Makalipas ang labing-anim na taon...
"Ayan na si Carmelang kuba!"
"Carmelang palaka, Carmelang palaka!"
Naririnig niya ang mga kantang panlalait ng mga bata sa kalye. Naglalakad lang siya papuntang school. Ang mga nakakasabay niyang mga high school student, kung hindi siya nilalayuan ay palihim siyang pinagtatawanan.
Balewala na sa kaniya iyon. Manhid na siya. Halos kada-dalawang taon, lumilipat sila ng tirahan. Dahil sa kalagayan niya, pinagtatawanan siya at minsan ay ginagawan pa ng masama. Mahal na mahal siya ng magulang kaya pati ang mga ito ay nakikipag-away para lang sa kaniya.
Pagkatapos ayusin ang mga dala-dalang libro, naglakad nang mabilis si Carmela. Ayaw niyang makasabay ang mga estudyanteng pinagkakatuwaan lang naman siya.
Fourth year high school na siya sa isang pribadong eskuwelahan sa Maynila. Lubhang napakatalino niya kaya nakapasok siya doon.
Pagdating sa room, pumuwesto siya sa dulo sa bandang likuran. May mangilan-ngilan namang hindi siya pinapansin, subalit mas lamang ang pinagkakatuwaan siya.
Pagkaupo, lumapit sa kaniya si Shelley, ang tanging kumakausap sa kaniya. Para sa kaniya, kaibigan ang turing niya rito. Apat na taon na silang magkaibigan. Kahit madalas ito ang humihingi ng tulong, hindi rin naman siya nito pinagdadamutan.
Pagtuntong niya ng high school, hindi na niya ninais na lumipat pa. Pagod na siya at tinitiis na lang niya ang mga pang-aalipusta sa kaniya nang ilan.
"Hoy may assignment ka na ba? Pakopya naman, ang hirap kasi eh." Inilapag nito ang ballpen at notebook sa desk at siya na ang kusang kumuha ng notebook ni Carmela sa bag. Hinayaan na lang siya nito.
"Mamaya sabay ulit tayong mag lunch ha? Wala akong baon eh." Tumango lang siya.
Pandalawahan talaga ang binabaon niya. Mahirap lang din sina Shelley. Marami pa silang magkakapatid. Janitor ang kaniyang ama sa eskuwelahang iyon at nagluluto naman sa canteen ang ina nito. Kalahati ng tuition ang binabayaran nila dahil gusto talaga ni Shelley na doon mag-aral. Social Climber nga ang tawag ng ilan sa kaniya.
Natapos ang panghapong klase at tumunog ang bell para sa uwian. Tatayo na sana sila ng pigilan sila ng kanilang guro.
"May ia-anounce lang ako." Umayos naman sila nang upo kahit ang iba ay nag reklamo.
"Tungkol ito sa group project ninyo for 4th grading. Dahil graduating na kayo, napagkasunduan namin ng mga subject teacher ninyo na gumawa kayo ng research paper tungkol sa probinsiya. Kailangan pumunta kayo sa mismong lugar." Nagkaroon ng komosyon at nagreklamo ang ilan. Karamihan ay hindi pumayag.
"Hep, silent please. Mga kaugalian, pamahiin at paniniwala o kahit ano pa man ang malalaman ninyo sa lugar. Basta, you need to research the place and take a picture na rin. Hahatiin kayo in three groups. Count one to three." Kahit nagrereklamo, nagsimula naman silang magbilang.
Nagkasama si Shelley at Carmela sa group two. Natuwa naman silang pareho dahil makakapagtulungan sila.
Kasama nila si Bella, ang muse ng klase. Halos lahat ng kababaihan ay kinaiinggitan ito. Para kasing nasa kaniya na ang lahat. Ganda, talino, famous at yaman. Wala nang hihilingin pa. 'Yun nga lang, sobrang sama ng ugali niya. Famous siya sa buong school. Siya ang pinaka sa lahat ng bagay. Pati sa ugaling masama.
Group two rin si Karl. Isang nerdy boy na maliit na payat pa. Hikain at kaya nakapasok sa school na iyon ay dahil sa napakatalino. Mataas ang IQ kaya kahit binubully kakampi ang mga teachers.
Kabilang din sa grupo si Mindy. Sobrang hina sa klase at hindi nila alam kung sinasadya talaga nito o talaga lang hindi matuto-tuto. Masiyadong maimpluwensiya ang amang politiko kaya hindi maibagsak kahit bagsak ang mga exams nito. Ilang tutor na rin ang sumuko rito dahil sa sobrang tigas ng ulo at mapagmataas.
Huling nakasama sa grupo nila ay si Johnny. Ang escort ng klase. Bukod sa matalino ay sobrang gwapo pa nito. Varsity din ito sa basketball team ng school. Matangkad at chinito. Halos lahat ng babae ay nahuhumaling dito at hinihiling na maging kasintahan ng isang Johnny Sebastian.
Nang pagsama-samahin sila para malaman kung sino ang magkaka-grupo, tanging sila lang dalawa ni Shelley ang natuwa. Sina Bella at Mindy ay umismid at hindi natutuwa sa grupong kinabibilangan. Siguro dahil naroon siya. May isang kuba sa grupo. Samantalang si Karl ay kiming ngumiti lang at si Johnny ay deadma lang sa grupo. Hindi mo mabasa kung anong saloobin niya.
"Mam naman, bakit sa province pa? We can go to abroad if you want?" Halos karamihan ay sumang-ayon sa suhestiyon ni Bella.
"Province ang napagkasunduan. Sa Pilipinas kayo mag-focus."
Natatawa na lang sina Carmela at Shelley nang ngumuso ang ilan dahil hindi nasunod ang gusto nila. Tiningnan siya nang matalim ni Bella nang mahuling ngumiti siya. Wala siyang pakialam kahit pa tarayan siya nito. Masaya siya dahil ka-grupo niya si Johnny, ang crush niya simula pa man ng tumuntong siya ng eskwelahang iyon. Pero s'yempre pa nananatiling lihim niya lang iyon. Nakakahiyang ipaalam.
Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
jhavril
2015
BINABASA MO ANG
Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
FantasyMay hiling ka bang nais matupad? gumanda? yumaman? maging matalino? o maging makapangyarihan? sa isang iglap mangyayari iyan... humiling ka lamang... subalit ang bawat hiling ay may kapalit... kaya mo bang matupad ang iyong hiling kapalit ng mahal m...