Gumising ako ng maaga dahil sa plano na gagawin mamaya, bibili pa ako ng balloons, confetti, cake and 'yung dinner nila. Alam ng mga co-techers ang plano, kilig na kilig sila at supportado naman nila si ma'am. Di na daw muna ako papasok para mapaghandaan ko ito ng mabuti. Pwede n'yo na'ko kunin na organizer, PM for more info.
Nag-agahan muna ako bago lumabas, gusto ko sanang sumabay kay kuya Justin kaso di ako papasok. Di n'ya naman malalaman na di ako papasok dahil nasa kabilang building s'ya, ang layo ng building namin sakanila. Architect kasi ang kinuha n'ya, at doctor naman 'yung akin.
Nagpaalam na ako at pumunta sa sakayan ng jeep, maraming tao ang nag hihintay. 'Yung iba ay estudyante at 'yung iba naman ay workers, nagsiksikan kami doon na parang sardinas. Lord, ang init ngayon. Nakakahagard :(
Puno lahat ng jeep hanggang ngayon, hindi ako makasiksik dahil sa dami ng tao. Kahit mga taxi din ay puno, tatawag na sana ako ng grab ng may sasakyan na huminto sa harap ko. Ibinaba n'ya ang bintana at nakita ko si CJ na may malaking ngisi sa mukha.
"Hop in!" Sumakay agad ako dahil ayaw ko na doon, ang init. Feel ko ay ang baho ko na ngayon, tagaktak ang pawis ko dahil sa init kanina.
"Cj, pwede bang i baba mo na lang doon" sabay turo sa gilid ng kalsada. "Ang baho ko kasi, 'tas may pupuntahan pa'ko" pagpatuloy ko.
"Why? Pwede naman kitang samahan, and who said na mabaho ka?" Taas n'yang kilay.
"Ish! Wla. Basta feel ko lang na mabaho ako, di mo na din ako kelangan samahan. Maabala lang kita!" Inis na bulalas ko. Kahit gusto ko man na samahan n'ya ako, baka ma abala ko lang s'ya. Nakakahiya naman
"Nako! Hindi ah, wla naman akung klase eh" tiningnan ko s'ya at lumiit ang mata ko "Promise" sabay taas ng kaliwang kamay n'ya.
"Fine. Fine. Fine. But, kelangan ko munang magbihis. Ang lagkit ko na, nakakahiya naman sayo" Ipinark n'ya ang sasakyan sa may petron, agad naman akung nag tungo sa CR at nagbihis. Nagdala ako ng extra shirt dahil expected ko na tagagtak talaga ang pawis ko.
Ng natapos na'ko ay lumabas agad ako, ayaw kong paghintayin s'ya ng matagal doon. Baka mainip, at di na ako sasamahan sayang yung gracya.
Nakita ko s'yang nagkwekwentuhan sa babaeng nasa loob ng sasakyan, nakangiti s'ya at parang tuwang-tuwa. Naginit naman ang ulo ko, ang init na nga ng panahon pati ba naman ang ulo ko!
Nilagpasan ko na lang sila at naglakad patungong goldilocks, malapit lang naman 'yun dito. Di nila ako nakita dahil sa gilid ako dumaan. Magpapareserve ako ng balck forest cake, at kukunin mamayang alas 5 ng hapon. May binigay naman na budget si ma'am para dito, kaya di ako gagasto kahit piso man lang. Ng natapos na akong mag pa reserve ay pumara na ako ng taxi, nagpahatid ako sa SM. Bibili ako doon ng balloons and confetti, then last ko nang pupuntahan ang Restaurant ng pagmamayari ng kapatid ni ma'am, magpapaluto daw eh.
Nakarating na'ko sa SM, kunti lang ang tao dahil work day and class hour. Pumasok na'ko at tinahak ang daan patungong party section.
Nakabili na'ko ng confetti at balloons, sinamahan ko na din ng tela. Nagtungo ako sa casher at nagbayad, 2,000 pesos ang nabayaran ko. Ang mahal naman!
Ala 1pm na ng hapon, may 4hours na lang ako para maghanda. Nagmadali akung pumunta sa restaurant, wla akung number ng sister ni ma'am. Kaya pupuntahan ko na lang para ipaalam.
YOU ARE READING
The Human Cupid
Teen FictionIts hard for me to understand why the hell is everyone who knows me always call me... HUMAN CUPID