Mabilis at palinga-linga ang babae habang papasok ng gubat. Baka kasi may sumusunod sa kaniya. Pilit niyang inaaninag ang daan. Hindi siya nagdala ng anumang bagay na maaaring magbigay tanglaw sa kaniyang daraanan at baka lalo siyang masundan. Tanging liwanag lang ng buwan ang gabay niya papuntang pusod ng gubat. Napangiti pa siya nang marinig ang lagaslas ng tubig. Malapit na siya sa waterfall!
Isa pang paghawi sa makapal na halamanan at nasilayan niya ang ninanais na makita. Ang katuparan ng kaniyang nais.
Inilabas niya ang asin, dugo ng butiki sa maliit na bote, isang buong manok na hindi pa natatanggalan ng balahibo subalit patay na at isang damit ng sanggol.
Inilatag niya ang damit ng sanggol sa lupa at inilapag dito ang buong manok. Binudburan niya ng asin at pinatakan ng dugo ng butiki habang nag-oorasyon. Tiningnan niya ang orasan sa bisig. Eksaktong alas dose, natapos niya ang ritwal.
Nag-indian sit siya sa harap ng alay at malakas na tinawag ang pangalan nang tutupad sa kaniyang hiling.
"Shanaya! Narito ang alay ko! Tanggapin mo kapalit ng isang hiling!" Tatlong beses niya pang isinigaw ang mga kataga bago unti-unting umusok ang manok.
Kahit bahagyang nagulat, hindi siya umalis sa pwesto bagkus lalo pang nilakasan ang pagtawag sa mahiwagang dayo. Hanggang sa ang usok na nagmumula sa manok ay nagkorteng tao. Naging isang napakagandang babae. Napakaputi nito na may mahaba at kulot na buhok. Mahahalina ka sa taglay niyang ganda.
Napatayong bigla ang babae.
"Ano ang hiling mo?" Malamig ngunit mapang-akit ang bawat katagang lumalabas kay Shanaya, ang mahiwagang dayo na tutupad sa bawat hilingin mo.
Saglit pang hindi nakahuma ang babae. Ngunit mayamaya pa, sinabi na rin niya ang dahilan ng kaniyang pakikipagkasundo rito.
"Nais kong magkaanak, kahit isa lang!" malungkot na saad niya. Mababanaag mo sa kaniyang mukha ang katotohanan sa kagustuhan niyang matupad.
Seryosong tinitigan siya ni Shanaya. Pagkatapos ay ikiniling nito ang ulo sa kanan at tiningnan ang dala niyang alay. Pagkatapos, umalingawngaw ang halakhak niya sa kagubatan. Nakakabingi at nakakapangilabot
"At anong kapalit?"
Itinaas ng babae ang kaniyang alay. Sa isang kumpas ng kamay ni Shanaya, nahulog ang manok sa tubig.
"'Yan lang ang alay mo? Hindi ganoon kadaling tuparin ang isang hiling ng isang manok lang?" Nanlalaki ang mata nito at matatalim ang tingin nito sa babae. Nawala ang maamong mukha at pumalit ang mabagsik na aninyo.
"Pero wala na akong dala. Ang sabi ng lola ko, 'yan lang ay sapat na," nagsusumamo ang tinig ng babae.
"Noon yun, iba na ang panahon ngayon. Ayoko ng alay mo!"
"Pero..."
"Ano nga bang hiling mo? Ah, magkaroon ng supling nga pala... buhay ang hiling, buhay din ang alay!"
Napatakip ang babae sa bibig. Bakit nagkaganoon? Akala niya mabait ito?
"Nababasa ko ang iniisip mo mortal! Mabait naman talaga ako, sige.. mamimili ka na lang... una, pagdating ng kaniyang disi otso, kukunin ko rin siya sa ininyo o pangalawa, alinman sa ininyo ng asawa mo ang kapalit? Patas na ba iyon mortal? Hahaha..."
Napatda ang babae sa mga narinig. Nais na niyang umalis sa lugar na iyon. Subalit, nanaig ang kagustuhan na magkaanak. Halos sampung taon na silang nagsasama at baog siya ayon sa doktor na pinatingnan niya. Natatakot siyang iwanan ng asawa kaya hindi niya sinabi ang tungkol dito. Kumabaga, ito na ang huling baraha niya. Isusugal na niya lahat.
"Wala na po bang iba?" Naluluha na siya sa kawalan nang pag asa.
"Hmmm, sige last na, bibigyan ko na lang ng kapansanan ang anak mo."
"A-anong kapansanan?"
"Pwede ba, tama na ang tanong! Alin sa tatlo?" Halatang naiinis na ito. At delikado kapag nagalit na ito.
"Mag iisip muna ako. Babalik na lang ako..."
"Wala ng susunod! Ang sinumang nakapunta rito at nakausap ko na ay hindi na maaaring bumalik pa! Isang beses lang. At trahedya ang daranasin kapag tinalikuran ako!" Biglang kumulo ang tubig sa paligid nito. Para bang naging napakainit nito dahil umuusok na ang tubig.
Umatras ang babae at saglit na nalito.
"S-sige yung pangatlo na lang," lumuluhang saad niya."Makakaalis ka na. Bukas na bukas din, magdadalang-tao ka na ng may kapansanan. Hahaha..."
Napatakbo ang babae paalis ng lugar na iyon. Sising sisi siya at hindi na sana siya pumunta at humiling sa mahiwagang dayo. Subalit huli na, nakahiling na siya.
Sa pagmamadali, nadapa ang babae at tuluyang humagulgol.
Patawad anak!
Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
jhavril
2015
BINABASA MO ANG
Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
FantasyMay hiling ka bang nais matupad? gumanda? yumaman? maging matalino? o maging makapangyarihan? sa isang iglap mangyayari iyan... humiling ka lamang... subalit ang bawat hiling ay may kapalit... kaya mo bang matupad ang iyong hiling kapalit ng mahal m...