Chapter 1

17 7 0
                                    

Zyair's POV

"Pre kinakabahan ako" sabi ni Lucas, bestfriend ko.

"Gago wag kang kakabahan mas kakabahan lang din ako" sagot ko naman sakaniya.

First day of school ng Iseul Zuriel University o ng IZU. Grabe! College na kami ni Lucas eh parang last month lang nag-iiyakan pa yung mga kaklase namin ng SeniorHigh. Tapos ngayon may ganito nanaman?! Hays. Nagsimula na ang program para sa mga freshmen. Orientation, school tours, grading systems, at pagpapakilala ng mga prof. Napakaboring pero hinayaan ko nalang. Pagkatapos ng OT, binigyan kami ng 2 hours para maglibot sa campus at makakain. 

"Kishi! Dito ka rin mag-aaral??" tanong ko kay Kishi, siya yung childhood friend ko na sobrang talino, sobrang ganda, at sobrang bait. Naalala ko nga nung mga bata kami, pinangakuan namin ang isa't-isa na pag nakapagtapos kami ng college at nakahanap ng trabaho ay magpapakasal na kami. Umamin siya sa akin noong graduation namin ng elementary. Nireject ko siya noon pero aantayin daw niya na mag-karoon ako ng feelings para sakanya, at sa nararamdaman ko, malapit ng mangyari iyon. Liligawan ko na siya pagtapos ng 1st Sem. At pakakasalan ko siya pagkatapos ng Law School. Iyon ang plano ko para sa amin.

"A-ah, oo. Ikaw? Bakit ka nandito?" sagot naman niya. Haha! Nauutal siya Zyair! Ibig sabihin nahihiya siya. I smirked.

"Ha? Hahaha! Ikaw naman Kish! Ano pa sanang gagawin ko dito? Anong kinuha mong course? Culinary Arts? Sabi mo noon gusto mo akong lutuan kaya gusto mong maging chef." tanong ko sakanya at agad-agad namang napalitan ang hiya sa kaniyang mukha ng paghanga.

"Oo eh. Naalala mo? Ikaw? Diba gusto mong maging doctor para tulungan akong mawala yung sakit ko." ayun nanaman ang nahihiya niyang tono. 

"Hindi eh. Bigla akong nagkaroon ng interest sa Law. Kaya Political Science yung kinuha ko, feeling ko kasi may mangangailangan sa'kin pagkatapos na pagkatapos ko ng Law School! Feeling ko lang talaga! Ewan! Hahaha" pagkatapos kong banggitin iyon ay sumeryoso ang mukha ni Kish, na para bang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko. Tinawag niya nalang yung kapatid niya, si ate Kizhe. At nagpaalam sa'kin na nagugutom siya. Nag-offer naman akong samahan siya tutal kami lang naman ni Lucas ang magkasama ngunit agad niyang tinanggihan at ngumiti ng mapait. Nalilito din ako sa pamilya nila, hindi na nga maintindihan ang mga pangalan, hindi pa maintindihan ang mga ugali! Tsh.

"Oh pre, anong ginagawa mo dun kay Kishi, why the freak did she roll her eyes on me?! May ginawa ka bang masama?" si Lucas na kagagaling sa restroom dahil muntik na daw siyang maihi sa pantalon niya ng tawagin siya sa harap para sabihin ang kaniyang expectations this school year.

"Aba malay ko dun pre! Biglang tinopak amp! Sinabi ko lang naman na nagtake ako ng PolSci tapos inaya ko siyang kumain tapos bigla niyang tinawag si Ate Kizhe tas nilagpasan ako?! Aba attitude siya par!" reklamo ko pero tumawa lang ang ugok kaya inaya ko na siyang kumain sa cafeteria at maghanap ng mga bagong kaibigan. Pagpasok namin ng cafeteria, pucha ang daming tao! Halos freshies lahat! Hindi ba sila nag-almusal at napakaraming garapata dito sa cafeteria na handa ng sumipsip ng pagkain. Tzk! Ang daming tao legit! Umorder nalang kami ng pagkain. Pork Cutlet kay Lucas at Orange Chicken sa akin. Masarap naman siya. Daldal lang ng daldal si Lucas hanggang may lumapit na magkakaibigan o magkakapatid? Pero may lumapit pa rin. Isang babae at dalawang lalaki na may hawak ng tray. Ano naman iyang inorder nila?! Parang korean food, saan naman nila naorder iyon? May jagokbap (korean purple rice), laver, bulgogi, kimchi, at may mga side dishes pa! Hindi siya katulad ng tray namin. Yung tray nila ay kulay silver samantalang sa aming lahat ay black.

"My gosh! Ang gwapo ni Iver! WAAAAAHHHHHH"

"Huy ukininam mahuhulog na ata yung panty ko ang hot ng brother ni Iver ha! In all fairness!!!"

Flora in the DarkWhere stories live. Discover now