Kabanata 7

59 15 2
                                    

Laking gulat ni Hanna, Lino, Louise at Emman ng biglang lumabas sa isang kwarto ang isa pa nilang kaibigan na si Hundryx.

"Omggggggg" Patakbo niyang tinakbo ang kaibigan para yakapin "Buti nakaligtas ka"

Masaya silang lima dahil nakaligtas sila pero nalungkot sila ng bigla nilang naalala ang mga kaibigan na nasawai sa isang trahedya na nangyare sa kanilang lahat.

Tumayo silang lima at nagsimulang humanap ng paraan para makahanap ng rescue

"Lino, Samahan mo ko sa labas. Alam kong nasa bahay ng magasawa ang mga cellphone's natin para hindi tayo makatawag ng tulong" Wika ni Hanna kay Lino.

"Sige" Maikling sagot ni Lino at agad silang pumunta sa bahay kung saan nakatira ang magasawa.

Nang mahanap nila ang kanilang mga cellphone's sa isang box na nakalagay sa ilalim ng kanilang kama. Agad itong bumalik sa kanilang mga kasama at magsimulang tumawag ng rescue.

Mga ilang minuto lang ay dumating na ang rescue na kanina pa nila himahanap.

Hindi mapailiwanag ng lima ang kanilang nararamdaman ng marinig ang tunog ng isang ambulance. Kitang kita sa kanilang mga mukha ang saya dahil sa wakas ay may tumulong rin sa kanila.

Maraming pulis, imbestigador, reporter ang nandon upang mangalap ng mga balita. Agad namang ipinasok ang lima sa loob ng isang ambulance at inialis sa lugar.

Maraming tanong ang bulalot sa mga pulis at imbestigador nng makita nila ang mga katawan ng mga nakamatay.

Makalipas ang ilang mga oras ng makarating ang lima sa hospital na malapit. Sinuri ang kanilang kondisyon at ang katawanan.

"Kamusta kayo? May mga nararamdaman ba kayo ngayon?" Tanong ng isang doctor

Hindi nakasagot ang lima dahil sa trauma na kanilang sinapit.

"Marahil ay dulot ito ng kanilang takot sa pangyayare kaya hindi sila makasagot s aaking tanong" Wika ng doctor isa isang rescuer na tumulong sa kanila.

Agad ding nagsipuntahan ang kani kanilang mga magulang ng matanggap ang balita.

"Doc, kamusta po ang anak ko?" Tanong ng isang magulang na sobra sobra ang takot na nararamdaman.

"Ganito po mommy, magsasagawa po tayo ng counceling sa mga bata kung ano po ba talaga ang nangyare sa kanina. Sa ngayon po, hayaan po muna natin ang mga anak ninyo na makapagpahinga dahil sa trauma na dinanas nila sa trahedya sa batangas" Wika ng doctor at sabay lumabas ng kwarto.

Hindi lubos maisip ng kanilang mga magulang ang dinanas ng mga anak nila sa bakasyon sa batangas na sana dapat ay masaya lang.

Kasalukuyang nagpapahinga ang lima sa loob ng isang kwarto kasama ang kanilang mga magulang.

Makalipas ang ilang buwan. Naging mabuti na ang kanilang pakiramdam at isa isa itong pinunta sa pinaka magaling na psychiatrist para i-council ang mga magkakaibigan

Unang kinausap si Hanna.

"Relax ka lang iha ha, kwento mo sakin ang nangyare nung kayo ay nasa batanggas" tanong ng isang psychiatrist.

"Sampo po kaming magkakaibigan na nagkayayaan ng mag-bakasyon sa isang resthouse sa batanggas po. Habang nagkakaisiyahan po kami. Nagulat po kami ng makita po namin yung isa po naming kaibigan na nakahandusay sa loob ng banyo at wala ng buhay. Hindi na po namin alam ang gagawin namin 'non. Takot na takot po kaming lahat. Tapos may isa pong lalaki na pumasok sa loob ng bahay tas pinagbabaril mo yung mga kasama po namin butin nalang po ay nakatakas po ako at nakahanap ng tulong" Maiyak iyak na kinuwento ang kanilang sinapit sa batangas.

Sunod namang kinausap si Louise.

"Gaya ng sinabi ko sa naunang kaibigan mo, relax ka lang. Gusto ko lang malaman kung ano talaga ang nangyare sa inyo nung panahong nasa batangas kayo ng mga kaibigan niyo" Ani ng doctor kay Louise ng mahinahon.

At agad na ngang nag-kwento si Louise.

