Kumain muna kami ni Ria dun sa tinatawag nilang Tayuman sa university. Cool 'yung lugar, maraming food stores like, pastries, junkfoods, siopao and siomai, fried rice with toppings, sushi, fries, doughnuts, fruit shakes and buko juice. Marami pang iba pero ayan lang 'yung nag stand out sa paningin ko kasi ayan lang din 'yung gusto ko :D Then 'yung lugar na 'yon wala siyang mga upuan. I guess that's why it was called Tayuman? Because nakatayo ka? Am I making sense, Tamaraws? Hahaha! Marami silang canteen sa university, nakakatuwa, mukhang mananaba ako dito. Haha!
So ayun na nga, syempre nilibre ako ni Ria. Galit ako eh. Basta gwapo kalimutan? Nako..... Teka, Did I say, gwapo? Phew -_-" Not even close.. But ugh, maputi siya? Matangkad. 5'9" siguro 'yung height niya? Sa tulad ko kasing maliit hindi ako magaling tumantsa ng tangkad kasi nga immune na kong laging nakatingala ehhhh. (-_- )" Tapos. Hmm.. Matangos ilong niya. Matangos din naman ilong ko pero iba 'yung tangos nung sa kanya eh. Mas maganda. Tapos, may dimples siya. Isa sa kanang pisngi, tapos meron sa pagitan ng baba at labi niya. Kanan at kaliwa. Lalo nung tumatawa siya habang iniinis ako kanina, kitang kita ko 'yung mga dimples niya. Tapos. Ano pa ba? Hmm. 'Yung mata niya maganda rin. Hindi sila bilugan pero hindi rin naman ganon na ka-singkit. Siguro nasa pagitan? 'Yung buhok niya parang 'yung sikat na hair style ni DJP. Messy hair style. Kahit halatang halatang naligo ata ng wax 'yung buhok niya ang linis pa rin niya tignan. Then 'yung katawan niya hubog. Naka V-neck na fit kasi siyang T-shirt kanina kaya bakat 'yung hubog ng katawan niya. At aaminin ko maganda nga. Mukha nga siyang model eh? Pero ugali lang talaga niya, hay!!! >.< Sayang talaga! Pero dibale, hindi naman tipo niya ang dream guy ko at malaki 'yung university na 'to. If I know magkaiba kami ng institute kaya hindi magtatagpo ang mga landas namin!
Pagkatapos dumiretso na rin kami ni Babe sa Science Building kasi doon ko raw ireresched 'yung schedule ko para pareho 'yung time slot namin pati block. Para saan pang nag-transfer ako dito sa FEU kung hindi rin naman kami magkakasama diba?
"Babe! Anong sabi nung guard? Computer Lab Room 305 or 308? Nawala sa isip ko ehhh." Tanong ni Ria sa 'kin.
"Hala! Bakit mo sakin tinatanong eh ikaw 'tong nakapag-aral na dito? Hay nako babe."
"Sorry babe! Hindi naman kasi ako dito gumagawa ng sched eh. Pasukin nalang natin pareho? :O" sabi niya in a way na parang ako 'yung mauunang pumasok at magtanong ng, Dito po ba nagpapare-schedule? Hay nako! Mahiyain problems. -_-
Wala naman akong choice kasi una sa lahat ako naman nag favor sa kaniyang magpasama today. Hindi naman pwedeng lagi kong isusumbat na nagTransfer ako sa University na 'to dahil sa kaniya diba? Tsaka 4pm na. 1 hour na lang, closing na nila. Mahirap pa naman magpareho ng sched.
Pagkabukas ko ng pinto nung Room 305, natuwa ako. Ang lamig lamig kasi. Nakakaginhawa. Maraming estudyante, may naka-sibilyan tulad namin. Meron ding naka-uniform. So feeling ko we've came into right room.
"Good afternoon, Mam. Dito po ba nagpapare-sched? :)" Mukhang mabait 'yung Prof or bantay, kaya di naman ako nailang kung mali.
"Oh, yes, yes. Make sure to finish your schedule on time because I'll close the monitors before 5, okay?" She said in a very pleasing way.
"Thank you po..
-Find your available seat." She nodded.
Malaki 'yung room. Dalawang regular classrooms 'yung katumbas. Naghahanap kami ni Ria pareho ng available pa. Halos lahat kasi taken chairs. 'Yung iba tinitignan namin kung upong tambay lang. At least pwedeng paalisin diba? Haha! Nagtatanong tanong kami pero lahat may gumagamit. 'Yung iba naman ayaw mag-open nung PC. Rush siguro lahat. Last day ba naman to fix your sched. Tumayo kami sa gilid, naghihintay ng matatapos. (o_o ) ( o_o) Naririnig ko 'yung usapan nung mga lalaki near us.
BINABASA MO ANG
Half Human, Half Pain. (Ongoing)
RomanceAnd this story would teach you that fairy tale-like relationship happens in real life. That someone could fuck you hard like it's your last. That someone could love you more than you do. That FOREVER really exists. But sometimes, no matter how perf...