Chapter 2 - Presence

36 4 1
                                    

8.22 (Tuesday)

Clara POV 

Phone rings ...

Nagising ako sa tunog ng aking phone. 'Uhh. Ang sarap ng tulog ko eh.' Bumangon nako at hinanap yung phone ko. Kinapa ko yung phone ko sa ilalim ng unan ko at sinagot ang kung sino man tong tumatawag. 

"O?" inaantok kong wika. Nag aantay ako ng sagot pero walang nagsasalita. 

Napatingin ako sa screen pero unregistered number yung caller. 

"Hello? Sino to?" ulit kong tanong pero wala parin akong sagot na natatanggap.

"Pag hindi ka pa nagsalita I'll end this. Tss." naiinis kong sabi.

Ibababa ko na sana ang call nang marinig kong tumikhim ito. Naghintay pa ko kung magsasalita ito.

"Good morning my Clara." baritonong bati nito.

Napatahimik ako sa boses nito dahil parang narinig ko na ito somewhere. 'Grabe. Napakalamig ng boses.' Sasagot na sana ako nang biglang  nag end ang call. Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba. I mean it's so strange and this is my first time. Tumingin ulit ako sa phone ko ng mag beep ito. 

from: unregistered number

I'm glad I found you.

Lalong nilukob ng kaba ang dibdib ko sa nabasa. Sino ba to? Stalker? Napabuntong hininga nalang ako. Maybe it's just a scam or prank. Napatingin ako sa orasan. 'Shoot' Dali dali akong nag tungo sa banyo para maligo dahil may pasok pa ko. Pagbaba ko naabutan ko si mama na nag aayos ng lunch.

"Oh Clara kumain kana at baka malate ka pa." pag aaya sakin nito. 

"Si papa po?" tanong ko dito tsaka umupo at naghain na.

"Ah umalis na dahil mag out of town daw ang amo niya." sabi nito at kumain na din. 

Tinapos ko na ang pagkain ko at nag paalam na kay mama na papasok nako. Kakapasok ko lang sa lrt station nang biglang mag ring ang phone ko. 'It's Clarinet.'

"O?" tanong ko dito habang kinukuha yung beep card sa bulsa ng bag ko. 

"San ka? May chika ako sayo girl!" excited na saad nito.

Nang makuha ko na ang beep card tinapat ko ito sa censor ng entrance at tsaka tinulak ang harang nito papasok. 

"Lrt, papasok na. Y?" tanong ko habang naglalakad sa pinaka dulo para dun maghintay.

"Ay oo nga pala may pasok ka. Anong oras out mo? May chika ako sayooo." sunud-sunod na wika nito.

"Mga 10 pm pa, ano ba kasi yun? Dito mo nalang sabihin." sabi ko sabay irap as if makikita nya. 

"So ayun nga, natatandaan mo yung lalaking natapunan ng kape sa mall? Grabe girl. Nakita ko sya sa office namin tapos ang sabi ng katrabaho ko business partner daw yun ng bagong boss namin. At ang sabi pa, ilap daw ito sa mga babae. Which is true, kasi ang rude nya nung nakasabay namin sya sa elevator." mahaba nitong kwento.

"Wait lang girl, andito na yung train." sabi ko.

Nang huminto na yung train nakipag siksikan nako papasok at tumayo sa bandang gilid paharap sa kabilang pinto.

"Hello? Andyan ka pa?" tanong ko kay Clarinet. 

"Namern! Tapos eto pa baklaaaaa! Juskoness!" sigaw nito sa kabilang line na hindi mo na alam kung nagagalit ba to o kinikilig.

"OA mo girl. Kalma." sabi ko dito sabay irap ulit.

"Ayun nga, natatandaan mo naman yung lalaki sa perfume boutique? OMG! Diba sabi ko sayo parang na love at first sight ako. Claraaa, may pinakita sakin yung kawork ko na picture." emosyong kwento nito. 

It's Complicated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon