TDIGY-1

3 0 0
                                    

Umiiyak lang ako habang yakap yakap ang walang buhay na katawan ng aking ina. Mulat na mulat pa sya at halos wala ng damit.

"Daddy daddy gumising ka si Mama"Umiiyak na niyuyogyog ko si daddy na nakatungo sa upuan nakatali ito at mulat din ang mata

Umiiyak na umakyat ako sa kwarto nila upang kunin yung malaking kumot. Nilalamig na si mama. Ramdam ko dahil anlamig lamig ng balat nya. Pag baba ko ay agad ko syang kinumutan hanggang sa leeg.

"Mama bat dika nagalaw? Gising ka naman e. Niloloko moba ako mama?  Pati ikaw daddy? Mga gising naman kayo e"

Narinig ko ang pagbusina ng mga pulis at biglaang pagpasok nila kaya naman agad na yumakap ako sa mama ko.

"TAMA NA PO WAG NYO NAPONG SASAKTAN ANG MAMA KO. NILALAMIG NA SILANG DALAWA NG DADDY KO."

Lumapit samin ang dalawang lalaki at hinawakan sa kamay ang mama ko kaya napayakap ako ng mahigpit

"Wala ng pulso Sir ang babae."Lumapit naman sya sa daddy ko na mulat paden pero hindi naman gumagalaw "Saka Sir itong asawa.mukhang itong anak lang ang itinira ng mga pumasok dito"

May lumabas na lalaki sa hagdan galing sa taas

"Sir wala namang mga nawalang gamit. Sa palagay namin hindi pagnanakaw ang pinunta nila dito kundi yung mag asawa lang"

"OMYGHAD. ZAKIAAAAAAAAA BABY"

napatingin ako sa pinto at nakita ko ang kapatid ni mama at patakbong pumunta sa akin at niyakap ako kaya naman dun nako nag iiiyak at ganun din ang ginawa nya.

"W-Wag kayong l-lalapit s-sa mama at daddy ko po. w-wag po"Umiiyak na niyakap ko lalo ang katawan nyang binalutan ko ng kumot.

"Ma'am Atlantis kailangan napong dalhin sa morgue ang katawan ng dalawa dahil mahigit  oras na ang itinagal ng bangkay."Pagkasabi nun lalong umiyak si Tita Atlantis

"Omyghad Ate gagawin namin ang lahat para mahanap ang gumawa sa inyo ng ganito. Pagbabayarin ko sila ng malaki"Pagkatapos nun lumapit sya kay mama at ipinikit nya ang mulat na mga mata nito ganun din ang ginawa nila sa daddy ko.

"Tulog paden sila Tita?

Umiiyak si tita at niyakap ako ng mahigpit at umiling ng umiling

"Wala na ang mama at daddy mo Kia. P-Patay na sila".

"Althea Zakia Valquiano?"

"Valquiano?"

Nabalik ako sa katinuan ng may tumapik  sa pisnge ko. Ewan ko ba kung tapik yun dahil parang may inalis sya dun.

"Kanina kapa tinatawag ni Ma'am Raquel"

Napatingin ako sa katabi ko sabay tingin sa unahan at  lahat sila sakin nakatingin

"Maam?"

"Nag aattendance palang ako ay tulala kana. Paano pa kaya kung nag kaklase ako"

"Pasensya napo talaga"

"Hay nako Ms.Valquiano umayos kana sa susunod palagi kana lang tulala. Graduating kapa naman. Umayos ka sa klase ko kung ayaw mong ng dahil sakin hindi ka makagraduate ng Senior High"

"Palagi namang tulala yan ma'am parang naiwan palagi ang utak sa bahay"

Nag tawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ng isa kong kaklase. Napabuntong hininga nalang ako

"O happy na kayo nyan?. Buti nga tong si Zamira naiwan lang ang utak di kagaya nyo walang naiiwan kase mga wala naman kayong utak panay hangin ang laman ng ulo nyo"

The Day i Got You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon