006 | Intramuros

222 9 8
                                    

Ion's POV

Napagdesisyonan naming dalawa na ituloy ang pitong araw na pag sasama, it'll be fun for me. Lahat ng kailangan namin, lahat ng nakapaligid samen kailangan kalimutan at itaboy muna. Kami naman ngayon.

"Are you ready?" Tanong ko sa kanya.

"Ha?"

"Diba, we made promises na pupunta tayo sa lugar na makakapag paalala sating dalawa. Niremind pa nga kita kagabi."

"Oh, i'm sorry i forgot! Ang dami ko kasing inayos, yung mga papeles ko pabalik sa Japan."

"'Wag mo munang alalahin yun, itabi muna natin yung mga bagay na 'yan."

"Paano asawa't anak mo?"

"Pitong araw lang, ok? Ngayon lang. Alam kong maiintindihan niya rin ako. Ginagawa ko 'to hindi para saken, kungdi para saten. Gusto kong maranasan natin yung mga bagay na ginagawa natin noon. I want to be inlove again, inlove with you. Inlove for those places na ikaw ang kasama ko."

"Gumawa ako ng backet list kagabe, sinulat ko yung lugar natin sa loob ng pitong araw."

"Ha? Teka hindi ko maintindihan."

"Vice, Babe listen, ginawa ko 'to para naman may remembrance ka pag-alis mo, kapag iniwan mo na ulit ako."

"Paano kung may mangyari sakin? Paano kapag nalaman mo yung totoong rason kung bakit kita iniwan, kung bakit kita sinaktan? Paano kapag sinabi kong hindi ako pwede, na hinde ako pwedeng sumama at mamasyal na kasama ka, anong gagawin mo?" Naiiyak na tanong nito, kusa naring tumula ang mga luha sa mata ko.

"Gagawa ako ng paraan, ok? Kung ano man yang rason mo, maiintindihan ko. Ang gusto ko lang naman maging masaya tayo kahit sa huling pagkakataon, papayag ka ba sa ganong rason? Papayag ka dun?"

"May choice ba 'ko? Pitong araw lang naman eh." Natatawang sabe nito habang umiiyak pa. Niyakap ko siya at nagpasalamat.






































1st Day.

Plaza, Mariones Intramuros

"Welcome back to Intramuros!!!" Sigaw ko.

"naalala mo pa ba 'tong lugar na 'to?" Tanong ko, nakita ko siyang napangiti.

"Oo naman, dito mo 'ko niligawan, dito kita sinagot. Dito rin tayo nata-"

"Oppss!! Hanggang don nalang, positive lang dapat ngayon araw, goodvibes lang dapat!!"

"Ang weird mo eh noh?" Natatawang sabi nito.

"Syempre! Kailangan masaya lang, maikli lang ang buhay, kailangan sulitin na natin, 'di ba?"

"Tama ka sa part na 'yun." Natatawang sabi nito, hinawakan ko kamay nito at saka mabilis na naglakad papuntang Plaza.

"Sana mamayang gabi, may mga magtinda sa labas, tapos kain tayo."

"Nako nagutom na naman ang bebe." Natatawang sabi ko sakanya.

naglibot-libot lang kame hanggang sa mag gabi, eto yung iniintay niya kanina pa  ang kumain ng mga pagkain sa labas ng intramuros. Medyo marami narin naman ang nalibot namin, malamang gutom narin sya.

Una kaming pumunta dun sa parang ihaw-ihaw. Mahilig kasi siya sa isaw at paa lalo ba kapag may kanin at maanghang na suka.

"Ate, pabili po ng limang isaw, tatlong paa, dalawang kanin, tapos apat na bbq, thank you!" Sabi nito.

"Ikaw anong kakainin mo?" Tanong nito.

"Ayun, ung binili mo."

"Ha?! No way! Bumili ka ng iyo!!"

"s-sayo lang yun?"

"oo!!"

"Juskopo. Ate dalawang bbq, isaw, saka paa. Tapos isang kanin, salamat."

"Napakamot naman ako ng ulo, napakarami ng inorder nya, jusko.

(Listen araw-araw by ben&ben while readingシ︎)

Habang hinihintay namin na dumating ang pagkain, tumitig lang ako sakanya, pinagmasdan ko bawat parte ng mukha niya. Maganda, feel ko inlove na ulit ako.

mas lalong naging maganda dahil sa makukulay na ilaw, napangiti naman siya sa mga nakikita, mahilig siya sa maiilaw na lugar. Takot kasi siya sa dilim. Gusto nya maaliwalas at malinis ang paligid.

"Ang ganda.." rinig kong bulong niya, napangiti naman ako.

Nagulat kami ng may biglang tumugtog.

Araw-araw by Ben&Ben

"O m g! tara sayaw tayo?" Sira ulo ba 'to?

"Gage nakakahiya, ang dameng tao!"

"Hindi 'yan, tara!!" Hinila nya ako at sinayaw, pinagtitinginan tuloy kame ng mga mata.

"Wag mo silang pansinin, saken lang dapat nakatingin." Sabi nito, hinawakan ko ang bewang niya, kumapit naman siya sa braso ko at nagsimulang sumayaw ng mabagal, mas lalong gumanda ang paligid, isama mo pa ang magandang tao sa harapan ko. Nakangiti lang siya habang mag sasayaw at sinasabayan ang tugtog. Napangiti naman ako, ang ganda talaga.

Mahiwaga,
pipiliin ka, sa araw-araw,
Mahiwaga,
ang nadarama, sayo'y malinaw

"Ikaw ang pipiliin sa araw-araw." Bulong ko.

Mahiwaga,
pipiliin ka, sa araw-araw
Mahiwaga,
ang nadarama, sayo'y malinaw.

"Ikaw ang mamahalin sa araw-araw." Sabi niya, pinagdikit naman lalo ang mga katawan namin, ngayon ay mag kayakap na kami at dinama ang kanta.

Payapa, sa yakap, ng iyong hiwaga,
Payapa, sa yakap ng iyong..

Mahiwaga,
pipiliin ka, sa araw-araw,
mahiwaga,
ang nadarama sayo'y malinaw

Mahiwaga
wag ng mawala, sa araw-araw,
Mahiwaga,
pipiliin ka, sa araw-araw

Payapa ako kapag kasama ka, kapag kapiling ka. Kung pwede lang pabagalin ang ikot ng mundo, kung pwede lang itigil ang galaw ng mga kamay sa orasan, siguro matagal ko ng ginawa, para naman matagal pa kitang makasama, para magtagal pa tayong magsama hanggang sa pagtanda, yun naman ang pangarap natin diba? Yun ang gusto nating dalawa.

pero hindi naman ako ang diyos para magdesisyon, siya parin ang masusunod, kung pwede lang humiling sakanya na, lord, baka naman bagalan mo yung oras para samin. Pitong araw lang oh, baka naman bigyan mo pa kame ng chance para magsama, para maging masaya at maging payapa. Yun lang naman.

humiwalay ako sa yakap at sinabing..

"Mahal kita." Sabi ko at hinalikan ang labi niya.

"Mahal din kita." Sabi niya at hinalikab rin ako sa labi.

"Ikaw ang aking pahinga sa mundong nakakapagod, ikaw ang aking sandalan kapag nangangalay na 'ko." Sabi nito. Ngumiti naman ako sakanya.

"Ikaw naman ang ilaw sa madilim kong buhay." Bulong ko.

hahalikan ko ulit sana siya ng may nagsalita

"Ano ba?! Kakain pa ba kayo o kayo kakainin niyo nalang isa't-isa?"

"si ate daot." Natatawang bulong ko, hinampas naman nya ko sa braso, nakatawa kaming lumapit sa lamesa at kinuha ang binili namin at nagsimulang kumain, huwag na sana matapos ang araw na 'to. Sana sa mga susunod na araw, ganito rin kame. Masaya rin sana kame. Sana.
















"Vice, pwede bang 'wag ka nalang umalis? Pwede bang dito ka nalang? Pwede ba?"




----

Itutuloy..

Pwede Ba? | Book to of "Saglit"Where stories live. Discover now