DAYO 3

5.9K 269 3
                                    

Inalam ng guro kung sino ang magiging leader ng bawat grupo. At sa malamang, pinagkaisahan na siya na lang ang gawing leader.

"Matalino ka 'di ba? Ikaw na ang leader at ikaw na rin ang gumawa ng lahat" nakahalukipkip na sabi ni Mindy.

"Lahat dapat ay may partisipasyon. You need to cooperate with the group. The leader should take note on that. 'Pag walang ginawa, hindi ga-graduate." Nag-angalan ang ilan particular ang mga tamad at gusto ay hindi mahirapan.

"Even me?" nakataas ang kilay na sabi Mindy.

"Lahat ang sabi ko 'di ba? Especially you Miss Servando. Kinausap ko na ang daddy mo at dahil wala na raw silang magagawa sayo, ipinauubaya na niya sa akin ang lahat. So you need to pass on this."

Naningkit ang mata ni Mindy sa narinig. Ngumiti naman ang guro niya.

"Saang probinsiya kayo pupunta?" Turn na nila para sumagot nang biglang nagsalita si Shelley.

"Kina Carmela na lang ma'm, sa probinsiya nila."

Natitigilang napatingin si Carmela sa nakangiting si Shelley. Inaantay naman ng guro ang sagot niya.

"Eh, ma'm hindi ko po masasabi kasi..."

"Pumayag ka na. Para makauwi na tayo at may practice pa kami late na ako," biglang sumabad ang nakasimangot na si Johnny.

"Oo nga kubs, paarte ka pa eh, ikaw lang naman ang may probinsiya sa atin," nakangising sabi ni Mindy.

Nagtawanan ang mga nakarinig sa kaniya. Napipilitang tumango siya dahil tumayo na si Johnny at ready na para umuwi.

"Okay, next next week ay magsisimula na kayong pumunta sa designated province ninyo. Bibigyan kayo ng one week to do your research. Pagbalik ninyo, kailangan tapos na rin 'yan and may reporting pa sa aming lahat ng mga guro ninyo. Diyan nakasalalay kung magsusuot kayo ng toga o hindi. Intiendes? Okay, class dismiss."

Nagmamadaling lumabas na ang buong klase. Halos nag-uunahan pa sila dahil late na nga silang pinalabas. Nagpahuli na lang sina Carmela at Shelley.

"Oi girl, ikaw na ang bahala sa atin ha? Alam mo naman na ikaw ang magaling sa ganiyang bagay eh, hihihi."

Ngumiti nang pilit si Carmela. Hindi niya inaalala iyon kahit siya pa ang gumawa ng lahat. Walang kaso sa kaniya iyon.

Mas inaalala niya ay kung paano siya magsasabi sa kaniyang magulang. Siguradong hindi siya papayagan ng mga ito. Kung siya nga, hindi pa ata nakakarating sa probinsiya nila, dahil hindi niya maalalang nakapunta na siya roon. Siguro, noong maliit siya pero hindi niya talaga maalala.

Payagan kaya siya ng mga ito? Malamang hindi. Masinsinang pamamaalam ang kailangan niyang gawin. Sa kaniya nakasalalay ang grupo kaya kailangan niyang mapapayag ang magulang.

Pero paano?



Hiling sa Mahiwagang Dayo 1
jhavril
2015

Hiling sa Mahiwagang Dayo 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon