Simula

7 0 0
                                    

Mama anong oras ba ang dating ni Daddy nagugutom napo ako"

Napatawa naman si mama. Birthday ni daddy at isusurprise namin sya at nakahanda na ang mga lobo cake at mga ibat ibang pag kain. Si daddy nalang ang kulang.

"Gutom na ang buwaya sa tiyan ni Baby Kia"

"Mama. Its only worm lang po. Masyado pong malaki kung buwaya ang nandito"

"Intayin na natin padating nayun. 4:30 pm na e"Sinipat nya pa ang orasan kaya napatingin din ako dun

"Sige antayin na natin kahit gutom na talaga ako"

Nagtawanan kami dahil sa sagot ko.

8 years old na ako at nag aaral ako sa Unsami Academy bilang elementary. Nag iisang anak nina Mr.Zakiel and Mrs.Allenna  Valquiano

Nagkatinginan kaming dalawa ng marinig ang busina sa labas at sabay na naghagikgikan ng di namin binuksan ang gate at nakita namin si daddy na lumabas sa sasakyan at sya ang nag bukas ng gate.

"Mama yung cake yung cake"kasabay ng mahihina kong tawa maging si mama ay nag pipigil din ng tawa.

Kaagad kinuha ni mama yung cake at sinindihan yung kandila samantalang ako ay hawak hawak ko yung maliit na tarpulin na may nakalagay na "HAPPY 38TH BIRTHDAY DADDY ZAK"

"Antagal naman ni daddy kumukulo na ang tiyan ko"

"Ayan na ayan na papasok na ang daddy mo"

Patay ang mga ilaw at madilim ang luob ng bahay namin. Tanging ang sindi lang ng kandila sa cake ang nag bibigay  liwanag  sa luob. Narinig namin ang pag bunggo ng susi sa doorknob dahil nilock namin

"Nasan na naman kaya ang mag inang iyon at sarado ang pinto"

Nagkatinginan kami ni mama at pigil parehas ang pagbungisngis nakita ko pa ang paglagay ng hintuturo ni mama sa tapat ng labi nya para mapatahimik kaming dalawa.

Ng marinig ang click ng pinto at pag bukas ay sabay kaming sumigaw ni mama

"HAPPY BIRTHDAY DADDY ZAK"

"Ano bayan balak nyo ba akong paiyaking dalawa huh."Lumapit si daddy kay mama kahit madilim at hinalkan sa labi at ako naman ang sunod na nilapitan at hinalkan sa ulo.

"Blow the candle na muna natutunaw na ang kandila at gutom na ang anak mo"natatawang sinulyapan ako ni mama

"Ou nga daddy antagal mo naman kaseng pumasok. Make a wish  muna daddy para makakain na tayo"

Nagtawanan sila sa sinabi ko. Pumikit si daddy at nakangiti

"Sana po humaba ang buhay ng baby kia ko at maging masaya sya palagi"at hinipan nanya yung kandila at si mama lang ang pumalakpak

Napasimangot ako sa kanya.

"bakit naman nanghahaba ang nguso mo dyan anak"daddy ask me. Pumunta naman si mama sa gilid para buhayin ang ilaw kaya nakita nila lalo ang busangot kong mukha

"Eh kase palagi nalang po tungkol sakin ang wish nyo ni mama. Hindi po ba pwedeng maging mahaba ang buhay nating tatlo at maging masaya sa pang araw araw."

"Asuss dalaga na talaga ang anak natin Love"

Lumapit sakin si daddy at niyakap ako ng mahigpit at hinahalikhalikan ang ibabaw ng ulo ko

"Syempre ikaw ang uunahin namin kase ang kaligayahan mo ang kaligayahan namin ng mama mo. Makita lang naming healthy at hindi ka nag kakasakit malaking kaginhawaan na namin yun diba love"

The Day i Got You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon