Ion's POV
Last 2 days, wala na. Maghihiwalay na ulit kami. Totoo ngang madaya ang tadhana. Ayaw kaming pagbigyan eh.
"Dalawang araw nalang. Ang bilis noh? Nung nakaraan lang parang nasa Tagaytay pa tayo." Umiiyak na sabi niya. Ang sakit lang na nakikita ko siyang nalulungkot.
"Shh, don't cry. Magkikita pa naman tayo diba? Hindi pa 'to yung last." Pagpapagaan ko ng loob sakanya.
"Enjoy nalang muna natin yung mga natitirang araw natin." Sabi ko at hinalikan sa Noo.
Ion's POV
"San mo gustong pumunta?" Tanong ko dito, kasalukuyan kaming nasa kotse at nag-iisip ng una naming pupuntahan sa Antipolo.
"Pwede ba tayong pumunta sa Hinulugang Taktak?" Sagot naman nito, napangiti naman ako at tumango.
Habang nasa biyahe kami napuno ng katahimikan ang kotse, ni isa saamin ang walang gustong mag-salita. Tumingin ako dito at nakita konna nakatingin lang siya sa mga lugar na nadadaanan namin.
"Tahimik mo naman ata." Sabi ko. Nakakapanibago.
"A-ah wala. Ang sarap lang kasing damhin ng hangin, nakakaantok."
"Inaantok ka? Higa ka muna sa balikat ko." Sabi ko.
"Ha? Hindi- wag na noh! Baka maaksidente pa tayo ang hirap kaya non!"
"Ano ka ba? Ayos lang, dali na. Kesa naman makatulog ka diyan sa bintana." Sabi ko at pilit na kinuha ang ulo niya.
"Dali.." Medyo sweet na sabi ko.
"Eto na." Kinikilig nitong sabi at saka sumandal sa braso ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.
"I love you ulit." Sabi nito.
"I love you."
Pinagaptuloy ko ang pamamaneho at bigla naman siyang nakatulog na ng tuluyan. Medyo malayo-layo rin ang pupuntahan namin at medyo maaga pa.
"psst! Dito na tayo." Bulong ko, inangat niya ang ulo niya at tumambad sakanya ang magandang tanawin ng Hinulugang Taktak.
"Omg ang ganda!!" Sigaw nito at bumaba. Tumawa nalang ako at sinundan siya.
Tumigil sya panandilian sa harap nito at pinagmasdan ang mga tubig na nahuhulog.
"Ang ganda.." Bulong niya, hinawakan ko ang bewang niya at sabay na pinagmasdan ito
"It feels like heaven." Sabi niya at tumingin sakin.
"Thank you. Salamat kasi pinaramdam mo sakin yung mga ganitong bagay. pinaramdam mo ulit sakin kung pano mag mahal ng lubusan. Pinaramdam mo muli sakin kung paano maging masaya. Salamat." Naiiyak na sabi nito.
"Salamat rin kasi kahit pitong araw lang pumayag ka, pinayagan mo uli akong mahalin ka kahit alam nating mali dahil may asawa't-anak ako. kahit alam ng mundo at diyos na mali mahalin muli natin ang isa't-isa, thank you for trusting me again for the second time, and for loving me genuienly. I love you."
Parehas na kaming umiiyak ngayon, umiiyak ng dahil sa saya. Ang sarap lang sa pakiramdam na nag mahal uli kaminng totoo at puro, nagmahalan kami kahit sa saglit na panahon lang. Masaya ko kahit papaanonna binigyan kaming mag-sama kahit sa saglit at kaunting oras at panahon lang.
Marami pa kaming lugar sa Antipolo na pinuntahan, magbook narin kami ng matutulugan namin dahil dalawang araw kami dito, at bukas na ang huling araw na 'yun, maghihiwalay na naman kami sa pangalawang pagkakataon.
"Kung pwede lang pabagalin ang panahon, baka ginawa ko na."
------
itutuloy..
YOU ARE READING
Pwede Ba? | Book to of "Saglit"
FanfictionBook Two: A story wherein Vice and Ion met again for the second time. Will Vice finally say the real reason why she broke up with him? Will they love each other again for the second time?