"Hatid na kita." Sabay hablot nang bag ko. "Brex balik mo saakin yan! Kaya kong umuwi mag is---"
"No, tignan monga yang pag lalakad mo. Nakakainis tignan." Pag sisingin niya. "Ede wag mong tignan." Sabi ko sakanya nang naiinis. "Can you please shut up kahit ngayon lang." Aniya at agad binuksan ang kotse niya para makapasok ako. May pagka gentlemen pala itong ugok na'to. Sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira at tahimik lang siya na para bang galit eh wala naman akong ginagawang masama para magalit siya! Ang weird niya talaga."So what really happened to you?" Seryoso niyang tanong. "Wala kaseng kape sa school kaya pumunta ako sa labas nang school para bumili tapus yung muntik nakong mabanga." Pag kwekwento ko. "Dapat kase tumitingin ka sa dinadaanan mo..." Aywow ha! Ako pa sinise nakatingin naman ako eh sadyang marami lang mayayabang na driver dito. "... How about your chest?" Biglang namula ang pisnge ko sa tinanung niya. Pati ba naman yung kailangan itanong. "Hey, are you okay? I'm asking you." Tanong niya ulit. "We-well it's find okay lang." Sagot ko nang nabubulol. "O bat ka namumula? Pati ba mukha mo nalagyan." Bigla niyang hinawakan ang bisnge ko at mas lalo along namula agad kong inialis ang kamay niya. "I'm fine, tumingin kana nga lang sa dinadaanan mo." At lumingon ako sa may bintana at duon nalamang tumingin.
Bakit parang may nagbabago saakin? Bakit may parang kakaiba akong nararamdaman? Oh gosh! Wag naman sana!
Hinatid niya ako hangang sa bahay at nag pasalamat ako bago pumasok nang bahay. Hindi kuna siya niyaya sa loob dahil baka nakauwi na nang bahay si mama, at tama naman ang aking akala.
"Nakauwi naba si Handl, Abrgh? " tanong ni mama. "Hindi pa ma, 3weeks pa siya duon." Bigla naman siyang napatingin saakin. "Oh sino nag hatid sayo? Don't tell me may boyfriend kana Abrgh? Hoy nineteen kapalang bata ka-----" hindi kuna siya pinatapos at sumagot na. "Yak ma that's just my classmate." Sabi ko sa kanya na may parang nadidiri. "Oh anong nangyare sa tuhod mo?" Tanong niya habang tinuturo yung tuhod ko na nakabalot nang panyo ni Brats. "Sa katangahan lang yan ma." Sabi ko at dumeretso na sa kwarto para mag pahinga.
Agad naman akong nakatulog dahil siguro sa sobrang pagod at masakit rin ang nararamdaman ko at feeling ko lalagnatin ako bukas. Buti nalang sabado bukas at wala kameng klase. Hindi kuna na kausap si Handl kagabe kaya madami akong message at calls nag aalala ata. Sinagot ko nalang ito nung nag umaga na. Kaso hindi na niya agad marereceive yun kase madaling araw na sa US.
"Kakain na Abrgh." Yaya saakin ni mama. "Ma, masakit pakiramdam ko." Sabi ko kay mama kaya lumapit siya at hinipo ang noo ko. "May lagnat ka, kumain ka kahit konte pag luluto na kita bago ako umalis. Uminom ka nang gamot nasa kusina." Sabi niya at umalis na nang kwarto. Sobrang sakit nang katawan ko diko ata kayang mag isa ngayon.
"Abrgh, may tao sa labas." Nagtaka ako sa sinabi ni mama. May tao sa labas? Sino? Wait baka si Handl pero 3 weeks palang siya dun. Nag ayus ako at nagmadaling lumabas. Pagbukad ko nang gate!! OMG si brex ! Bat siya nandito? Anong ginagawa niya wala namang pasok ha.
"An-anong ginagawa mo dito?" Pagtataka kong tanong kay brex. "Pinasyalan ka masama ba? Pasok nako" pipigilan kona sana siya kaso nakapasok na siya sa gate nahihiya naman akong ipagtabuyan ko siya palabas. Nagkasalubong sila ni mama at nagmano siya.
"Sino ka?" Tanong ni mama. "I'm Brex hellson girlfriend po ni Abrgh." What?!!! Siraulo talaga itong lalakeng ito. "Girlfriend?" At biglang napatingin si mama saakin. "Ma, girl best friend." Pag papalusot ko. " ah tita hin---" tinagpan ko agad yung bibeg nitong ugok na'to. "Mabuti naman, sige mauna na ako. May pasok pa ako. Alagaan mo muna yang si Abrgh ha hijo wala kase si Handl kaya ikaw muna maasahan ko sa ngayun." What ma?! Kaya ko sarili ko!
Umalis na si mama at nanatili parin si Brex sa bahay. "Umuwi kana brex." Sabi ko sa kanya. "No, sabi ni mama mo alagaan kita. May sakit kaba?" Tanong niya hahawakan na sana niya ang noo ko at buti nalang napigilan ko bago pa yun dumapo. "Sungit mo naman." Wow? Magtatampo ba siya. What the heck nakakatawa siya. Pinilit Kong hindi matawa sa itsura niya kahit gusto ko nang tumawa. Mukha kase siyang bata nung sinabi niya yun. "Saan kitchen niyo?" Tanong niya saakin. "Bakit anong gagawin mo?" Pagtataka kong tanong. "Lutuin ko lang 'tong dala ko oh." Sabi niya. "Brex sa bahay niyo nalang lutuin yan uwi kana." Pero hindi siya natigilan at hinanap nang pilit ang kusina namin.
Iniwan ko siya at pumasok sa kwarto ko. Maliit lang 'tong bahay namin dahil bago pumanaw si Dad ay napatapos niya ang dream house nila ni mama. Kahit dalawa nalang kame ni mama sa bahay may sarili parin akong kwarto di ako sanay na may katabi. Up and down bahay namin pero hindi ganun kalake, nasa taas yung two rooms at sa baba naman ang mini sala,kusina at cr.
Nakatulog ata ako nang matagal at hindi kuna napansing umalis na si Brex. May bimpo akong nakita sa nuohan ko at pagkain sa lamesa na nakalagay. Siguro ginawa ni Brex ito pang sosyal ang look eh. Tinikman ko'to at ang sarap. Three nako nagising at dali dali kong ininum yung gamot ko kase oras na dapat kanina pa'to eh.
"Ay buset ano bang ginagawa mo dyan Brex! Magbihes kanga!" Napasigaw ako dahil sa sobrang gulat. Lumabas nang cr si brex ang buong akala ko umalis na siya at dito paata naligo. "Anong problema?" Tanong nang ugok! "Magbihis ka!" Sabi ko at nagmadaling takpan ang mga mata mo. "Madumi ang damit ko natalsikan nang mantika kaya pinabad ko sa tubig pangit tignan eh." Sagot niya. "Buset ka! Talsik lang nang mantika naligo kana? Wait hintayin moko dyan kukuha ako nant damit."
Nag madali akong pumasok nang kwarto para hanapan siya nang damit ko na maluwag na kakasya sa napaka laki niyang katawan. What the heck! Napakaselan! Mantika lang naman yun eh.
Iniabot ko ito nang nakatalikod. "Magbihis kana Brex! Dalian mo. Baka pati short gusto mong hiramin baka nalagyan din yan nang mantika." Sarcastic kong tanong. "No need hindi naman na lagyan." At pumasok na siya sa cr at nakahinga na ako nang maayos. Pero gosh ang laki nang katawan niya may six pack. Napailing iling ako sa iniisip ko. No! Stop it Abrgh hindi tama yan. Dumudumi na utak mo.
Ilang minuto nalang ay lumabas na siya nang CR. Oh shit! Bumabakat ang hubog nang katawan niya sa white shirt na pinahiram ko sa kanya. "Hoy Abrgh baka matunaw abs ko sa kakatitig mo" namula ako sa sinabi niya. "What? Sino? Ako tumitingin sa abs mo yak!" Sagot ko habang umiiling. Bigla niyang hinawakan ang aking noo at mas lalong tumibok nang mabilis ang making puso! Shit kalma ka lang Abrgh! "Bat namumula ka? Wala naman na lagnat mo ah." Agad agad kong inialis ang mga kamay niya sa noo ko at umupo na para kumain ulit. Kinakabahan ako sa mga nangyayare ngayon.
Nang natapos na akong kumain pumunta ako sa sala at nakita kong nakatulog itong si ugok feeling at home siya ah. Nilapitan ko siya at iniayus ko ang kanyang mga ulo at sa di inaasahan na pangyayare ay bigla niyang minulat ang kanyang mga mata. Biglang parang kung ano kaba ang naramdaman ko. Magkalapit na magkalapit na ang mukha naming dalawa at seryoso siyang nakatingin saakin. Mas lalo Kong nakita ang kagwapuhan niya yung mga mata niya namapupungay, Ilong na napaka tangos at labi na sobrang nipis. Bigla siyang nagsalita. "Maganda kanaman pala kapag malapitan." Sabi niya at agad naman akong umiwas at iniayos ko ang gulo gulo kong mga buhok atchaka tumayo nang diretso.
"Bre--brex kung inaantok kana umu--umuwi kana sa bahay niyo kanalang matulog, padating narin pamaya Maya niyan si mama."Sabi ko nang hindi tumitingin nang diretso sa mga mata niya. " Okay, magaling ka naman na. So mauna nako. Bye."
Ano itong nararamdaman ko? Ughh bakit ganito!? Lumakas ang pintig nang puso at nanginginig ako na tuwing hahawakan ako ni Brex. Nitong mga nakaraan nag bago siya.
Ughhhhh shit Abrgh ! Ayusin mo sarili mo. Ayusin mo wag mong sabihing nahuhulog kana! Oh shit!? Ano itong iniisip ko!
BINABASA MO ANG
MAYBE NEXT TIME
RomansaPaano kapag dumating ka sa punto na hindi mo alam kung sino pipiliin mo? Yung mahal mo ba na taong kadadarating lang sa buhay mo o yung kaibigan na simula pa noon ay nandyan na para sayo? Paano kung nalaman mong may sakit ang isa sa kanila at ikaw l...