktor.
_____________
Someone's POV
"Ilang taon na ang nakalilipas! Wala paring balita sa anak natin!" sigaw ko kasabay ng pagagos ng luha sa aking mga mata.
"Tama na yan, pinapahanap ko na sya sa mga tauhan natin. The mafia groups are helping too so there's no need to worry....we'll find her soon" pagaalo ng aking asawa.
"It has been 13 years! I- I c-cant just sit here! I-I'll help looking for her!" sigaw ko habang sinusubukang tumayo mula sa pagkakaupo ko sa aking upuan sa opisina, samantalang pinipigilan nya akong makaalis.
Sa pagod ko kakaiyak umupo na lamang ako at humagulgol. Kasalanan ko ito, kung hindi ko sana sya pinabayaan hindi sya mawawala sa akin. Sana magkasama parin kami hanggang ngayon.
Sa sobrang pagod ko ay hindi ko namalayang nakatulog na ako.
___________
3rd Person's POV
Nasa condo si Liam at ang mga kaibigan nya ngayon. Matapos makarecover ni Liam mula sa pagabahing ay napagdesisyunan muna nilang maghalfday para makapag pahinga.
"Damn it! Busit sya!" sigaw ni Liam. "Eyy man...chill. Baka hindi nya sinasadya yon. Pero it's really a coincidence!" pagpapakalma ni Zeke kay Liam.
"Wtf?! Hindi sinasadya?! Damn! Wla pa nga tayong lead sa hinahanap natin tapos problema agad?!" pagrereklamo ni Liam.
"By the way. Speaking of lead, there is someone who called to the HQ and said that the one we're looking for is here in the Philippines and is in the 4th year HS. They said it's really hard to locate her" pagsasabi ni Phrynz sa mga kasama nya.