Chapter Twelve

4 0 0
                                    

Nico

Ng buksan ko ang aking mga mata wala akong ibang makita kungdi kulay puti sa kabuuan ng kwarto.

“Nasan ako?” tanong ko ngunit walang sumasagot. Nakatayo ako sa isang sulok at paglingon ko. Nakita ko na nakahiga ako sa kama at may nabasa ako sa damit ng mga taong naroon na Pampanga Private Medical Center. Nasa hospital ako. Pero bakit parang hindi nila ako nakikita? Bakit parang hindi nila ako nararamdaman? Hindi ba nila alam na nandito din ako sa loob ng kwarto. Bakit ako nakahiga doon samantalang heto ako nakatayo at buhay na buhay? Anong nangyayare? Hindi ko maintindihan.

Biglang may isang sumigaw ng “Clear” sa loob ng kwarto at lahat ng mga naroon ay natataranta na. Pagkatapos ng ilang beses na sigaw ng isang naroon na “Clear” ay tumigil na sila. Pagkatapos ay nagayos na sila ng kanilang gamit.

“Anong ginagawa nyo? Heto ako! Buhay ako! Ano ba? Hindi nyo ba ako nakikita?” magkakasunod na tanong ko sa kanila ngunit ni isa walang pumansin saken.

Umiyak na lang ako ng makita ko ang sarili ko na magisa sa loob ng kwarto at nakahiga. Iniwanan na nila ako.

Sumunod ako sa kanila sa labas, at sa labas nakita ko si Mama, si Shone at si Alex. Nakangiti akong papalapit sa kanila pero bakit parang hindi nila ako nakikita? Bakit hindi nila ako pinapansin?

“Im sorry but we did everything that we can” pagsisimula ng doctor habang hawak nya ang kamay ni Mama, “Our condolences” malungkot pa nitong sabi at pagkuwa’y iniwanan na nila sina Mama.

Condolence? Anong condolence? Sinong namatay?

Sinubukan kong hawakan si Mama pero tumagos lang ako sa kanya. Maging kay Alex man at Shone. Anong nangyayare?

Pumasok sina Mama sa kwarto kung saan ako nakahigang iniwan ng mga doctor. Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad. Pero bakit walang pumapansin sa akin? Hindi ba nila ako nakikita?

Hinahanap ko si Marvin pero bakit hindi ko sya makita. Alam kong sya lang yung taong makakaramdam saken at makaka kita saken. Pero nasan sya?

Lumipas ang dalawang araw patuloy pa din ako sa paglalakbay. Hanggang sa mapagod ako naisipan kong umuwi ng aming bahay. Pagdating ko sa bahay nakita ko na maraming tao ang naroon. Lahat sila ay nakakulay puti ang damit. Sa bandang sala ng aming bahay nakita ko si Mama na umiiyak habang yakap sya ni Shone at ni Papa. Ang Papa ko nakauwi na pala galing US pero bakit hindi nila ako sinabihan? Umiiyak sila sa harapan ng isang vase.

“Anak, mahal na mahal ka namin ng Papa mo at ng kapatid mo. Sana kung nasan ka man ngayon masaya ka dahil kapiling muna si TatayLord. Sa tahanan nya anak ika’y manahan ng mahimbing at mabuhay ng mapayapa” sabi ni Mama habang umiiyak sya.

“Anak, patawarin mo si Papa kungdi sya kaagad nakauwi. Sayang bakait hindi mo ako hinintay? Bakit mo kami iniwan anak? Mahal na mahal ka ni Papa. Sana masaya ka anak kung na saan kaman ngayon. Mag-iingat ka anak” umiiyak din na sabi ni Papa.

“Kuya, diba sabi mo bibili mo pa ako ng kotse pag eighteen na ko? Tatlong taon na lang kuya, fifteen na ako ngayon. Ang sakit naman! Ikaw na nga lang yung kapatid ko iniwan mo pa ako. Mahal na mahal ka ni bunso kuya. Ingat ka huh” umiiyak din na sabi ni Shone.

Teka! Patay na ba ako?

“Bestfriend, diba sabi mo sabay pa tayong ga-graduate? Tatlong buwan na lang magtatapos na tayo. Sabi mo sabay tayong mag-aabot ng mga pangarap. Sabi mo walang iwanan? Ang daya muna man, bakit ka nang-iwan? Wala na akong makakasama nyan. Mahal na mahal kita bestfriend. I hope whever you are now, I know you will be happy and in His arms rest in peace Nico”humahagulgol na sabi ni Alex.

Ilang saglit pa’y nagsitayuan na ang mga tao. Saan sila pupunta?

Bigla pumasok sa isip ko ang buong pangyayari. Ang nangyari noong araw ng aksidente.

Si Marvin? Nasan sya? Tumakbo ako upang hanapin sya.

Pero saan ako dinadala ng mga paa ko?

FOREVER EXISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon