Nico
Two weeks mula ng magkabalikan kami ni Marvin. Bumalik yung dating samahan naming dalawa. Sabay papasok sa school, magmemeryenda, lunch at sa uwian. Text at call bago matulog kung minsan pa nga ka-chat ko pa sa facebook habang ka-text ko. Naging everyday routine namin iyon ulit. Changing sweet message kapag pareho kaming busy sa klase dahil patago kaming magte-text sa isa’t-isa. Always together and walking while holding each other hands. Parang sa amin ang mundo sa bawat araw na magkasama kame. Magpapasko na kaya napagpasyahan naming dalawa na magsimbang gabi. Mula sa unang araw ng misa ng simbang gabi. Kaya nga lang hindi namin nabuo kase pareho kaming sinumpungan ng katamaran sa paggising ng maaga at na-magnet ang likuran namin sa kanya-kanya naming higaan.
Bukas pasko na pero bago yun, magkasama kaming dalawa ngayon ng aking pinakamamahal na Best Everything Ever. Ngayon pa lang kami nag-mall para bumili ng mga damit na maisusuot namin para bukas at para na din salubungin ang bagong taon.
Pagkatapos naming mamili at mamasyal na din. Nagkayayaan na kaming umuwi dahil mamayang gabi ay magsisimba pa kami.
KINAGABIHAN
Magkakasama kami ngayon nina Alex, Mark at Marvin sa St.Peter Parish sa San Juan Apalit upang tugunan ang misa para sa pagsalubong sa kapanganakan ng anak ng ating Lumikha.
Dahil maaga pa naman para magnoche buena kasama ang kanya-kanya naming pamilya. Kina Alex muna kami tumuloy pagkatapos ng misa. Doon nagkaroon kaming apat ng oras para makapagbonding.
Ito ang pinakamasayang pasko na hindi ko makakalimutan sa buhay ko. Sana hindi ito ang huli na makasama ko sila.
“Paano ba yan kita-kita na lang tayo sa susunod na araw?” sabi ni Mark sa aming tatlo, “Merry Christmas sa inyo” sabi nya at isa isa nya kaming niyakap.
“Merry Christmas Alex” bati naman ni Marvin.
“Merry Christmas din” sagot nya.
“Merry Christmas Bestfriend” bati ko naman kay Alex.
“Merry Christmas Bestfriend, I love you”
“I love you too” sagot ko. Tapos non ay mahigpit naming niyakap ang isa’t-isa.
“Ingat kayo sa pag-uwi huh!”
“Oo” magkasabay na sagot namin ni Marvin.
Sumakay na si Marvin sa motorsiklo nya at pinaandar na nya ang makina nito. Muli kaming nagyakapan ni Alex bago kami tuluyang umalis ni Marvin.
Ilang saglit pa’y nasa tapat na ako ng aming bahay.
Bumaba na ako ng motor.
Bumaba din muna si Marvin. Mula sa bulsa nya may kinuha sya at tapos non ay kinuha nya ang kamay ko. Pagkuwa’y sinuot saken ang isang religious bracelet. Simpleng bracelet lang pero alam kong this will means everything.
“Suot mo yan, yan ang tanda ng forever ko Bee.” Sabi nya. Ako naman inikot-ikot ko ang kamay ko para pagmasdan ang bracelet.
“Thank you Bee” pasalamat ko naman.
“I love you” sabi nya at niyakap nya ako ng mahigpit, “Merry Christmas mahal ko” pagkuwa’y bati nya.
“Merry Christmas Bee” bati ko din sa kanya habang nakayakap pa sya saken. Pagkuwa’y pinakawalan nya ako mula sa pagkakayakap nya, “I love you too” sabi ko.
Then he kissed me on my forhead and again he tightly hugs me.
BINABASA MO ANG
FOREVER EXIST
Teen FictionUmibig sila sa isa't-isa at sinubukang pasukin ang relasyon, relasyon na naiiba sa karamihan. Nangako sa isa't-isa na hindi mag-iiwanan ngunit nasira ang lahat dahil lang sa takot at kawalan ng lakas ng loob para ipaglaban ang pagmamahalan nila. Sa...