Simula

8 2 0
                                    

Banayad ang maalat na ihip ng hangin sa dalampasigan kung nasaan ako. Hindi masakit sa balat ang dampi ng sinag ng araw, tila ba pinagbibigyan ako sa munting kahilingan na payapang makapag-munimuni.

Ilang taon na rin simula noong huling pag-apak ko sa probinsiyang ito. Hindi maitatangging lumago ng husto ang pamumuhay rito. Kung dati'y simpleng mga tiangge lamang ang masisilayan sa kabisera, ngayon ay mayroon ng iilang fast food restaurant ang nakatayo at mga konkretong gusali kung saan maaaring mamili at mamasyal.

Sa kabila ng paglago at unti-unting pagiging moderno, napanatili naman ang pagiging dalisay ng lugar. Kung ano ito noon, ganoon pa rin ngayon. Nagkaroon nga lang ng mga pag-angat. Kung ganoon, tunay nga sigurong mahusay ang pamamalakad ng bagong namumuno. Sayang at hindi ko ito nasaksihan. Masaya siguro itong pag-usapan kasama ang matatalik kong mga kaibigan sa lugar na ito.

Nangiti ako sa huling naisip. Kaibigan. Malalim ang pagpapakahulugan ko sa salitang iyan. Hindi basta-basta nakukuha ninuman ang titulo para sa'kin. Kailangan itong paghirapan. Mayroon kang dapat ipuhunan, isakripisyo, at isantabi.

Masalimuot kung pakikinggang dapat kang magsakripisyo. Sino ba naman sa'tin ang nagnanais na pakawalan ang mga bagay na bumuo sa pagkatao? Kung ihahalintulad sa isang tahanang pinaghirapan mong buohin, hindi ka makapapayag kung may mawalang kahit isang bahagi, hindi ba?

"Mars, ang ganda pala rito sa probinsiya niyo! Bakit ngayon mo lang ako dinala rito? Kaloka ka!" sambit ni Selda na kalalabas lang mula sa inukupa naming room dito sa isang hotel. Pahisteryang niyugyog niya ang balikat ko.

Tinulak ko siya ng marahan upang matigil sa pagyugyog, "Mabuti nga at dinala pa kita rito e. Sumabit ka lang naman sa'kin, dapat talaga hindi ka kasama!" may ngisi sa labi kong sambit.

"Grabe ka naman! Sinasaktan mo na ako.  Don't worry, hindi ako magtatanim ng sama ng loob, tse!" umirap pa ito ngunit patawa-tawa rin naman, "Seryoso kasi. Ang ganda rito. Partida rito pa lang sa hotel maganda na, paano pa kaya pag inilibot mo na ako? Excited na ko, Mars!"

Nawala ang ngisi sa labi ko nang marinig ang sinabi niya. Mukhang hindi naman niya napansin ang reaksiyon ko at patuloy lang siya sa pagpuri sa aming lugar.

Ilibot? Handa na ba akong makita muli ang kabuuan ng lugar na ito? Paano kung makita ko ang iilang matalik na kaibigan? Ano ang sasabihin ko sa kanila? Paano kung masaktan ako sa mga posible kong malaman pagkatapos ng ilang taong pagkawala? Paano kung... sumariwa muli sa alaala ko ang nangyari noon?

Natawa ako sa naisip. Bakit ako mangangambang maalala muli ang nangyari noon gayong walang araw ang lumipas na hindi ako natutulala dahil sumasagi ito sa'king isip?

"For good ka na ba dito, Rali?"

Napatingin akong muli sa nagsalita. Magandang babae si Selda Benides. Maliit ang kaniyang mukha kaya nagmumukhang bata kung tignan. Petite din ito at maikli ang itim na buhok na may side bangs. Anang mga katrabaho, siya raw ang perpektong depinisyon ng 'cute'. Hindi naman niya ito matanggap, katwiran niya'y matanda na raw siya kaya hindi angkop ang pambatang papuri. Makulit din ito at masiyahin. Hindi halata na halimaw ito sa trabaho.

Umirap ako ng pabiro, "Baliw ka ba? Syempre hindi. May trabaho tayo. Bakasyon lang 'to."

Tama. Bakasyon lang lang naman 'to. Kaya nga hindi ko maintindihan bakit naghuhuramentado ng husto ang puso ko. Hindi kaya may sakit na ako?

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa buhangin at nagsimulang maglakad patungo sa silid namin. Sumunod naman siya habang patuloy na nangungulit.

"E kailan nga tayo lilibot? Excited na kasi talaga ako! Ang dami ko kayang dala-dala kaya super ready ako 'no!"

Napangiwi ako sa narinig. Dalawang malaking maleta ang dala niya patungo rito. Nang makita ko iyon ay halos malaglag ang panga ko dahil taliwas sa kaniya, isang backpack at shoulder bag lamang ang akin.

"Shit, naglayas ka na ba sa inyo? Bakit ganiyang kalaki ang dala mo?!" gulantang kong sambit.

Tumawa ito at tinignan ako na para bang kulang pa nga iyong dala niya, "Ano ka ba? First travel ko 'to with you, my bestfriend. At sa hometown mo pa! Dapat lang na handa ako, duh!"

Nasa reception na kami ng hotel at paliko na sana sa silid nang mapatigil kami sa paglalakad. Sa bukana kasi ng hotel ay mayroong tumpok ng tao, tila nagkakagulo.

Sinulyapan ko ito. There's a commotion going on between a two girl. They both look wild and liberated. Nagsisigawan ang dalawa, kita ang galit sa kanilang mukha. Kung wala sigurong pumipigil ay nagsambunutan na ang mga ito.

"Miss, anong nangyayari doon?" tanong ni Selda sa receptionist nang mapansin din ang kaguluhan.

"Ah, ayan ba, Ma'am. Mga dine-date po yan ni Sir Ramil. Nagpang-abot po kaya nagkagulo. Alam niyo na Ma'am, Agravante kasi kaya talagang bigdeal."

"H-huh? Anong mga dine-date? Ibig sabihin, two-timer yan?!"

Natawa ang receptionist sa pagkagitla ng kasama ko. "Opo, Ma'am. Kilala talaga si Sir sa pagiging mapaglaro sa babae. Sanay na po kami. Minsan nga iyong mga babae pa ang kusang nago-offer ng kanilang sarili."

Nagpatuloy ang usapan ng dalawa sa gilid. Napadako ang tingin ko sa lalaking nasa gitna ng dalawang babae. Umiiling-iling ito ngunit kita ang pagkatuwa sa mga mata. Nakangisi rin ito na tila siyang-siya sa nangyayari. Hula ko'y ayan ang Sir Ramil na tinutukoy ng receptionist.

Well, may itsura nga naman siya. With bronze complexion, thick eyebrows, curved lashes, expressive eyes, and soft reddish lips. His frame is huge and very define. Tila pinaglaanan talaga ng oras ang pagkakahulma. His little scar on the lower side of his lips gave him a sexier look. No wonder why girls go crazy over him.

"Agravante 'yan, Ma'am!" rinig kong sabi ng receptionist, napabaling ako sa kaniya.

"Agravante?" tanong ko, tila pamilyar ang apelyidong iyon.

Panandaliang nagitla pa ang babae sa pagsali ko sa usapan. Tinignan niya ako ng maigi sabay tagilid ng ulo, para vang may inaalala ngunit kalauna'y sinagot din ang tanong ko. "Sila ay isa sa mga mayayaman dito, Ma'am. Ang ama po niya ang kasalukuyang namamalakad dito sa bayan."

Siniko ako ni Selda, "Bigtime naman pala e. Pero ekis yan, Mars. Typical fuck boy."

Hinila niya na ako upang makabalik sa aming silid. Talagang excited na siyang makalibot. Fuck, pagod pa ako. Halos kalalapag lang namin dito kaninang madaling araw and for pete's sake, hindi pa tumutungtong sa gitna ang kamay ng orasan!

Bago pa ako mailiko ni Selda ay muli kong sinulyapan ang lalaki. Saktong paglingon ko ay pag-angat din niya ng tingin. Sakto itong lumpat sa'kin. Nagkatitigan kami, kumunot ang noo ko sa pagtitig niya.

"Amara Likha, tara na! Likha!" reklamo ni Selda nang bumagal ang lakad ko. Bumitiw ako sa titig at nagpatianod sa kaniyang hila.

Devouring WarmthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon