Chapter 8 - OLD FRIEND

10 1 0
                                    

8.24 (Thursday)

Nikolai POV

I'm here now sitting in my office. It's 10 am but my secretary which is Clarinet is still not here. I took out my phone and left a message, asking if she had plans to come in and work. 'Ang dami niyang pagkukulang kung hindi lang siya pamangkin ni Mr. Cha baka matagal ko na siyang tinanggal.' Napabuntong hininga nalang ako sa naisip. I don't know but I feel okay and comfortable kapag kasama ko siya, its like her presence is so familiar to me pero di ko maalala. Naalala ko naman nung nakita ko siya dito sa office, she's looking at Kevin while happily smiling. Parang pamilyar yung ngiti niya na hindi ko alam kung saan ko nakita pero nawala yun nang makita ako. I don't know why pero I kinda feel sad. I always want to see her smile kung paano siya ngumiti kay Kevin. Napailing nalang ako sa mga naiisip. 'Bakit ko ba siya iniisip? Dapat ang isipin mo yung kaibigan niya, si Clara kung bakit iisa ang dugo nila ni Erin.' Natauhan naman ako nang maisip yun. Kailangan ko pala siyang makilala at alamin kung bakit iisa ang dugo ni Clara at Erin. Hindi ko din alam kung pano nangyari yun.

*FLASHBACK*

Habang naglalakad sa isang sikat na mall ay napadaan ako dito sa isang perfume store. Wala sana akong balak pumasok pero dahil may kakaiba akong naamoy ay pumasok ako at dinala ako ng mga paa ko sa isang babae. Nakita ko siyang nagpupulot ng mga basag na pabango. Nang huminto ako sa harap nito ay siya namang pagtingin sakin kaya di inaasahan na nasugatan siya sa bubog. Halos mabaliw naman ako dahil sa kanya pala nanggagaling yung kakaibang amoy. Mabilis akong pumantay sa kanya at sinipsip ang dugo na lumabas sa daliri niya. Hindi ko na nga namamalayan ng mga oras na yun kung gaano katagal yun pero parang slow-mo. Parang ang tagal. Parang ang nostalgic. Bigla ko nalang naalala si Erin ng mga oras na yun. Nabigla nalang ako nang hatakin ni Clara yung kamay niya kaya nabalik ako sa wisyo. Mukhang nagmukha pa kong manyak dahil sa ginawa ko kaya sinabi ko na tutulungan ko na siya. Habang tinutulungan ko nga siya mag pulot ay saka naman dating ng staff kasama ang isa pang babae na sa tingin ko ay kaibigan nitong babae. Hindi ko din maiwasan ang mapatitig sa kararating na babae habang panay ang ngiti kay Clara. Umalis na nga lang ako ng di nagpapaalam dahil hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Parang sumasabog yung kalooban ko at gusto makawala.

*END OF FLASHBACK*

Hindi lang doon natapos ang pagkikita namin ni Clara dahil nakabangga ko siya sa isang barbeque house. Nandoon ako dahil tinawagan ako ng lolo ko na sunduin si Alice dito, ang ex fiance ko. Hindi ko nga inaakala na magkikita kami ulit at maamoy na naman ang mabango at matamis nitong dugo. Napag alaman ko ngang Clara ang pangalan niya sa mga panahon na yun. Binigay ko nga ang contact sa kanya dahil mukhang na sprain ang wrist niya. Nang makapag paalam naman ay hindi ko maiwasan tumingin sa paligid kung kasama niya ba si Clarinet. Hindi ko alam pero sa mga panahon nagkakasama kami ni Clarinet lalo na noong kumain kami after meeting ay napapansin ko na may pagkakapareho ang amoy nila ni Clara. Alam kong hindi lang iyon dahil sa pabango na ginagamit nila pero ang dugo nila ay parang iisa ang amoy. Mas mahalimuyak lang ang kay Clara kagaya ng kay Erin. Nilamukos ko ang mukha sa mga pinag iisip. 'Naguguluhan nako.' Bago pa ako mabaliw ay tumayo nako at tingnan ang oras. Malapit na mag alas-dose wala pa din si Clarinet. Dahil wala naman akong mauutusan para bumili ng pagkain dahil wala pa ang sekretarya kong si Clarinet ay minabuti ko na nga lang bumaba at sa labas na lang mag lunch. Paglabas ko nga ng elevator dito sa parking ay nakita ko si Clarinet na bumaba sa isang sasakyan. Napahinto naman ako nang makita na may lumabas na isang lalaki galing sa driver seat at tinawag siya saka may inabot na maliit na box. 

It's Complicated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon