Sagot ng eskuwelahan ang van na gagamitin at expenses ng estudyante para sa group project nila. Gusto man nilang magkaniya-kaniya ng sasakyang gagamitin, hindi pumayag ang guro nila dahil baka magkaligaw-ligaw sila kaya binigyan sila nang gagamiting sasakyan. Wala silang nagawa kung hindi magsama-sama sa iisang sasakyan.
Kasama ang nanay ni Carmela at yaya ni Mindy, kaya palagay naman ang loob ng mga magulang ng mga kasamang estudyante na hindi maaano ang mga ito. Tutal, malapit lang naman ang pupuntahan nila.
Halos, anim na oras din ang gugugulin nila sa paglalakbay papuntang probinsiya nila Carmela. Nasa unahan ang nanay niya katabi ng driver, at kanina niya pa napapansing aligaga ito at hindi mapakali.
Nasa pangalawang upuan naman siya at pagsinusuwerte nga naman siya, nakatabi niya si Johnny sa upuan. Nasa may bandang bintana siya, at naunang umakyat si Johnny kesa kay Shelley. Nagulat siya nang tumabi kaagad ito sa kaniya. Ngumiti ito at tinanguan siya bago naglagay ng headset at sumandal. Aaminin niya mas gusto niyang makatabi ito kahit alam niyang hindi rin naman siya nito kakausapin. Minsan lang mangyari ito at masaya na siya roon.
Kiming gumanti rin siya nang ngiti at mabilis na ibinaling ang paningin sa labas. Kinikilig na sinaway ang sarili dahil alam niyang nakikipagkaibigan lang naman ito at kahit kailan hindi siya papatulan nito. Malungkot na napangiti na lang siya sa naisip.
Nasa likod na lang umupo si Shelley, katabi si Karl at Bella. At nasa bandang dulo ang magyayang Mindy at Ate Susan.
Malayo-layo ang byahe kaya kaniya-kaniya sila ng paraan para hindi maboring. Hindi sila nag uusap-usap dahil pakiramdam ni Carmela, ayaw talaga ng grupong pumunta sa probinsiya nila.
Umayos siya nang upo. Napatingin tuloy sa kaniya si Johnny. Ibinaba sa leeg ang headset.
"Ayos ka lang? Hindi ka ba nahihirapan?" Pag-aalala ba 'yong narinig niya?
Umiling siya nang marahan. Hindi siya makapaniwalang kinakausap siya nito.
"Paanong hindi 'yan mahihirapan e, ang laki nang dalahin sa likod," sabad ni Mindy. Sinaway naman siya ng yaya niya.
"Bakit yaya totoo naman, a? At p'wede ba 'wag kang makialam!" nakairap na sabi nito.
Napatingin siya sa ina. Buti na lang tulog ito.
"Sorry about that. Don't mind Mindy, spoiled brat kasi," pabulong na sabi nito at tumawa pa ng marahan. Naramdaman niya pa ang hininga nito sa bandang tenga niya. Napatingin siyang bigla kaya halos magkalapit na ang kanilang mukha. Mabilis siyang umiwas at ibinaling ang paningin sa bandang bintana. Nakakahiya!
"O-okay lang 'yon, sanay na ako." Tumango lang si Johnny at hindi na umimik. Sumandal at ibinalik ang headset sa tainga at pumikit.
Napabuntong-hininga siya. Akala pa naman niya makikipagkuwentuhan na sa kaniya si Johnny. Umasa na naman siya.
Ibinaling niya ang paningin sa labas. Napansin niyang halos puro kagubatan na ang nadadaanan nila.
Tama kaya ang daan nila?
Nanatiling tulog ang kaniyang ina. Alam niyang puyat ito dahil naririnig niya pa ang mahihinang pag-uusap ng mga ito, na alam niyang ayaw iparinig sa kaniya. Dingding lang ang pagitan ng mga kwarto nila kaya no'ng inantok na siya, narinig niya pang nag-uusap pa ang mga ito.
Hindi niya alam kung ano ang kinatatakutan ng mga ito sa lugar na iyon. Naku-curious tuloy siya.
Mayamaya pa, nabasa na niya ang welcome na nagsasaad na nakapasok na sila sa lugar na probinsiya ng ina.
Nagising na ang ina niya at tumingin sa bintana.
"Malapit na tayo. Mag-ready na kayo." saad nito at tumango ito sa kaniya.
Napansin niyang hindi na naman ito mapakali at patingin-tingin sa labas. Mababasa mong balisa siya pero pag napansin naman na nakatingin siya, ngingiti nang pilit. Hinayaan na lang niya at baka excited lang sa muling pagtuntong sa lugar na iyon. May kamag-anak pa kaya kami rito?
Nakita niyang may itinuro ang ina sa driver at lumiko ito sa kanan. Buti na lang at hindi lubak ang daan. Sementado kaya hindi matagtag. May mangilan-ngilan na ring mga bahay na makikita na parang sa isang baryo talaga. May mga sementado na ring bahay subalit mabibilang lang. Napapalingon ang mga taong nasa daan kapag dumaan ang van.
"We're going to stay in this place? Like, duh?" Umiikot pa ang eyeball ni Bella habang nagsasalita.
"You should know that in the first place," natatawang sabi ni Johnny.
Iniaayos na nito ang cellphone at headset sa bag. Napatingin siya rito. Saktong tumingin din ito sa kaniya at ngumiti bago kumindat sa kaniya.
Natulala siya sa ginawa nito. Kinindatan talaga siya? Magsasalita sana siya nang tumigil na ang sasakyan at sinabi na ng ina na bumababa na sila dahil naroon na raw sila.
Isa-isa silang bumaba. Umismid sina Bella at Mindy nang makita ang bahay natutuluyan nila.
Malaki naman pala ang bahay ng ina. Subalit gawa ito sa pawid at kawayan. Nakatirik ito sa gitna nang malaking lupain na may mga halaman sa paligid. May malaki pang puno ng mangga sa gitna na may hammock na nakasabit. Parang gubat ba ang nasa likurang bahagi ng bahay?
Tipikal na lugar sa isang probinsiya. Nakakahalina ang lamig nang simoy ng hangin.
May malaman kaya sila sa gagawing pagsasaliksik sa ganda ng lugar na iyon?
Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
jhavril
2015Ang kabuuan ng buong kuwento ng Hiling sa Mahiwagang Dayo 1 ay mababasa na sa DREAME (www.dreame.com). I-search lang ang JHAVRIL at naroon na ang pagpapatuloy nito. Mahilig ako sa twist kaya asahan na may kakaiba sa kuwentong ito. Maayos na rin po siyang na-edit. Pa-follow na rin po ako. Salamat sa pang-unawa :) daily update po yon :)
BINABASA MO ANG
Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
FantasyMay hiling ka bang nais matupad? gumanda? yumaman? maging matalino? o maging makapangyarihan? sa isang iglap mangyayari iyan... humiling ka lamang... subalit ang bawat hiling ay may kapalit... kaya mo bang matupad ang iyong hiling kapalit ng mahal m...