"Masaya naman po kaming magkakaibigan habang nagbabakasyon po sa batangas pero laking gulat po namin ng biglang pinagpapatay po yung mga kaibigan po namin. Nung una hindi po namin nakilala yung pumatay po sa kanila pero after po ng ilang oras lumabas din po yung isang lalaki sa loob ng kwarto. Takot na takot po kaming lahat dahil may hawak po itong baril sa kanyang kamay" Maikling kwento ni Louise habang binabalikan ang pangyayare. Bakas pa rin sa kang mukha ang pagkatakot dahilan kung bakit ito umiyak.

Matapos kausapin si Louise ay sunod na kinausap si Lino ng isang psychiatrist.

"Relax ka lang. Kaya kita pinapunta rito para i-kwento ang nangyare sa inyo sa batangas.

"Uhm... Nagbakasyon po kaming magkakaibigan para po sana mag-relax at magsaya. Pero laking gulat po namin ng unti unti pong pinapatay ang mga kaibigan namin ng hindi po namin alam kung sino. Sobrang gulat po namin ng biglang lumabas ang lalaki sa isang kwarto at may bitbit na picture at baril sa kanyang kamay. Dahil po sa galit nito. Pinagbabaril niya po ang ilan dalawa po naming kaibigan. Sobrang takot na takot po kaming lahat sa nangyayare. Buti nalang po at may dumating na rescue para iligtas kami" Malungkot nitong kwento ng alalahanin ang mapait na sinapit

Pang-apat na kinausap si Emman ni doctora

"Relax lang iho ha, kwento mo lang yung gusto mong ikwento" Wika ni doctora

"Magandang hapon po, doctora! Nasa batangas po kami ng mangyare ang pinakamasakit na pangyayare sa amin pong mga buhay. Nung una pong namatay si Andrea akala po namin tapos na pero may sumunod pa at may mha sumunod pa. Balot na balot po kami ng takot ng makita naming lumabas sa isang kwarto ang lalaki na siyang pumatay sa mga kaibigan po namin. Kitang kita po sa mga mata niya yung galit sa kanyang puso. Wala po kaming magawang lahat kundi pagmasdam kung paano patayin at mawalan ng buhay ang mga kaibigan po namin sa bwisit na resthouse na yan!" Galit na kwento ni doctora dahilan kung bakit ito pinakalma.

Huling kinausap si Hundryx na bakas sa mga mukha nito ang kaba at takot na pwedeng mangyare habang kinu-kwento niya ang pangyayare.

"Inhale... Exhale... Inhale... Exhale... Huwag kang matakot iho. Kung ano lang yung gusto mong i-kwento, yun lang. Ano ang nangyare sa inyo sa batangas". Mahinanong tanong ni doctora.

"Nagkakasiyahan po kaming magkakaibigan sa isang resthouse sa batangas. Pumasok po yung isa naming kaibigan para po sana'y kumuha ng yelo para sa amimg pajamas party. Nagulat po kami ng hindi na ito bumalik. Nakita na lamang po namin na nakahandusay ang isa naming kaibigan na so Andre sa loob ng banyo. After po non, may sunod pa pong nangyare, nakita naman po namin si Dean na lumulutang ang katawan niya sa ibabaw ng swimming pool. Nalason naman po si Jastine dahil sa tubig na ininom niya. Sumunod naman po si pat at jp na nabaril pero hindi ko po alam ang dahil kung bakit dahil nakatago po ako" Malungkot na kwento ni hundryx sa malagim na sinapit nila sa batangas.

Matapos silang kausapin ni Doctora. May huli siyang tinanong sa lima na iisa lamang ang kanilang mga sinagot.

"Sino yung lalaking sinasabi niyo na pumatay sa mga kaibigan niyo" huling tanong ni doctora.

"Mayroon po kasi kaming nasagasaan na isang babae sa kalsada nung papunta po kami sa resthouse. Nagulat po kami ng makita po naming wala itong malay kaya napagisipan po naming iwan ang katawan nito at pabayaan na lamang po. Dito na po namin nalaman na ang ang tatay po pala ng nasagasaan po namin ay si Tatay Sol na pumatay po sa aming mga kaibigan. Sa sobramg galit po niya kaya siya humantong sa ganoong sitwasyon" Parehas na sagot ng apat na magkakaigan kay doctora.

Matapos makausap ni doctora ang limang magkakaibigan na sina Emman, Hundryx, Hanna, Louise at Lino. Pinauwi niya ito at pinagpahinga.

Hindi lingid sa limang magkakaibigan na magkakaroon sila ng sama samang paguusap ukol sa pangyayari.

Medyo parang nabunutan sila ng tinik sa kanilang puso ng isa-isa silang nagrelease ng takot at kinuwento ang pangyayare na kanilang sinapit.

THE VENGEANCE SERIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon