Chapter 5 - First Move

36 2 0
                                    

8.24 (Thursday)

Clara POV

Nagising ako sa mahihinang tapik na nararamdaman. Napapailing nalang ako dahil gusto ko pa matulog.

"Clara." tawag ng isang pamilyar na boses sakin. "Clara, gising." muling tawag nito at nakaramdam ng mahinang tapik sa pisngi.

Sa sobrang iritasyon, unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Napabalikwas naman ako nang makita sina Chene at Kyle sa harap ko.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Eh, sabi mo kasi kanina magpapahinga ka at mukhang nasobrahan ang pahinga mo dahil dalawang oras nalang ay uuwi na tayo." mahabang sabi ni Chene.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong pa nito habang sinasalat ang noo ko.

Bigla ko naman naalala ang nangyari kanina, kaya napahawak ako sa leeg ko at nagmamadaling nagtungo sa banyo para manalamin. Sinuri ko ang leeg ko para makita kung may sugat ito pero wala. Hindi ko alam kung panaginip lang ba iyon. Pero agad ko din napagtanto na hindi panaginip ang nangyari nang makita ko na may sugat ang ibabang labi ko. 'Shit.' pagmumura ko sa isipan dahil para akong binuhusan ng malamig. Sino ba ang tao na iyon? O kung tao ba yun o isang halimaw. Bumalik ako kina Chene at Kyle na nagtataka sa mga kinikilos ko. Tinignan ko ang oras sa relo ko at nagulat nang makita na mag aalas-dies na ng gabi.

"Clara umuwi kana, mukhang hindi ka pa okay. Sobrang namumutla ka." nag aalalang sabi ni Chene.

"Oo, kami na ang bahala dito." pag sang-ayon naman ni Kyle. "May matatawagan ka ba para sunduin ka?" dagdag pa nito.

"Si Clarinet, dun kasi ako matutulog sa kanila." sabi ko.

Nakausap na nga nila si Clarinet at papunta na daw siya dito. Nakaupo ako ngayon dito sa loob ng locker room habang sina Chene at Kyle naman ay nasa labas at nagre-ready na sa pagsara nitong shop. Bumalik nanaman sa isipan ko ang nangyari sakin kanina. Kinikilabutan ang buong katawan ko tuwing naaalala ang boses ng tao na yun. Kinapa ko ang aking leeg dahil hindi padin ako makapaniwala, kung bakit wala man lang itong bakas ng kahit na ano. Sobrang sakit ng naramdaman ko nung time na yun pero kahit na anong bakas ng sugat ay wala itong iniwan. Tumingin naman ako sa pinto ng magbukas ito at iniluwa si Chene. Dahan dahan itong lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Nandiyan na si Clarinet sa labas, kaya mo ba tumayo?" tanong nito.

Tumango nalang ako at ngumiti dahil parang napapaos ako. Inalalayan naman ako nito palabas hanggang sa makarating kami kay Clarinet na kausap si Kyle. Nang makita ako nito ay agad itong nagpunta sakin.

"Clara, anong nangyari?" nag aalalang tanong nito.

"Mukhang magkakasakit siya." sagot naman ni Chene.

"Kuha ko na kayo ng taxi, wait nyo ko sa labas." sabi naman ni Kyle at umalis na. Sumunod naman kami palabas habang akay-akay ako nina Chene at Clarinet.

"Chene, mukhang di ako makakapasok bukas. Pasabi na lang kay sir Ji." ngumiti naman ito tsaka hinagod ang likod ko.

"Wala kang pasok noh! Rest day mo bukas hanggang kinabukasan kaya makakapagpahinga ka ng bongga." sabi nito. "Kaya masosolo ko si Kyle ng dalawang araw." natatawang sabi nito. Napakamot naman ako sa leeg ko dahil nangati ito.

"Bakit ayaw mo pa kasi aminin na may gusto ka sakanya? Sinabi naman pala niya sayo na gusto ka niya." malamyang sabi ko.

"Paano mo nalaman na umamin siya sakin?" takang tanong nito.

"Kanina, sinabi niya sakin. Nagpapatulong nga siya na maniwala ka daw." sagot ko dito.

"Hala----" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tinawag na kami ni Kyle na kakababa lang ng taxi.

It's Complicated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon