Forever Exist

82 1 2
                                    

Our hearts meet each other, our love bind us together. He holds my hands and I held his hands. We fight, we stand and we work to make it stronger. We believe and we will prove that FOREVER has its EXISTENCE.

But one day, one thing changes everything. Everything has gone. The smiles, the laughter’s, being together and always spending each other’s time. We separated our ways and faces new things. We discovered a lot of things while we were not together. We realized some things.

We realized, and one day we found each other again. Our hearts meet again. But can our love to each other is strong enough to bind us together again? Does holding each others hands is enough to hold on to our love? Do we need to fight for our love? Do we need to stand and work for it again? Do we need to still believe and prove that forever still exists? Do we need to give our love a SECOND CHANCE?? Maybe, Yes! Because, FOREVER EXIST.

Ang tunay na pagmamahal ay pagbibigay ng hindi naghihintay ng anumang kapalit. At ang pagmamahal ay pagsasakripisyo at pagpaparaya. Meron ding nagmamahal na handang hamakin ang lahat ng hindi na iniisip ang kung anuman ang magiging kapalit nito at hindi mo na iisipin kung anuman ang mawawala sayo dahil handa ka na tanggapin ang magiging pagbabago sa buhay mo maipaglaban mo lang sinisigaw ng iyong puso.

Sa mundong ating ginagalawan hindi na rin lingid sa ating kaalaman na may isang klase ng relasyon na binubuo ng dalawang taong may parehong kasarian. Sa mata ng mga taong mapanghusga at kung umasta ay perpekto ito ay bawal at kasalanan na lumalabag sa kautusan ng Lumikha. Pero kailan ba naging bawal ang magmahal? Kailan ba naging isang kasalanan na mahalin ang taong piniling ibigin ng puso mo?

Sa mata naman ng mga taong may malawak na kaisipan at malalim na pang-unawa sila ang mga taong walang dahilan na humusga ng kanilang kapwa. Dahil alam nila na tulad din nila nagmamahal lang ang dalawang taong may parehong kasarian sa iisang relasyon. Sila yung mga taong marunong magmahal at umintindi.

Ang isang relasyon na binubuo ng dalawang taong may parehong kasarian ay isang patunay na lahat tayo ay pantay-pantay lamang sa mata ng Maykapal pagdating sa salitang pagmamahal. Iba’t-iba man ang paraan ng bawat tao kung paano nila maipakita o maiparamdam ang kanilang pagmamahal, tayo ay may isang hangarin na mapasaya ang taong ating minamahal. Ang mahalaga hindi mo tinatapakan ang iba kapag nagmahal ka.

Kapag nagmahal ka siguradong masasaktan ka dahil kakambal ng pagmamahal ang masaktan. Kailangan mong tumanggap at matutunan na kailangan mong masaktan upang mas tumibay ka. Kapag nasaktan ka matuto kang tumanggap at lumimot at gawin mong dahilan iyon upang mas maging matatag ka pa pagdating sa pagmamahal.

Sa mundong ito sa isang relasyon hindi lahat ng may maganda at masayang simula ay may malungkot na katapusan at hindi rin lahat ng malungkot na simula ay may magandang katapusan. Nasa sa iyo kung paano mo mapapabuti ang iyong relasyon. Nasa sa iyo kung paano mo pagtitibayin at patatagalin ng magkatuwang at nagtutulungan, ng walang takot na sumubok, ng walang pag-alinlangan at walang takot na harapin ang mga pagsubok na darating.

Nagmamahal ka, kaya maging matatag ka dahil ang pag-ibig ay mapaglaro. 

FOREVER EXISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon