TDIGY-2

4 0 0
                                    

"Aba aba iba ata ang ngiti natin ngayong hapon"

Napairap nalang ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Haney.Nakaupo lang ako sa may bench at inaantay matapos ang klase ni Isaiah sabi nya ay sabay kami kaya aantayin ko nalang dahil nauna kaming natapos.

"Bat hindi kapa nauwe huh? Sinong inaantay mo? Boyfriend mo?"

"Ano!"

"Ay ou nga pala ni manliligaw nga pala ay wala ka boyfriend pa kaya. Oh ay sino ngang inaantay mo?"

Natatawang inilingan ko sya at pinagtutulak

"Umuwe kana nga lang. Kahit ngayong uwian ay patahimikin mo ang tenga ko"

Natatawang inakbayan nya ako at kinurot sa gilid kaya naman napalayo ako.

"Asus may tinatago kaba sakin Althea Zakia Valquiano?. Sinong inaantay mo-

"HEY"

sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita namin ang nakangiting si Isaiah na naglalakad palapit samin

"Ayun naman pala. Maharot si Zakia wag tularan"natatawang bulong nya kaya siniko ko sya

"Umuwe kana nga sa inyo"

"Omy  pinalalayas mo na ako. Napakasalbahe mong kaibigan. Nang iiwan si Zakia kase may bebe na Wag tularan"

"Ano gat bebe ano yun itik. Tumigil kanga dyan"

"Bagay kayong dalawa"

Nakasimangot ako ng humagalpak sya ng tawa dahil hindi ako nakaapila dahil lumapit na si Isaiah

"Kanina kapa ba nag aantay dyan. Sorry nag paquiz pa si Sir Aug e."

"Nasan yung mga kaklase mo? Asan si Dylan my baby?"Agad na singit ni Haney

Ou nga pala kaklase nya si Dylan sa last sub. Napailing nalang ako . Ako ang nahihiya sa ginagawa nya.

"Kasunod ko lang yun. Nandun pa mga kaklase namin  kami palang dalawa ang naunang natapos sa quiz kaya nauna kaming pinauwe"

Napatawa naman ako ng biglang bumusangot ang mukha ni Haney kaya naman napatingin ako sa tinitingnan nya kaya napalingon kami ni Isaiah at ayun nga si Dylan may kasamang babae.

"Sino naman kaya ang espasol nato"bulong bulong pa ni Haney. Natatawang pinapanuod ko lang sya.

"Yo brad. Pauwe kana?"nakangiting bati ni Dylan kay Isaiah

"Ou pauwe na kami.Bakit mo tinatanong? Sasabayan moko?"

"Hindi kita tinatanong.Kababaeng tao napaka epal"

Hindi kona napigilang humagalpak ng tawa dahil sa nasasaksihan.Kaya naman gulat na napalingon sakin yung apat. Ansama pala tumingin ni Haney sakin

"Nakakainis kayo. Makauwe nanga lang"Ilang beses nya pa akong inirap irapan bago nag lakad palayo.

"Sya ba yung gusto mo kuya?"takang tanong nung babae kaya sa kanya kami napalingon. Parang may kakaiba sa kanya"Hi po"Binati nya kami pero sa gilid sya nakatingin at nakahawak sya sa braso ni Dylan

"Hello din sayo"magaan pa ang luob kong binati sya. Kung nakikita siguro ako ni Haney ay baka napaghambalos nako nun

"Ah Si Danyl nga pala nakababata kong kapatid.Danyl sya si Kuya Isaiah mo kaklase k----------"

"Bwiset ka Dy anong kuya dyan. Nakakatanda pag kinukuya. Ganto dapat. Hi Ako pala si Isaiah the pogi.Kase ang gwapo ko diba. Diba. Sabihin mo"

The Day i Got You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon