Chapter Three

15 1 2
                                    

Nico

“The hardest part of moving on is forgetting. Once you’ve been hurt you always feel the pain. But it doesn’t mean it stop everything, it ended everything what you believe about in love” basa ko sa isang part ng libro na binabasa ko ngayon. Paano nga ba ako makakalimot ng hindi nasasaktan? Paano nga ba ako magsisimulang muli? Paano? Halos dalawang buwan na rin akong nasanay na wala na sya, pero bakit hanggang ngayon mahal ko pa din sya? Bakit hindi ko magawa na kalimutan na lang sya? Na kahit sinaktan at iniwan na nya laman ako ng ganon-ganon na lang, pinabayaan at tinapon ang lahat ng sa aming dalawa, hindi ko pa din nagawang magalit sa kanya at mahal na mahal ko pa din sya. Gusto ko ng makalimot!

Alex

Kanina ko pa hinihintay si Nico pero bakit wala pa sya. Hindi ba sya papasok? Tinatawagan ko naman sya sa kanyang cellphone pero hindi sya sumasagot. Kinausap kasi ako kanina ni Marvin na kung pwedi nya bang makuha ang number nya.

Nico

Dahil late na akong nagising hindi na lang ako papasok ng school. Gusto kong bigyan yung sarili ko na makapag-isip ng tama at makagawa ng mga bagay na makakatulong saken upang tuluyan na akong makalimot kay Marvin.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at binalikan ang alaala ni Marvin.

Flashback

Linggo, unang araw na magsasama na kami lang dalawa. Niyaya nya akong magsimba.Tinanong nya ako kung saan ko daw gustong magsimba. Sumagot naman ako na sa simbahan na lang ng Malolos. Nag-commute kaming dalawa. Sumakay kami ng jeep byaheng Malolos dahil dun nga kame magsisimba.

Sa loob ng simbahan habang hindi pa nagsisimula ang misa lumuhod ako at nagdasal. “TatayLord, maraming salamat po sa pagkakataong ibinigay nyo. Maraming salamat po sa pagbibigay nyo ng pagkakataon sa aming dalawa upang masubukan at pasukin ang isang relasyon. Maraming salamat po sa pagsagot sa dasal ko” pagkatapos non ay iminulat ko ang aking mga mata. Sa aking tabi sya din ay nakaluhod.

Umupo na ako at pagkatapos nya sigurong nagdasal ay umupo na rin sya.

“First time ko pa lang na makakapagsimba sa simbahan na ‘to” sabi nya.

“Talaga?” tanong ko, “dapat pala mag-wish ka” sabi ko pa.

“Ganon ba yon?”

“Oo”

Pumikit sya at, “Sana magtagal pa tayo” pagkatapos non ay iminulat nya ang kanyang mga mata at humarap saken ng nakangiti. Tapos biglang may nagsalita sa kabuuan ng simbahan senyales na magsisimula na ang misa.

End of Flashback

Muli kong iminulat ang aking mga mata. Naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko.

Dati kapag malungkot ako pinapasaya nya ako at aawitan nya pa ako ng kantang Masaya ni Bamboo. Ngayon ang taong dating nagpapasaya saken ang sya ng dahilan kung bakit ako malungkot, umiiyak at nasasaktan.

Kailangan kong tanggapin na ang lahat ay nagbago na. Wala na yung were together in one place. Sabay kaming papasok sa school, magmemeryenda, lunch at hanggang sa pag-uwi. Mamasyal sa kung saan-saan. Kaming dalawa na nagkukulitan at masaya. Nag-aaway pero inaayos namin agad. Nag-aasaran pero alam namin na mahal namin ang isa’t-isa. Wala na yung sabay kaming magsisimba, magdarasal, mangangako at mangangarap. Mangagako na hindi kami mag-iiwanan kahit ano pang mangyari.

Pero mahal ko pa din sya!

Kailangan kong maging mas matatag. Kailangan kong turuan yung sarili ko na mas malabanan pa ang lungkot na nararamdaman ko.

Date akala ko sanay ako na masaktan. Pero iba pa rin pala kapag nasasaktan ka sa kasalukuyan. Akala ko strong ako na kaya ko kahit anong klasi ng sakit pero nagkamali ako. Hindi ko naihanda ang sarili ko sa bagay na ‘to.

Pero tama ban a kalimutan ko na lang sya? O sumubok sa isa pang pagkakataon?

FOREVER EXISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon