Marvin
Flashback
“Akala ko ba walang sukuan?” malungkot na tanong nya saken habang mahigpit nyang hawak ang mga kamay ko.
“Bee, pano?” Nahihirapan na ako!” sagot ko, “hindi ko kayang makita kang nahihirapan dahil saken.”
“Tiwala ka lang, lakasan mo lang ang loob mo, makakaya natin ‘to” sagot nya. Halata sa tono nya na pinipigilan nya ang kanyang sarili na umiyak.
“Napakaraming humahadlang sa ating dalawa. Maraming mga bagay na baka hindi ko mapaninindigan at maipapangako sayo. Masasaktan ka lang saken”
“Bakit ka magpapatalo sa mga bagay at tao na humahadlang sa pagmamahalan naten? Alam kong hindi nila tayo maiintindihan, pero hindi naman natin sila tinatapakan. Hayaan mong husgahan nila tayo dahil hindi naman nila alam ang nararamdaman natin para sa isa’t-isa. Ang mahalaga, ikaw at ako, tayong dalawa Bee.”
Halos mag-unahan sa pagdagos ang mga luha saking mga mata ng marinig ko ang mga sinabi ni Nico. Imbes na dapat ako ang lumaban para sa aming dalawa ako pa itong mahina at takot. Sya yung lumalaban kahit na hinahadlang na kaming dalawa.
End of Flashback
Us against the world but he always find ways to overcome every obstacles that our relationship faces. He fights for me. I know I have to do the same, but why I am so weak to do that? Ano nga ba ang dapat kong gawin? Mahal ko naman sya pero bakit hindi ko sya magawang ipaglaban? Ano nga ba ang dahilan? Natatakot ba ako? Hindi ko alam! Naguguluhan ako.
Naging mahina ako. Hindi ako nagpakatatag upang ipaglaban ang relasyon naming dalawa. Nagpatalo ako sa mga bagay na akala ko mas magiging masaya ako. Ngayon parang huli na ang lahat para humingi ng isa pang pagkakataon sa kanya. Masaya na sya at tuluyan ng nakalimot sa nakaraan naming dalawa.
Sya si Nico Meneses, he was the one that I know he loves me even I am imperfect. He was the one who cared for me. Sya yung taong hinayaan ko.
Pinabayaan ko at sinaktan ko!
Sya ang nagturo sa akin na magpahalaga sa mga bagay na meron ka maliit man o malaki. Ang nagbigay sa akin ng dahilan para matutunan ang mga bagay bagay sa mundo na ang lahat ay may dahilan kung bakit nangyayari. Na ang pag-ibig ay hindi isang laro, na kung nasaktan ka man sa una at sa pangalawa hindi nangangaluhugan na hindi kana magiging masaya dahil ang pag-ibig daw kahit may tamang oras para dyan dapat tama din ang panahon at pagkakataon higit sa lahat tamang tao ang iibigin mo. Na ang totoong nagmamahal ay nagbibigay at hindi nangagailangan ng anumang kapalit.
Maraming mga bagay ang naituro ni Nico sa akin sa loob ng dalawang buwan na relasyon namin.
Maraming mga bagay akong pinagsisihan ng hinayaan ko syang mawala, at kung bakit ko sya pinakawalan.
Ngayon ko lamang na-realize na sana pala lumaban ako at naging mas matatag. Sana pala ipinaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. Sana pala pinahalagahan ko ang pagmamahal nya para saken. Sana!
“Hoy!” bulyaw ni Mark saken sabay tapik pa sa balikat ko, “bakit hindi mo kasi sya lapitan?” sabi pa nya na ang tinutukoy nya ay si Nico. Kanina ko pa kasi sya pinagmamasdan mula sa di kalayuan.
“Para ano? Para guluhin ko lang sya? Para saktan ulit sya? Para ano pa?”
“Sa jeep, bus at tricycle ka lang pweding pumara, pero sa pag-ibig hindi, dahil kung hindi mo susubukan hindi mo malalaman” makahulugan nyang sabi. Nag-sync-in naman sa utak ko agad ang sinabi nya. Mokong na ‘to may alam palang ganitong mga salita! Saan nya kaya nahugot ito?
“San muna man nabasa yan?” natanong ko na lang.
“Ang tanong dyan, susubukan mo ba?”
“Gusto ko sana”
“Gawin mo pare!” sabi nya. Tsaka na nya ako iniwang mag-isa.
BINABASA MO ANG
FOREVER EXIST
Fiksi RemajaUmibig sila sa isa't-isa at sinubukang pasukin ang relasyon, relasyon na naiiba sa karamihan. Nangako sa isa't-isa na hindi mag-iiwanan ngunit nasira ang lahat dahil lang sa takot at kawalan ng lakas ng loob para ipaglaban ang pagmamahalan nila. Sa...