TDIGY-8

3 0 0
                                    

"Ma'am nagugutom napo ba kayo? Mag aalas dyes napo "

Napabaling ako kay Kuya Franco at sinenyasan syang wag maingay. Naintindihan naman nya ako at tumango tango.  Nakangiting tiningnan ko ulit si Isaiah at mahimbing paden ang tulog nya. Nakasandal sya sa bintana. Ako nadin ang kumuha ng lens at sinuot na para hindi na nakasalamin.

5hrs na syang tulog at tingin ko ay nababawe nanya ang antok na ipinagkait sa kanya. Ako naman ay nahihilo din dahil sa antok. Pinipigilan kolang dahil gusto ko syang panuodin habang natutulog

*Haney Calling*

Agad kong sinagot ang tawag ni Haney

Haney:
(HOY NASAN NA KAYO. MAY PA SURPRISE LONG QUIZ SI MR.MAGINOO MAMAYANG 12:30)

nailayo ko naman ang Cp ko sa tenga ko sa lakas ng boses nya

"Ou papasok nadin kami. May dadaanan lang kami"

Haney:
(Sige sige. Gumilid kayo huh. Wag nyong daanan baka mapirat)

"Gago"Pinatayan kona sya ng tawag ng humalakhak sya

"Nasaan tayo?"

Napabaling ako sa katabi ko dahil sa boses nya. Nakita kong nag uunat nasya ng katawan. Mukhang napasarap nga ang tulog nya

"nandito paden tayo sa sasakyan"

"Alam ko yun. What i mean is saang parte tayo"

Napakamot ako sa ulo. Mukhang okay nasya at medyo bugnutin na ulit sya.

"Nandito paden tayo sa labas ng clinic"

"Yung lense monga pala kukunin na natin"Kinalas nya agad ang seatbelt nya kaya hinarang ko sya

"Ayos na nakuha kona."

"Eh bakit nandito pa tayo?"

Napapikit sya ng haplusin ko ang pisnge nya "Natutulog ka kase kanina ang sarap ng tulog mo kaya naawa naman akong abalahin ka. Saka hindi ko alam kung saan yung mag tatattoo kaya dito nalang muna"

Napamulagat naman ako ng sapuhin nya ang mag kabilang pisnge ko kaya napatingala ako sa kanya

"Nangangalamuta ka din. Ang itim din ng ilalim ng mata mo. Wala kading tulog. Umuwe nalang tayo at mag pahinga ka"

Natatawang pinisil ko ang tungki ng  ilong nya

"Ayos lang ako. Saka papasok tayo at may pa surprise quiz daw si Sir Maginoo."

"Pero pano ikaw?"

"Sus ayos lang yun. Tara na sa patattooan . Papatattoo din ako ng kagaya ng sayo"

Natatawang ginulo nya ang buhok at itinuro nya sa driver ang daan.

-
"Masakit bayan kuya?"

"Ano bayan Alien. Pang Dalawamput  walo  monang tinatanong yan. Ako nalang papatattoo kung ayaw mo"

Asar na sinipa ko ang binti nya kaya napatawa lang sya

"Bat kase binibilang mo. Saka kita mo bayung karayom? Pito Yun. Pito sa iisang lalagyan"

Nagkatawanan yung dalawa

"Hindi naman ito masakit hija. Para kalang kinakagat ng guyam"

"Hayaan mona Tito. Wag na nating lagyan yan"

"Pero gusto konga. Yung kagaya ng sayo"

May napili na kase kaming design. Actually ako lang naman ang namili yun nga  ang susundin nya. Napag usapan pati namin na ilalagay yun sa likod ng tenga sa paleeg. Kung mahaba ang buhok mo hindi mo mahahalata yun pero kung clean cut ka ay kitang kita dahil pabandang leeg nadin yun nasa likod nga lang ng tenga malapit sa tapat ng hinihikawan.

The Day i Got You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon