"Mr. Pimentel are you with us?" tanong ni Miss Shaira raising her brows, she is our professor in Political Theory. I was in deep thoughts when she asked. Agad naman akong napalingon at crinumple ang note na hawak ko.
"O-of course Miss" natataranta kong sagot.
"Then state atleast 10 of the categories in Political Theory." she said in a monotone. Nakakainis ka Isla! Sobrang nakakainis! Palagi ka nalang wrong timing!
"Uh M-Miss. A-agonism, Centrism, Egalitarianism, uhm." I looked at Lucas for help, he shook his head and mouthed 'Kaya mo sarili mo, PolSci pa!' then laughed.
"Sit down Mr. Pimentel. Anyone in the class?" Miss Shaira told me. I gave her an apologetic smile and sat down. Emiko volunteered to answer the question, but guess what? Hindi lang 10 ang nirecite niya, kundi ang lahat ng 50 categories! I was amazed but I stayed silent.
Hours passed when Lucas and I decided to eat lunch in the fastteria, or fast cafeteria where there are fast foods stalls. We are heading down when a group of blockmates approached us and invited us for lunch.
"San kayo? Sa fastteria ba ang punta niyo?" tanong ni Arby. Siya yung tipo ng lalaki na matangkad na chinito, yung para bang sa kahit anong oras ay pwede ka niyang saktan at iwan ng luhaan.
"Tara sabay sabay na tayo! Hindi ko rin kabisado dito dahil baguhan palang naman ako. Kapag maliligaw ako gusto ko ng may kasama, para hindi naman ako mukhang tanga! Hahaha!" aya naman ni Nathan. Siya naman yung basketball player ang datingan, ang tangkad niya, isama mo na rin ang balat niyang naaarawan palagi pero bagay parin naman sakanya.
"Hindi ba kayo lumibot dito kahapon? Tara ubusin natin oras ng break para maglibot. Nakapagikot na kami ni Lucas kahapon" tawag ko sakanila.
"Nathan Javier Velasquez, bro. You can all call me Nate, masyadong mahaba ang Nathan or pwede ring Jav." pagpapakilala niya sa sarili.
"Arby Dain Mercado, Ady for short. Basketball tayo sa weekend! May gagawin ba kayo?" ang hyper nila! Umiling lang kami sa tanong niya. Pansin kong tahimik ang isa nilang kasama. Siniko ni Nate iyon.
"Joshua Kiefer Sanchez tol. Josh nalang." alok niya sa kamay niya. Tinanggap naman namin iyon, nagpakilala na din kami ni Lucas at bumaba na ng building.
Nakasalubong ko si Martha na para bang gulat na gulat na makita ako o ang mga kasama ko. Tinanguan ko lang siya dahil ayw na ayaw kong nagpapakilala ng kaibigan ko dahil para ko na din siyang nireto kung kani-kanino. Bumili kami ng burrito sa Subway at ng inumin, pagkatapos non ay naghanap kami ng pwede naming tambayan, yung kami lang nakakaalam.
Pumasok kami sa mga puno malapit sa backgate at nakahanap kami ng bench na magkatapat at may table. Naupo kami at nagsimulang magkwentuhan tungkol sa aming sarili. Nagulat kami ng may narinig kaming yabag at pinakinggan ang tunog, hindi nagtagal ay nagpakita si Isla na kasama si Emiko, at dalawa pang tao. Isang babae at isang lalaki.
"Wh-what are you doing here?! Who are you?!" asik ng kasama nilang babae.
"Excuse me miss? My pangalan niyo ba dito at umaasta kayo ng ganyan?" Ady shot back.
"Oo meron, tumingin kaya kayo sa upuang inuupuan niyo?" sabat nung lalaki. Agad kaming tumayo at nakita ang mga nakaukit, hindi namin napansin dahil bukod sa natakpan iyon ay ibang lenggwahe ang nakasulat.
Sa inuupuan namin ni Lucas ay mayroong nakaukit na 아이라 (Isla) at 지얀나 (Jianna). Sa pwesto naman nila Arby at Josh ay nakaukit ang 애미크 (Emiko) at 읻리얀 (Idrian). Sa adjacent seats naman kung saan nakaupo si Nate ay mayroong nakaukit na 유이 (Yui) sa isa at 이별 (Iver) nama sa isa. Napapahiya kaming nag-angat ng tingin. Hindi ko maintindihan pero nasisiguro kong pangalan nila iyon dahil mayroong initials iyon. Paano nila nagawa iyon? Vandalism yun diba?
"If you really want a peaceful place to eat, meron dun oh, wag kayo sa table namin please." turo nung babae sa kabilang banda ng mini forest, anak ng! Kailangan pa tumawid ng bridge.
"Jianna." sita ni Isla sa kaibigan niya. Hinatak ko na si Lucas at tinawag sila Nate para lumipat sa kabila.
"Takot ka dun pare? Tsh!" yabang ni Arby.
"Shhhh!! Wag niyong minamaliit yung babaeng iyon! Yung nakasuot ng headband na kulay blue! Iwasan niyo yun lalo kung may girlfriend kayo! Grr." I warned them, nanginig ako nang maalala ko nanaman ang ginawa niya sa akin.
"Bakit ano bang ginawa sayo nun?" tanong ni Josh, umiling lang ako.
"Hinalikan siya sa pisngi, eh nanonood yung kaibigan niyang babae na may gusto sakanya! Hahahahaha!!" pinagsabi ni Lucas. Binatukan ko lang siya at sabay sabay silang natawa dahil sa nalaman. Umiling na lang ako dahil sa inis.
Nakikita kong pasimple akong sinusulyapan ni Isla, sinabi ko nga kay Lucas.
"Pre, sinusulyapan ako ni Isla!" bulong ko kay Lucas.
"Hmm? Paano mo naman nalaman?" tanong ni Lucas ng nakangisi, nagtataka naman akong tumugon.
"Kasi nakatingin ak-" hindi ko na maituloy ang sasabihin ko.
YOU ARE READING
Flora in the Dark
General Fictionfiction. Zyair Marcellus Pimentel is a PolSci student in IZU. He's from their province, he was always the perfect child that his parents have always wanted and the unico hijo in the family. Until he meets Isla Zena Won, a MedTech student in IZU, she...