TDIGY-9

2 0 0
                                    

Tumatawa lang ako dahil sa kwenekwento nina Nay Manda at Manang Olive. Alas dyes na ng umaga at dahil sa kaharutan ng isip ko ay halos inumaga nako bago matulog at hindi nagising sa alarm. Nadatnan kona nga lang na wala si Isaiah dahil tumawag daw ang mommy at daddy nya at may pinasuyo na kuning files sa bahay ng lolo ni Tita Iza at sabi nga nina Nay Manda ay kakaalis lang

"Nakakatawa si Sir kanina  parang batang nakaupo sa isang gilid sa labasan"

Nag katawanan kami habang kinakain ko ang taho na binili nya pala kanina na lumamig na. Gumising pala sya nung umaga at sya ang kusang nag antay kasama si Nay manda na walang ibang ginawa kundi pilitin daw si Isaiah na bumalik na sa luob ng subdivision at sila nadaw ang bibili ni Kuya franco

"Sayang at hindi ako nagising sa alarm. Hindi nya kase ako ginising"reklamo ko

"Hala ay ayun nga ang balak ko dahil sabi ko ay gusto mong nag aantay ka din tulad nuon pero ang sabi nya ay mapuputol  lang namin ang tulog mo at kaya naman nya mag antay kaya tuloy kaming dalawa ni franco ay sinamahan sya.  Napaka babaw pa naman ng kaligayahan ni Sir Isaiah. Tulad kanina yung mag titinda ng  taho sya daw ang kauna unahang bumili kaya ang 30 pesos ay dinamihan nya. Sabi naman ni Isaiah matutuwa kadaw dahil nakabili sya  kaya binayadan nya ng 100 yung mag titinda at nakangiting tinalikudan na kami para makabalik agad sa  bahay"

Napangiti naman ako dahil sa kwinento nina Nay manda

"Hmm wala ba syang kapatid? Nag iisa lang ba sya?" Bigla kase ay nakuryoso ako sa kanya na dati ay hindi ko inaalam at di ko tinatanong. Natigilan naman sila at malungkot na ngumiti

"Sana ay may kapatid pa yang si Sir Isaiah. Kambal pa"

Nagtaka naman ako. Dalawa? Pero bat wala dito? Nasa ibang bansa ba?

"kung ganun nasaan po?"

Nagkatinginan pa sila bago humarap sakin "Naagasan si Ma'am Iza nun at namatay ang kambal na dapat ay mas matanda kay Sir Isaiah. At ang sabi pa ng doctor ay hindi na mag kakaanak pero tingnan mo naman at napakabuti ng maykapal sa mag asawa at biniyayaan pa ng malusog at mabait na anak"

Tumango tango naman si Manang Olive

"Tama ka dun Manda. Kaya halos ibigay ng mag asawang Vynanthius ang lahat ng kagustuhan ng bata at kahit ganun ay hindi lumaking madamot at masamang ugali dahil lahat ng nandito ay tinuturing nyang pamilya"

Lalo tuloy akong humahanga sa mga nalalaman ko sa kanya

"Yun nga lang at napaka pilyo. Napaka masayahin nun at kahit na kailan ata ay hindi man lang yun nalalapatan ng mabibigat na kamay at hindi pa nasasaktan ng kung sino man dahil lahat ng nakapalibot sa kanya ay minamahal at hinahangaan sya. Napaka talino pang bata. Mabilis makapagaanan ng luob. Akala nga namin ay bakla ang batang yan"

Nag katawanan kami sa sinabi ni manang olive. Kahit ako naisip kong parang bakla sya na nag tatago lang ng tunay na katauhan dahil kung kumilos minsan ay daig pang babae at napaka arte

"Ahhaha jusko akala nga din namin ay bakla at ayaw ng larong mga panlalaki at madalas na nilalaro ay Chess o kaya ay nagbabasa lang. At napaka arte minsan sa ibang bagay. Napaka cute nga ng mukha nya at hindi kagaya ng karaniwang lalaki na medyo malaki ang mukha at dumedepende ang panga. Mukha kase syang babae dahil maliit at bilugan ang mukha pero hindi naman matambok ang pisnge bumagay din ang makapal na kilay at makurbang labi. Kumbaga sya ang depinisyon ng magandang lalaki hindi gwapong lalaki. Magandang lalaki talaga"

Natutuwa naman ako sa sinasabi nila at bakas ang pag hanga duon. Nag kwentuhan pa kami ng kung ano ano tungkol sa kanya. At ng mag paalam sila na mag lilinis na ay nababagot na umakyat ako sa kwarto at nakita ko yung bag ko kaya kinuha ko

The Day i Got You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon