Chapter 3 - Hint

39 4 6
                                    

8.22 (Tuesday)

CLARINET POV

Hinahabol ko ang hininga ko habang tumatakbo sa isang lugar na hindi pamilyar sakin. Puro puno at halaman lang ang mga nakikita ko. Hindi ko din alam kung bakit ako tumatakbo kaya sa sobrang pagod huminto ako. Ngunit hindi pa man ako nakakabawi ng paghinga nang makarinig ako ng sigaw. Di ko maintindihan pero parang pamilyar ang boses nito. Patuloy lang ang pagsigaw nito kaya minabuti kong sundan ang ingay na yun. Lakad takbo ang ginawa ko dahil nag-aalala ako para dun. Hanggang sa bumungad sa harap ko ang isang di kalakihang bahay na sa tingin ko ay walang nakatira. Hindi ko na din marinig pa yung sigaw kaya nagpalinga-linga ako dahil nagbabakasakaling may tao akong makita. Bumagsak ang mga balikat ko dahil wala, kundi ako lang. Nakatingin lang ako sa bahay mula sa labas nang marinig na naman ang pamilyar na boses na impit na sumigaw. Dali-dali akong tumakbo papasok at halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ang isang babaeng nakaputi na naliligo na sa dugo. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil sa natatakpan ito ng mahaba at itim nitong buhok.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakatulog dahil sa panaginip na iyon. Hindi ko maiwasan na matakot dahil para itong totoo. Bumangon nako sa pagkakaupo at nag tungo na sa banyo para maligo, dahil ramdam kong init na init at pawis na pawis ako. Ilang minuto akong nakababad sa shower dahil di pa din mawala sa isip ko yung napanaginipan ko.

"Argh!" inis kong sambit habang nakatingala at dinadama ang lamig ng tubig na bumabagsak sa mukha ko pababa sa katawan ko. 

'Kakanuod mo kasi yan ng horror eh. Tama. Kakanuod ko lang to ng horror.' Pagkumbinsi ko sa sarili.

Naglalakad ako ngayon papasok sa building ng pinagtatrabahuhan ko nang may tumawag sa pangalan ko. 

"Clarinet! Wait up!" tawag nito na nilingon ko naman.

"Oh Ella, ang aga mo ah?" nagtatakang tanong ko sabay tingin sa relo ko. 6 am. Maaga ako pumasok ngayon dahil ang dami kong gagawin.

"Madami pa kasi akong kailangan tapusin." sabi nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad. 

"Ay! Alam mo ba may nalaman akong chismis." natatawang dagdag nito.

"Ay bet ko yan kapag ganitong maaga ang pasok." pabirong sagot ko naman. 

"So ito nga, sabi ni Director Cha may bago na tayong CEO at ang bali-balita na gwapo daw ito. As in! Salt! G-W-A-P-O." kinikilig na kwento nito with actions pa. 

"Omg. Totoo ba?!" kinikilig din na tanong ko sabay pindot sa elevator.

"Oo sis! Name palang gwapo na. Nikolai Halter." sabi nito habang may paghawi pa ng kamay sa hangin. 'Nikolai Halter? Seems familiar.'

Nagtatawanan nalang kaming dalawa  nang magbukas na ang elevator. Nagulat naman ako ng  bonggang bongga dahil may nakita akong anghel sa loob nito. 'Omggggg. Anong ginagawa nya dito?' Pagkausap ko sa sarili. Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita ito sa napakalamig na mas malamig pa sa north pole na boses. 

"Aren't you coming?" tanong nito.

Hinila nako ni Ella papasok at bumulong.

"Sis. Isa pa yan sa chika ko." bulong nito na parang kinikiliti na ewan. 

"Bakit? Ano meron?" balik tanong ko dito. Sinigurado kong kaming dalawa lang ang nakakarinig dahil hindi ako mapakali sa pwesto ko. Paano ba naman sya yung lalaki sa dept store na natapunan ng kape.

"Siya iyong bagong business  partner nitong company natin." Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin sa kanya.

"Gaga ka. Bakit ngayon mo lang sinabi?" nakakalokang bulong ko dito. Tumingin naman si Ella dito at yumuko. 

It's Complicated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon