Preview

229 21 11
                                    

Girl's Side:

"Ako kaya naaalala pa niya? Mukhang hindi na nu? Ahh hindi e. Kilala pa'ako nun. Mahal kaya ako ng abnormal nayun. Ayy! Oo. HAHAHA. Tama! Ayun yun."-Tang!*na Venice. kinakausap mo na yung sarili mo.

Bakit ganun? Miss na miss ko na siya. Kanina lang atat na atat na nga akong yakapin siya, sayang andun na sana ako. Palapit na nga siya sakin diba?

Yun na yun Venice e bat tumakbo ka pa? Nagulat kaya siya nung umiyak ako sa harap niya? Ayss. Parang hindi naman. Baka akala niya baliw lang akong naligaw dun. HAHAHA. Oo! ayun yun. Dami niya sigurong tawa pagka alis ko. Daig ko pa ata ang takas sa mental eh.

"Maaalala pa kaya niya ako? Sana naman kahit yung puso niya maalala man lang ako"-Ano ba yan. Ito na naman ako e. Umaasa na naman. Paulit-ulit nalang. Nakaka pagod din pala!

Naaalala ko pa, yung mga tingin niya sa akin kanina. Akala mo kung sino akong stranghero na kaawa-awa ang lagay.

Yung mga titig na'yun, kulang nalang mag salita para ipa alam sa akin na hindi niya ako kilala. Ahh! Tama. STRANGER nga naman kasi talaga ako.

I live the place still wearing this void in my heart. Ano pa nga bang aasahan ko diba? Sige lang, okay lang yun nu.

Lolokohin ko nalang itong sarili ko . Forever stranger na nga siguro ako sa paningin niya. *sob*

---

Boy's side:

"Sino kaya yun? Ang ganda naman niya, ang amo pa ng mukha. Pero sayang mukhang malungkot siya. Iniwan siguro yun ng boyfriend niya, umiyak pa nga sa harap ko eh."-Huh! Teka nga? Ba't ba kinakausap ko 'tong sarili ko? Baliw na kaya ako? Tssss. Yung babaeng yun kasi. Tumakbo naman kaagad, di ko na tuloy naka-usap.

Taena! May naalala pa kasi akong kung ano dun sa nakaraan ko. Sh*t sumakit pa tuloy itong ulo ko.

Tssss. Ayaw ko na namang may maalala pa, wala na ding kwenta. Wala naman siguro akong iniwan sa nakaraan ko diba? Hahaha. Past is past.

Tssk. Bahala na nga. Babalik nalang ako dito bukas baka sakaling bumalik pa yung babaeng yun dito.

Special place niya siguro ito? Sabagay, maganda naman kasi dito. Tahimik lang, walang ka tao tao at damang dama mo talaga ang simoy ng hangin at bawat pag hampas ng alon sa dagat.

Nung nakita ko nga siya kanina akala ko multo eh. Sa tagal ko ba namang pabalik balik dito aba't ngayon lang kaya ako may naabotang tao.

Pero kawawa rin yun e. Umiyak pa talaga sa harap ko. Di niya na siguro na pigilan. Ang g*go naman ata ng boyfriend niya para iwan siya.

Kung ako yun? Nakoo. Di ko kayang gawin yun sa kanya. Mamamatay muna ako. Ayss. Bat ba masyado ko siyang iniisip? Ginayuma na siguro ako ng Stranger na yun.

Hahaha. Stranger? Oo nga pala di ko man lang nalaman ang pangalan niya. Tsaka bagay naman sa kanya ang Miss: Stranger!

Hay. Magkikita pa kaya kami? Ang mysteryoso naman ng babaeng yun, baka nga talagang multo yun?

Itutuloy..

~FortunateLei

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon