Kabanata 1

111 21 33
                                    

Masayang nagsi-balikan ang mga mag-aaral mula sa kanilang maiksing bakasyon. Muli na namang magkikita-kita ang mga magkakaibigan na mahigit dalawang linggo rin hindi nagkasama-sama. Ilang araw ang lumipas ng hindi sila nagkakausap, tanging sa chat lamang.

"Long time no see mga pare" Bungad ni Lino ng makita niya ang kanyang mga kaibigan sa loob ng kanilang classroom.

"Sus! Dalawang linggo lang walang pasok. Grabe na pagkakamiss niyo sa isa't isa. Ewww!!!" Pagtataray ni Hanna ng marinig ang kanilang usapan.

"Parang mga ewan nga! Akala mo hindi pumunta sa bahay 'nung nakaraang enrollan... Mga baliw!!!" Wika naman ni Jastine kanina pa nakikinig sa kanila.

"Maaga kasing natapos yung enrollan para sa second sem 'non. Alam niyo naman diba? bonding bonding. Para masaya" Matinis na sagot naman ni Louise habang nagcecellphone.

Ilan pa lamang silang pumapasok sa kanilang classroom. Wala pa rin ang iba nilang mga kaklase dahil mga may pinuntahan pa ang mga ito at inasikaso.

Mamaya maya ay nagsipasok na rin sina Jp, Emman, Dean na galing sa computer shop matapos maglaro ng rules of survival.

"Ayyyyy,,, Bakit hindi niyo 'ko sinama? Pumunta pala kayo sa com-shop" Bulyaw ni Lino ng malaman niya na galing ang mga ito sa tnc.

"Biglaan kasi pare. Akala rin kasi namin na busy ka, kaya di ka na naman niyaya" Paliwanag naman ni Dean sa kaibigan.

"Oo nga, Akala talaga namin busy ka kaninang umaga" Dagdag ni Emman sa kanilang usapan.

Habang ang iba ay nagkakamustahan mula sa kanilang 2 weeks na bakasyon. Late namang pumasok si Hundryx, Pat at Andrea. Kaya pinasayaw ito ni Sir Bunny bilang punishment sa lahat ng malalate sa subject niya.

"Opss... dahil late kayo may punishment kayo. Anong gusto niyo, sasayaw or kakanta?" Biglang tanong ni Sir Bunny ng makitang pumapasok ang mga late sa subject niya.

Nagtawanan ang buong klase ng marinig nilang sayaw ang pinili ng mga ito. Habang sumasayaw ang tatlo, sobrang hiyang hiya ang mga ito sa kanilang pinaggagawa na agad naman silang pinaupo.

Masayang nagturo si Sir Bunny ng kanyang unang topic para sa second semester ng taon. Kitang kita ang excitement ng mga magaaral dahil sa paguumipisa ng kalahating taon. At ang iba naman ay nabuburyo dahil hindi nila gusto ang subject na kanyang tinuturo.

Nang mag-breaktime na nila. Sama samang bumaba ang magkakaibigan para bumili ng makakain sa canteen. Sobrang inis na inis sila dahil biglang tumaas ang presyo ng mga paninda. At nawala ang kanilang paboritong tindera na tinatawag nilang "Ga"

Si Lady Gaga o "Ga" ang number one na bilihan sa kanilang school. Dahil nagbebenta ito ng mga burger, footlong, fries, friend noodles, siomai rice at marami pang iba. Nakilala rin ito dahil sa bilis nitong magluto ng mga paninda. Yung tipong unang kagat mo lamang nagyeyelo pa ang gitna. Kita ng mga studyante na medyo may pagkamadumi ito dahil sa mga gamit na pakalat kalat. Pero kahit ganon pa man, dinudumog ito ng mga studyante dahil sa aliw nitong pagkatao.

"Ikaw nga nila mas masarap kumain kapag may konting bacteria."

Hindi sila gaanong bumibili ng pagkain dahil medyo nga tumaas ang presyo ng mga paninda sa kanilang canteen. Kaya naisipan na lamang nilang tumambay sa isang mahabang upuan na inihanda para sa mga studyanteng gustong tumambay sa loob ng school habang vacant.

Hindi nila napansin na napahaba pala ang kanilang usapan at hindi nila namalayan ang kanilang oras. Napansin sila ng matabang lady guard kaya naman nilapitam niya ito at sinaway para papasukin sila sa kanilang mga classroom.

THE VENGEANCE SERIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon