Chapter 4

8 5 0
                                    

"See you when I see you" she winked at me and turned her back. What the hell just happened?? Naiwan akong nakatanga nang batukan ako ni Lucas.

"Aray! Masakit yon! Alis!" sigaw ko sakanya.

"Aba pre para kang tanga jan! Kanina pa nakaalis si Isla ah! Ano pang tinatayo tayo mo jan? The fuck?!" bawi niya. As usual, kinulit ako ng mga ugok!

"Uyy! Kaya pala nilalayuan yung babae! Para malayo sa tukso! HAHAHAHAHA!" asar ni Ady. Pinakyuhan ko sila.

"Oo nga bro! Lagot ka sa girlfriend mo ngayon!" dagdag naman ni Nate. Nakitawa naman si Josh at Lucas. Mga tanga talaga!

"Wala akong girlfriend" basag ko sakanila.

"Oi! Edi pwede nang ligawan yung chicks! Pano mo pala nakilala iyon?" tanong nanaman ng intirimitidong si Ady.

"Wala! Nakiupo sila sa table namin nung OT tapos nagpapakilala lang si Zyair bigla na siyang hinalikan! HAHAAH!" sabat ni Lucas.

"Saya na kayo niyan?" sarkastiko kong ngiti. "Tara na malalate na tayo! Andami niyong sinasabi! Andaming dama! Tzk!" tawag ko sakanila pero tumawa lang sila at tumayo.

"Sus pre! Porque't may lovelife ka lang! Dun ka nga! Yikes!" asar ni Nate.

"Kayo ba wala?" curious na tanong ko. Bigla namang nasamid si Josh na nakatungo lang habang kumakain.

"Uyyy! Si Josh! May tinatago!" gatong ni Lucas. Ang daldal! Parang mga bading! Tss.

"H-huh? W-wala ah!" agad na depensa niya sa sarili.

"So who's the lucky girl?" tanong ko naman habang nakangisi para lalo siyang maasar.

"B-bro, wala talaga! P..promise!" utal na sagot niya.

"Oh eh bakit ka nauutal? Josh, chill! Hindi ka naman namin ijujudge! Tatanggapin ka namiiinnn ng buong puso kung ano ka at sino ka HAHAHAHA!!" si Nate, obviously teasing. Agad namang naidura ni Josh ang juice na iniinom niya nang marealize ang sinasabi ni Nate.

"Gago!" pinakyuhan niya ito at binato sakanya ang backpack ni Nate. Tawa lang kami ng tawa.

Pabalik na kami ng room nang makadaan kami ulit sa building nila Martha at nag-excuse si Josh na magrerest-room daw siya. Pagkatapos non ay pumunta kaming auditorium dahil may orientation daw about sa new building. Para saan nanaman ba 'yon? 

"Good morning ISEURIELS!! As we all know we are all gathered here for the orientation to the new building built for the acknowledgement of Ms. Yuri Takahashi's ground-breaking for her family's new business in Japan that holds atleast 30% of Japan's biggest construction company stocks that will contribute to our school's welfare" si Miss Jeane. Siya yung palaging hyper teacher na akala mo nakalunok ng megaphone pero ang liit naman.

What was that? Nag ground-breaking lang pinatayuan na ng building? Amp! Sana all! Si mom at dad din naman naggground-breaking sa Malaysia, Thailand at Vietnam pero hindi pinatayuan ng building! I looked around and I saw Kishi smiling widely, saya niya lang diba? Tsaka we're already in good terms since tinulungan ako ni Martha, yun nga lang, medyo distant siya sa'kin, siguro masyado niyang dinamdam yung mga sinabi ko? Hindi naman masakit yon ah? I'm just stating facts! Babae nga naman.

"The new building will act as the second gymnasium of our school with the size of the field you can see in the outdoor grounds. Our field is approximately 27.45x45.75 meters making our school the most widest and biggest field in Asia. The gymnasium will have two floors, the basement is for the pending players that will soon enter the gym when playing. The sports that will be held in the gymnasium will be ice hockey, skating, and skiing. The sports mentioned was personally chosen by Ms. Takahashi. That means that our school will officially have it's own ice rink." patuloy pa niya.

Woah! Nice! Mahilig si Kishi at Martha sa ice skating because we both grew up in Japan when we're 2 years old but we eventually moved here in the Philippines dahil nga gusto ng lola at lolo ko na makasama kami while we're still young so I never really met Kish's parents, only ate Kizhe.

"You can now sign up in the sports registrar near the S Building. Slots for this season will be limited, sign up now! Once again, thank you for your time and best of luck, Iseuriels! Modeun guleum-eneun eunsaeg angam-i issseubnida!"

Sa wakas! Natapos din ang orientation, pero I really don't get it! Bakit kailangan pa nilang ipatawag yun for orientation? Eh pwede namang icall-out yung mga interested for ice-sports. Sayang oras! Inaya na'ko nila Lucas para bumalik ng room, gago yun si Josh! Di'pa bumabalik! Akala ko CR lang?

"Oh mga pre! A-asan kayo kanina?" si Josh at halatang gulat na gulat at pinagpapawisan pa.

"Tanga! Ikaw ang saan galing? May nakamomol ka siguro no? Nakita ka ni Ady kanina palabas ng A building! Archi pala ang nais! Hahaha!" pang-aasar ni Nate sakanya. Nakita ko siyang sumulyap sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bobo yun si Ady! Galing akong auditorium, wala naman kayo! Mga scam!" depensa niya.

"Sus pre, deny lang ng deny! Mahuhuli ka rin namin, diba pareng Zyair!" dinamay nanaman ako ni kupal, pero syempre makikisakay ako. 

"Haha! Kapag nalaman ko kung sino yan, ipagkakalat ko! Walang masaya sa pamliyang 'to!" asar ko naman sakanya at nagtawanan kaming lahat. 

Weeks passed by smoothly at napagisip-isip kong dalawin nanaman si Martha, hindi nagpaparamdam sakin yung bruhang iyon! Syempre nilutuan ko siya ng Buttered Chicken, yun yung favorite niya dahil mahilig siya sa mga plain yung lasa katulad ng Aglio Olio, Glazes Donuts at Vanilla Ice Ctream. She's a plain basic brat. It's Saturday in the afternoon when I decided to go to her unit. Our unit was actually Korean style, yung tipong meron pang sensor light para sa ilaw at lalagyan ng slippers for the guests. Mag-isa lang naman siya dito sa unit and wala siyang dorm-mate kaya agad akong nagtaka ng may makita na familliar na sapatos. 

"Kanino 'iyan Martha?" tanong ko ng masuot ko ang slippers ko para sa unit niya. Agad naman siyang nagulat at kinuha ang sapatos, I also heard her whisper a curse.

"A-ah! Haha! Sa blockmate ko t-to! Haha! W-we went clubbing l-last night! H-haha!! I b-borrowed it from her because o-our outfit was r-rock! H-hehe!" depensa niya na utal utal.

"Hindi pang-rock yan Martha Zada Pimentel." striktong pagpuna ko sakanya.

"Sa akin pang-rock to!" then I heard a creak on her wardrobe. I immedately stood up and checked, she was about to cover the closet with her body but I opened the closet first, I was shocked. Namilikmata ako ng makita ang pamilyar na tao sa loob ng wardrobe ni Martha.

"J-Josh?"  

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

follow me on socmed!

twt: eiyliawrites

ig: eiyliawrites

fb: Eiylia Writes

you can pm me to ask questions and even just to talk to me. feel free to talk to me anytime. :)
_____________________________________________

xoxo,

Flora in the DarkWhere stories live. Discover now