MY MOON

8 4 0
                                    

YUHEN EDWARD CHING.

Also known as Yuhen. Mommy ko nga lang ata ang tumatawag sa akin ng Edward. My brother calls me Yuhen, but when he's mad. He address me as Potangina. But Yuhen is fine with me. Okay. Enough with my name.

Since I was a kid, nakukuha ko na ang lahat ng gusto ko. Why not? Isa lang naman ang pamilya namin sa may pinakamalaking kompanya dito sa bansa.

Expensive cars, latest gadgets, brand new things, just named it. Kahit nga babae e. Ilang babae na nga ba ang dumaan sa akin? Hindi ko na mabilang. Ilang babae na din ba ang napaiyak ko? Ewan ko rin.

Natigil lang naman ang pagiging hunghang ko ng makilala ko si Luna. She's really special to me. Napakasimple n'ya lang, walang kaarte-arte. Sinasakyan ko s'ya at sinasakyan n'ya din ako. What I mean here is 'yung trip naming dalawa. Hindi rin s'ya mahirap patawanin, lahat na lang kasi tinatawanan n'ya.

"Hi, Luna."

"Gosh! You came!"

Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang meron s'ya at palagi ko s'yang gustong makita. Kaya nga halos araw-araw no'n palagi akong nagpupunta sa pinagtra-trabahoan n'ya.

We fell in love. No'n ko lang naramdaman 'yun. 'Yung tipong, gusto ko palagi ko s'yang kasama at nakikita. Because with her, I can be myself. Hindi ko kailangang isipin no'n na may malaking responsibilidad na nagaantay sa akin, which is our company.

"I brought you flowers," sabi ko

"Thank you, Yuhen." malumanay n'yang sagot

I never gave any girls flowers. I don't know why, it's sounds corny for me. And besides, ano bang gagawin nila do'n? Aamuyin, which is really weird. And then what? Itatapon.

"I thought hindi ka darating." saad nito

"Pwede ba 'yun? I won't let the chance slip, it's your special day. Remember?"

I feel so alive whenever Luna is around. But as they always say, every relationship has its own ending. Nasaktan ko s'ya no'n, I'd choose our company over her. I left her ng walang paalam.

"Soon to be Mrs. Alquezar, kailangan na po nating taposin make-up mo. It's your wedding day at kailangang bongga ang look mo."

Yeah, you hear that. Ang babaeng pinakamamahal ko ay ikakasal na, pero hindi sa akin.

"Yuhen, I have to go. See you na lang sa reception ah." nakangiting aniya

"Okay, congratulations Luna."

"Thank you."

Nasasaktan man ako ngayon ay wala na 'tong magagawa. Luna already choose to be with someone, at hindi ko na 'yun mapipigilan. Sa huli, kasalanan ko rin naman. Kung hindi ko lang sana s'ya iniwan no'n. Kami na sana ikakasal, ngayon.

THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon