"Ano?! Hindi pwede! Umalis nga tayo roon, tapos pupunta ka?"
"Nay!" saway ng kaniyang ama sa kaniyang ina.
Napakunot-noo naman si Carmela.
"Eh, ano po bang masama dumalaw man tayo roon? Project po kasi namin sa school 'yon. Dito po nakasalalay ang pag-graduate ko."
Nasapo ng kaniyang ama ang sariling noo. Alam nito ang nangyari dati kaya nag-aalala rin siya sa muling pagtuntong nila sa probinsiya ng asawa. Binaon na nila sa limot ang nakaraan at hindi na dapat balikan pa lalo na ang lugar na iyon.
"Eh, 'di sa ibang probinsiya na lang ng mga kaklase mo. 'Wag lang sa amin," giit pa rin ng ina. Lalong nangunot ang noo niya. Matagal na niyang napapansin na parang takot ang mga magulang pagbinabanggit ang probinsiya na kinalakhan nila.
"Bakit po ba ayaw ninyong bumalik doon? Ang pagkakaalam ko, hindi ninyo pa nabebenta ang bahay at lupain natin. May matutuluyan tayo kung sakali."
Pinatirhan nila sa kaibigan nilang ulila. Hindi na ito nakapag-asawa pa. Noong nakaraang taon, nabalitaan nilang namatay na ito at inaasikaso na nga nila ang pagbenta sa bahay at lupa.
"'Yong... 'yong iba mong ka-grupo, wala bang pwedeng probinsiyang puntahan ninyo?" Nagbabakasali pa rin ang ina niya na baka nga may iba pang option wag lang makarating ang anak sa lugar na kinatatakutan nila.
"Ako lang po ang may probinsiya. Laking manila po sila inay," malungkot na sabi ni Carmela
Ipinagpatuloy na lang niya ang naantalang pagkain. Isda at gulay ang nasa hapag at mukhang nawalan na nang ganang kumain ang magulang dahil sa sinabi niya.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Naaawa rin naman talaga sila sa anak at ayaw nilang nalulungkot ito. Kapansin-pansin ang pagiging tamilmil nito sa pagkain na 'di gaya ng dati na kahit tuyo lang ay magana itong kumain. Mahal na mahal nila ang nag-iisang anak.
Napabuntung-hininga ang kaniyang ina. Tumango naman ang ama.
"Sige, ako na lang ang sasama. May trabaho ang tatay mo. Tutal isang linggo lang naman." Wala naman sigurong masamang mangyayari sa maikling panahon na iyon.
Nasisiyahang tumayo si Carmela at niyakap ang magulang. Kahit ganito ang naging itsura niya, hindi siya nagsisisi dahil nagkaroon siya ng mababait at mapagmahal na magulang. Hindi niya ipagpapalit sa kahit na anong yaman sa mundo.
Kahit medyo kabado, masaya na rin ang mag-asawa at nakangiti na si Carmela at magana pang kumain.
Bahala na dobleng ingat na lang.
Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
jhavril
2015
BINABASA MO ANG
Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
FantasyMay hiling ka bang nais matupad? gumanda? yumaman? maging matalino? o maging makapangyarihan? sa isang iglap mangyayari iyan... humiling ka lamang... subalit ang bawat hiling ay may kapalit... kaya mo bang matupad ang iyong hiling kapalit ng mahal m...