"Uy, pre anong nangyayari sayo?? Nasan si Kishi?? si Lucas na kanina pa ako inaalog
"N-nasan si Isla?" tanong ko ng mabalik ako sa wisyo.
"Pre anong Isla?? Si Kishi ang kasama mo palabas ah, anong Isla? Tsk!" sigaw niya
"H-huh? Eh kasama ko si Isla kanina. Sinabi pa nga niyang huwag ako magpapasampal kay Kishi kase hinalikan na daw niya ako, t-tss!"
"Bro, adik ka ba?? Kanina ka pa iniwan ni Isla, nung sa cafeteria pa! Tangina may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" pabiro niyang niyakap ang sarili ng biglang tumunog ang bell.
"Tara na nga!" aya ko sakanya. "Alam mo ba kung nasaan yung room ha?"
"Tzk, oo naman pre. Dito na ata ako nakatira eh. Tara na nga! Sa F Bldg. daw yung classroom natin sabi ni Mom." hatak niya sa akin.
Tae! Ang daming tao nanaman! Well sanay naman ako dahil malaki ang circle of friends ko, yun nga lang, naiwan silang lahat sa province, dito lang ako inenroll ng parents ko dahil masyado daw akong mayabang at nagpapakampante dahil halos lahat ng tao sa school, nagkakagusto sakin at yung iba naman, kaibigan ko. Dito talaga dapat mag-aaral si Lucas dahil nandito nga ang mom niya, habang ang parents ko, wala na nga palagi sa bahay, wala pa dito sa Tagaytay, they're always out of the country kaya pinasama nalang din sa'kin si Martha.
"Uy! Tara na Marcellus, aba!" sigaw sa'kin ni Lucas
"Chill! Para namang malalate tayo"
IZU is a very prestigious school, para kaming students of Korea! Well Iseul Zuriel U naman so baka nga Korean ang may-ari nito, pero hindi pa'rin siya katulad ng mga schools sa Manila, like ADMU, DLSU, UP, UST. Malayong malayo! Centralized ang aircon per classroom, ang laki ng cafeteria, may swimming pool na 20ft, may auditorium rin! Parang yung mga napapanood ko kapag inaagaw ni Martha at ni Kishi yung remote sa Netflix. Ang saya siguro niya, nawa'y lahat. I smirked with my thoughts.
"Good Afternoon everyone. I am Ms. Irene Choi, your college advisor for this semester. As you all know upon enrolling in this university, the curriculum is identical with the Philippine Curriculum which means that the other students in other schools have different subjects that IZU. You may contact me thru e-mail, phone number and you can also see me in my office during office hours. This week will be for preparation for the upcoming sem, enjoy your learning in Iseul Zuriel University and goodluck. As we finish our period, let us have an interactive way of introducing ourselves. I have a list of all your names prepared on a random picker. Start preparing guys! our advisor said.
What the heck? Kauumpisa lang ng orientation may activity kaagad? Ms. Irene randomized our seats to prevent us from chatting. Bata palang si Ms. Irene, parang mga nasa 24 years old palang siya. And dahil maganda siya, gagawa ako ng effective na paraan para mapansin niya ako, pero popormahan ko lang muna kasi baka makick-out kaming dalawa. Haha! Kaso paano si Kishi? T-tss, naalala ko nanaman siya. Ako ba talaga may kasalanan non? Kasalanan ko bang hinalikan ako ni Isla? Tama lang naman yung sinabi ko diba? Hindi naman ako magsosorry dahil sa nakita niya, magsosorry lang naman ako dahil hindi ko siya nasundo kanina kasi sabi ni Ate Kizhe inantay niya daw ako hanggang sa hindi siya nakarating sa OT. Eh malay ko bang dito din siya mag-aaral? Paano kaya kami magbabati?
"Mr. Zyeir? Zyar? Z-- oh nevermind Mr. Marcellus Pimentel, it's now your turn" Ms. Irene announced. Fucc! Hindi pa ako prepared, inaantay ni Miss na may tumayo, when she got no response, nagtanong siya, at dahil gago si Lucas tinuro niya ako kay Miss at nagtinginan sa'kin silang lahat.
"A-ah h-hehe. Miss I'm not yet ready po" I nervously said and glanced back at Lucas who was stifling his laugh, I glared at him.
"It's okay Mr. Pimentel, I'm sure you'll get everyone's attention just by standing in your seat." she chuckled.
YOU ARE READING
Flora in the Dark
Aktuelle Literaturfiction. Zyair Marcellus Pimentel is a PolSci student in IZU. He's from their province, he was always the perfect child that his parents have always wanted and the unico hijo in the family. Until he meets Isla Zena Won, a MedTech student in IZU, she...