Chapter 4: Imaginary Babylovess

319 57 32
                                    

Kiah's POV:

"Girls"-tawag ko sa kanila habang dahan dahan akong tumatayo. Shet lang! Ang sakit ng ulo ko. Takteng panaginip kasi yun parang totoo.

"Ki-kiah. Okay ka lang ba?"-weird ang pagkaka sabi nun ni Darleen. Nataasan ko tuloy siya ng kilay. Baka siya ang hindi. Tss.

"Yeah! Teka nga. Umiyak ka ba Cams?"-I asked. Wala na pansin ko lang kasi na namumula yung mata ni Camille.

"H-huh? Hindi ah! Dare lang nila Darleen na umiyak daw ako for 1 minute. Haha! Oo ayun yun. Diba girls diba?"-sabi ni Camille and give me an awkward smile. Problema nito? May nangyari ba?

"Ahh. Oo nag laro kasi kami kanina ng truth and dare habang iniintay kang magising. Ang tagal mong gumising e! Tulog mantika ka talaga."-sabi ni Nichelle tapos binatukan niya ako. Aba't amozonang babae 'to. sipain ko to papuntang Mars e.

"Heh! E papaano binangongot ako ng bonggang-bongga. Akalain niyo yun. Pina-iyak niyo daw ako. Hahaha"-I shook my head and smile."Naparanoid lang siguro. Hindi niyo ako pinansin boung byahe e. Trip niyo talaga ako lagi"-I said then pout. Magaganda lang kasi ang pwedeng mag pout kaya ito nakasanayan ko na. Hahaha.

"Ahh talaga? Ang weird naman ng panaginip mong yun Ki"-sabi ni Camille tapos nagka tinginan silang tatlo. 

Ayy Nakoo! Mukhang hindi pa ata naniniwala sa mga pinagsasabi ko. Ano ba yan! Maganda lang ako pero hindi ako sinungaling nu.

"Hahaha. Oo nga ih. Yae na nga. Imagination ko lang naman ata yun. Kalimutan na lang natin. Haha. Teka nga" *tingin sa paligid* Huwaat? "Andito na tayo? WAAAAH! Ang daya niyo. Walang pa sabi. Huhu. Tara na nga! KYAAAH"-I exclaimed then dali daling tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Kahit hirap na hirap akong dalhin yun lahat. Laglag poise ko dito. Pweee!

Hello Blue Paradise Resort. We're coming yohooooo!

"Hoy! Hintay nga tulog mantika. Ang tagal ka naming hinintay magising tapos iiwan mo lang kami ng ganito? Hustisya nga!'-sigaw ni Nichelle habang kinukuha din nila yung mga gamit nila. Nauna na lang akong bumaba. NAMAN! excited ako eh.

"Waaaah! Ang Ganda naman dito"-sabi ko sa sarili ko tapos kinuha ko yung phone ko para mag selfie.

"Uyy! Sali ako"-sigaw ni Darleen with matching tulak pa sa akin yan.

Muntik pa tuloy akong madapa. Hoooh! Nagulat ako dun ah. Buti nalang maganda padin ako. Lagot talaga itong si Darleen sa akin.

"Waaaah! Daya kami din"-sabat naman nila Camille at Nichelle and as expected may kasamang tulak parin yun. Napasubsob tuloy kami sa puno. Araaay naman. Palibhasa walang ini-ingatang beauty ang mga to. Maka tulak naman! WAGAS kung WAGAS.

"Aww! Sorry girls. Lowbat na phone ko eh. Next time nalang ah?"-biro ko sa kanila with matching sad face pa para complete package. Hahaha.

Sinamaan nila ako ng tingin. Tinging pamatay. Nag *Behlat* lang ako tapos tumakbo na papasok ng resort.

"Waaaaah! Kiiiaaahh. Ang daya moooo"-sabay pa nilang sabi tapos hinabol na naman nila ako. Habolin niyoooo koooo.  Hahaha. Anabelle is that you?

--

"Yaah! Napagod ako dun ah"-sabi ni Nichelle tapos pa salampak siyang humiga sa kama niya.

"Me too"-sabat naman ni Camille at Darleen.

Haaay. Me three. Ako din na naman na pagod. Andito kami ngayon sa house cottage na pina reserved namin. May isang malaking kwarto dito na may apat na kama. Tama lang yung laki ng sala may dalawang bathroom at may maliit na kusina. Parang apartment lang din namin. Hayy! Miss ko na ang ganito. Yung kaming apat lang ang mag kasama.

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Wala akong ibang makita kundi color Pink. Mapa pintora, decoration at mga gamit pink lahat pero kahit ganun di ako na o-umay favorite color ko kaya yan.

Pag lumabas ka naman makikita mo na ka agad ang beach na wari tinatawag ka. Yung simoy ng hangin, yung white sand at color blue na dagat. Lahat yun nag pag inlove sa akin. Sobrang lawak ng resort na ito na papangarapin mo talagang ikaw nalang sana ang may-ari. Kahit dito na ako tumira okay lang eh.

Ma pakasalan nga ang may ari ng resort na ito. Hahaha. Basta ba MMMM na siya papatol talaga ako. Matandang Mayaman na Madaling Mamatay. Hahaha! biro lang. Sa ganda kung to? Abat choosy ako uyy.

"Girls! Pasyal tayo maganda daw dun sa -----"- hindi ko na natapos yung sasabihin ko pa sana. Naka tulog na kasi ang tatlo. Na pagod siguro sa byahe. Ako na nga lang. Na te-temp ako ng fresh air eh. Sarap lumandi. Wahaha.

Nag iwan mo na ako ng note sa may table para hindi na nila ako hanapin. Aba't sa ganda kong 'to? Baka mag padala pa sila ng search and rescue kapag ako na ang nawala. Haha. Ang hangin ba? Ganyan talaga malapit sa beach e. *wink*

NOTE:

Hi mga pangit kung besties. :) Umalis muna ako. Lalandee lang sandali. Sabay sana tayong apat e pero wala pala kayo. Tulog mantika masyado nagpaputok na nga ako ng bomba hindi pa din kayo nagising. Hahaha! Pero mabuti na rin yun para wala akong kasamang pangit. Hahaha *peace* ✌✌ Tsege bye na! Mag-iingat ako baka wala na kayong kaibigang maganda e. *wink*

From: Goddess Kiah♥

Hahaha. Dami kong tawa dun ah. Mga tatlo. Pag nabasa nila itong note na'to panigurado sabay-sabay silang mag re-react. Haha!

Maka alis na nga. Lilibotin ko lang naman itong boung resort tapos uuwi na din ako. Mag gagabi na din kasi.

Pero bago yun mag bibihis muna ako alam ko namang maganda na ako at kahit basahan pa yung sout ko stand out parin ako sa madla!

Pero selfish ako e, dapat lahat ng mata sa akin lang naka focus. Hahaha malay mo baka dito ko pa mahanap yung lalaking pinana ni Cupid para sa akin. Oh dibaa? Dapat romantic yung pagkikita namin.

Yung tipong gandang ganda akong naglalakad tapos nililipad pa ng hangin yung buhok ko with matching slow motion dapat yung paglalakad ko. Tapos lilingon ako sa kanya ng dahan-dahan at gandang ganda siya sa akin kaya bigla nalang siyang lalapit sa akin slow mo pa din dapat, tapos machong macho siyang maglalakad papunta sa direksyon ko tapos kapag malapit na siya hihinto ako dapat naka topeless siya at sobrang bango. Tapos pag nasa harap na niya ako susuklayin niya pataas yung buhok niya sabay sabing "Hi Im yours. Can I call you mine?" tapos with wink and killer smile yun.

Waaaaaaah! Oh dibaa? Ang bongga nun. Waaaah Im so exoited! wait ka lang jan babyloves ko! Im coming *evil laugh*

Itutuloy...

~FortunateLei♥

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon