Haaaay!!!! Ano ba 'to! Sabi ni Babe, dapat by 2 nasa univ na ako eh. :( Pero nangangalahati pa lang 'yung biyahe ko eh 2:10 na! Hala nga naman oh lagot na naman ako!!!! :'(
"Ay puta sobra!! Letseng twitter 'to bakit ba kasi 140 characters lang yung available for each tweet diba!? Sana dagdagan naman nila since milyon-milyong tao 'yung tumatangkilik ng social site nila! Paano pa paiikliin 'tong tweet ko kung ganito ka-intense 'yung emosyon ko diba?!"
"Miss? Okay ka lang po ba? Nagbabahagi po ba kayo ng saloobin sakin or medyo naaning na kayo sa init ng araw?"
Napansin kong kanina pa nga napapatingin si Manong driver ng Taxi sakin, diyan sa front mirror niya. Pero wis naman akong kiber! Tsismoso. Mukha ba akong naaaning? Ang OA naman niya masyado.
"Naku, manong! Pasensiya napo kayo. Naghahabol po kasi ako ng oras pero sobrang traffic kaya inis na inis ako. Marami po kasing taxi na dumaan sa akin kanina pero 'yung unang taxi, nukhang kakarag-karag na! Malay ko ba kapag tumirik pa kami sa gitna ng Traffic diba? 'Yung pangalawa naman mahina raw ang aircon. Eh ayoko pong humulas ang beauty ko today. 'Yung pangatlo at pang-apat naman po eh ayaw naman. Buti na lang talaga Manong, dumating ka!"
Pagtingin ko kay Manong driver... Ayon, nagte-text! Ang galing ano po? Ha ha. Sa dami ng say ko nagte-text lang pala ang kuya mong driver! Pak. Nadistract kasi ako sa kotseng katabi namin sa kalsada, Ferrari. Ngayon lang kasi ako nakakita ng Ferrari sa Nagtahan Bridge. -_-
Umubo ako ng may halong pagpapahalata sakaniyang nakakabastos ng very light 'yung di niya pakikinig. -_-
"Ay miss. Ano nga po ulit 'yung sinasabi mo?"
Wow, manong! Just wow! So ginawa mo pa akong instant rewind, ganern!?
"Ang sabi ko po late na ako."
"Nakakatuwa ka Mam. Para kang 'yung anak kong babae. Kaunti lang 'yung tinanong ko pero sandamukal ang isinagot. Parang nanay niya, Tinanong ko lang kung bakit ubos na 'yung kape, pati kuryente, tubig, sabon, pagkain, baon ng mga anak namin at LRT-MRT fare increase eh nadamay niya! Pati kung hindi ko raw siya binuntis edi sana marami akong pang-kape ngayon. Nakakatawa kayong mga babae Mam."
Natatawa naman ako sa kwento ni Manong. Nawawala 'yung mindsetting ko na late na late na ako sa Meet-up time namin ni Babe. Hahaha! Pero nakakainis lang kasi, madaldal daw ako samantalang..
"Akala ko po ba hindi niyo narinig 'yung kwento ko?"
"Hindi nga po Mam. Pero alam kong nagsasalita kayo."
Wow si Manong. Bastusan am peg. -_-"
"Ahhh ganon po ba? Edi wow."
"Pero wag po kayo mag-alala naintindihan ko naman 'yung sinabi niyo. Naiintindihan ko kahit papano."
Gumugulong kausap si Manong! Ayoko na makipag-usap. Hahaha! Mendiola na kami sa wakas! Hay salamat. Konting kembot na lang ng gulong eh nasa Morayta na kami.
"Manong, eto napo 'yung bayad. Wag niyo napo suklian. Para diretso baba na ako mamaya."
"Hala Mam! 290 lang po 'yung metro ninyo. 500 po itong pera." Sabi ni kuya na parang nahihiyang naover-whelmed.
"Okay lang po Manong. It's better to give than to receive diba? Niligtas niyo naman po ako kanina sa tuluyang pagka-late at init ng araw. Pang-bili niyo na rin po ng kape 'yan, or ipang-starbucks niyo para cool kid po!"
Hahaha! Tapos sabay kaming natawa. Kung ano anong nasasabi ko talaga pero mukhang natuwa naman si Manong lalo nung sinabi kong mag starbucks siya. Hahaha!
"Mam salamat po ah. Akala ko po magandang dalagang maarte lang kayo eh. Mabuti naman po pala kayo.
Medyo nagpantig ang ears ko sa "maarte" ha! Bawiin ko kaya 'yung sukli manong? Hahaha!
BINABASA MO ANG
Half Human, Half Pain. (Ongoing)
RomanceAnd this story would teach you that fairy tale-like relationship happens in real life. That someone could fuck you hard like it's your last. That someone could love you more than you do. That FOREVER really exists. But sometimes, no matter how perf...