Chapter 6 - Momentary Pleasure

33 2 0
                                    

8.24 (Thursday)

Clarinet POV

Nagising ang diwa ko dahil sa malakas na tunog. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil doon. 'Ugh.' Gusto ko pa sana matulog pero kailangan ko pang pumasok sa trabaho. Bumangon na nga ako at pinatay ang alarm clock na nasa side table. 'Ang aga pa.' Babalik na sana ako sa paghiga nang mag ring naman ang phone ko at nakitang tumatawag si mom.

"Hello mom." inaantok na sabi ko.

"Good morning dear, kamusta na?" masayang sabi nito.

"Never better." wika ko. "Where are you and dad again?" reklamo ko.

"We're here in Paris, but don't worry we will be back there next week after we finish work here." masayang wika nito.

"Thank god we will be together." sabi ko.

"Of course sweetheart, we have to go home there because you already know. This is the time to do what your grandfather requested." mahabang sabi ni mom.

"What? I don't understand mom." naguguluhang tanong ko.

"Oh sorry dear. I haven't mentioned it yet. You know, it's been a long time. Your grandfather and his best friend have agreed to marry their grandchildren. So that's the reason we're going home to the Philippines." mahabang paliwanag nito.

"What? No mom, I won't do that." reklamo ko dito.

"You don't have a choice, Clarinet. I'm not asking for your desisyon." mariing sabi nito.

"But mom grandpa is gone, why do we need to do that?" pagdadahilan ko dito.

"Stop Clarinet, respect your grandfather. There is nothing you can do about it, and that's final." sabi nito. "I have to go, regards me to Clara and her parents. You guys, be careful." dagdag pa nito saka binaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako at di mapigilan na umiyak. 'Arrange marriage? Uso pa ba yun?' Sobrang bigat ng pakiramdam ko, di ko alam kung ano dapat kong gawin. Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong umiiyak. Minsan na nga lang sila makasama tapos sa ganung dahilan pa. Halos wala na nga silang panahon sakin simula nang tumira kami dito sa Pinas tapos ngayon gusto na nila ako ipakasal. Natigil lang ako sa pagdadrama ko nang mag vibrate ang phone ko.

from: Mr. Halter

Where are you? What time is it? Don't you plan to come to work?

'Shet.' Nagmamadali akong pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos ay agad-agad din akong nagbihis at nag ayos saka dali daling bumaba. At sa pagmamadali ko nga ay natapilok ako dahil sa mataas na heels na aking suot. Mabuti nalang hindi ito nasira dahil medyo mababa lang ang pinaglaglagan ko. Ngunit medyo nakaramdam ako ng sakit sa ankle ko. Ininda ko na nga lang ito at nagmamadaling lumabas ng gate. Nagulat naman ako dahil saktong paglabas ko ay sakto ding paglabas ni kuya Alexis sa sasakyan nito.

"Oh kuya, bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ko dito habang paika-ikang naglakad palapit dito.

"What happened to you?" tanong nito nang mapansin ang lakad ko.

"I'm fine. Pero bat nandito ka nga?" tanong ko ulit.

"Just checking you after what dad told me about." wika nito saka ako niyakap. Maiiyak na sana ako pero naalala kong late na pala ko sa trabaho.

"Ehm. I'm not okay actually, but I won't think about that because I'm really late for work. Can you give me a ride?" mahabang sabi ko na ikinatawa nito saka ginulo ang buhok ko.

It's Complicated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon