Andrea's POV
"Hana...wake up!" sigaw ni Dana na sinundan pa ng katok.
Tinignan ko ang oras at 9:00 am na. Napaupo ako bigla sa gulat.
"Ahhh" mahinang ungol ko sa sakit ng ulo ko. Kinapa ko ang parte ng sumakit at parang may..... bukol? san ko naman to nakuha?
Inipit ko sa bun ang buhok ko at nagpunta na sa banyo para maghilamos.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Dana na nag lalaptop.
"Ano yan?" tanong ko at naupo sa tabi nya.
"Files para sa pagtransfer natin ng school, " lilipat? pano si James? "Tracy will come with us too" dagdag nya pa.
Tumango nalang ako dahil nasabi na rin nya sakin ang tungkol sa kanila ni Tracy.
"What about James?" tanong ko dahil natatakot akong mapahamak ang mga mahal ko sa buhay gaya ng nangyari kay mama at papa.
"He'll be secretly guarded by my subordinates...so don't worry" pagpapalumbag-loob nya sa akin.
Nasabi na ni Dana na isa syang agent sa company ng tunay kong mga magulang, at ganoon din si tracy.
*DING DONG*Kinuha ko ang security ipod sa lamesa sa harap ko at binuksan yon para makita kung sino ang nagdoorbell.
Agad akong tumakbo papunta sa pinto para buksan iyon at sinunggaban ko agad sya ng yakap.
"Tracy!" sigaw na pabulong ko habang yakap ko sya. Matagal din kaming hindi nagkita at palaging si Dana ang may balita sa kanya.
"Kumusta?" tanong ko agad nang makaupo kami sa sofa. Nakangiti lang si Dana na naglalaptop don na parang walang dumating.
"I'm good, " sagot nya naman. "I guess we're going to japan huh? Are you guys ready?" tanong nya naman.
"Next week is our flight to japan so...we still have our chance to bond with james before we go" sabi ni Dana.
"Great! pwede ba tayong magmall?" excited na tanong ko.
"Whatever you want Ojo Hana" sabi ni Tracy na may amused smile.
Ojo - Princess