Alex
Tapos ay lumabas din mula sa kung saan si Marvin may hawak na mikropono. Obvious na kakanta sya.
“Para sayo ‘to Best Everything Ever ko” juice colored ang ganda ng pagkakangiti nya para sa kaibigan ko. Pati tuloy ako ay kinikilig sa kanya.
Wedding Song (Davey Langit)
Ito ang araw na hinintay mo ng kaytagal
Buhat noong ika’y natutong magmahal
Nasaktan at nabigo
Lumuha at natuto
Na ang pag-ibig nga pala ay hindi isang laro
Sa milyong-milyon na tao sa mundo
Ay may nag-iisang nakalaan para sayo
Sya rin ang dahilan ba’t mga dating sininta
Ay di ipinagkaloob sayo nang tadhana
Saksi ngayon ating mga pamilya’t kaibigan
Sa harap ng ating Dios na Makapangyarihan
Dahan-dahan kang naglalakd patungo sakin
Sa saliw nitong tugtugin
Tantananan – Tantananan
Ikaw nga ang(babaing)napiling papakasalan
Tantananan – Tantananan
Aking makakasama sa magpakailanman
Ang pag-ibig ko na hinanap ko ng kaytagal
Nahanap din kita bigay sakin ng Dios na Lumikha
Tahimik lang kami habang kumakanta si Marvin. Lahat kami ay saksi sa matamis na pagmamahalan nilang dalawa. Dahil lahat yata kaming naroon ay nakangiti at masaya para sa kanilang dalawa.
Hindi na tinapos ni Marvin ang kanta dahil sinabihan sya ni Nico na tama na. Syempre masunuring boyfriend si Marvin.
Ngayon masasabi ko na handa na nga siguro silang dalawa upang ipagpatuloy ang pag-iibigan nila. Ito na siguro ang tamang oras, panahon at pagkakataon para sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
FOREVER EXIST
Teen FictionUmibig sila sa isa't-isa at sinubukang pasukin ang relasyon, relasyon na naiiba sa karamihan. Nangako sa isa't-isa na hindi mag-iiwanan ngunit nasira ang lahat dahil lang sa takot at kawalan ng lakas ng loob para ipaglaban ang pagmamahalan nila. Sa...