Kabanata 10

72 15 4
                                    

Dahil nga sa ginawang pag-amin ni Hundryx sa pagta-tryador niya sa kanyang mga kaibigan. Hinatulan ito ng pagkulong dahil nasa tamang edad naman ito.

Simula ng makapasok si Hundryx sa kulungan kung ano ano na ang nangyari sa kanya. Hndi ito makatulog, malalim ang kanyang iniisip at halos mabaliw ito sa loob ng kulangan.

"Ang bata mo pa masyado para gumawa ng kasalanan sa batas iho" Kuyta ng isang preso dahilan kung bakit natakot si Hundryx sa mga ito. "Alam mo ba ang ginagawa sa mga bagong preso dito?" Sabay sapak sa kanyang tiyan at namilipit ito sa sakin

"Huwag po, masakit po!" Hiling nito habang namimilipit sa sakit ng suntok sa kanya.

"Kulang pa 'yan para sa lahat ng pinatay mo" Isa pang suntok ang natangga nito mula sa isa pang preso.

Halos mamaga ang kanyang buong mukha dahil sa mga sapak na inabot niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya titiisin ang pananakit ng ibang preso. Basta ang alam niya ay nandito siya sa loob ng kulungan para pagbayarang ang kanyang mga kasalanan.

Mga ilang buwan rin itong nakaranas ng pananakit ng ibang preso. Hangga't magkaroon ito ng kaibigan sa loob ng kulungan.

Nakilala niya si Jade na halos kasing edad lang niya. Hindi maipinta ang kasiyahan niya ng magkaroon ito ng kaibigan sa loob ng kulungan.

"Kamusta ka?" Tanong ni Jade

"Okay naman, medjo masakit lang yung mga pasa na ginawa sakin ng mga kasama ko sa loob" Paliwanag nito habang kumakain

"Ah ganon ba? Alam mo ganyan rin yung nangyare sakin nung bago lang rin ako dito" Wika naman ni Jade sa kanya.

"Teka? Bakit ka nga pala ulit nakulong?" Marahas kong tanong sa kanya.

"Nako wag mo ng alamin, ang mahalaga ay parehas nating pinagsisihan yung mga kasalanang nagawa natin" Sagot naman nito.

"Alam mo may nagtuturo ng paggawa ng mga parol sa amin dun sa may gilid" Sabay turo kung saan "Gusto mo sama ka?"

"Sige ba. Para naman may magawa ako dito sa kulungan" Sagot naman nito.

Dahil kay Jade ay mas nakilala ni Hundryx ang kanyang sarili at natutunan niyang patawarin ang kanyang sarili sa lahat ng nagawa niyang pagkakamali.

Isang araw, masaya niyang nabalitaan na bisita siya ni Kai at Fatima sa loob ng kulungan.

"Kamusta ka na jan?" Tanong ni Kai na sobrang nagaalala sa kalagayan nito. "Napano 'yang mga pasa mo sa mukha?" Tanong pa nito.

"Huwag mong pansinin 'yan galos lang 'yan" Pagdadahilan nito. "Teka, Ano ba 'tong mga gawa niyo?

"Nagluto pala ako ng favorite mong pagpakain para kahit paano maging masaya ka naman sa kinakain mo". Malambing nitong pagkakasabi

"Alam mo, napapansin ko lang ah. Laki ng pinagbago mo rito" Pabirong sabi naman ni Fatima.

"Dito ko natutunan ang pagpapatawad. Dito ko rin natutunan ang mga bagay na magpapasaya sakin. Ngayon lang ako naging proud sa mga kapwa ko inmate kasi grabe yung sacrifice nila dito sa loob ng kulungan. Hindi biro, kaya kung bibigyan ako ng pagkakataon makalaya at makalabas muli. Hindi ko na ito sasayangin" Paliwanag ni Hundryx sa kanyang mga natutunan sa loob ng kulungan.

Samantala, Naging masaya ang apat dahil sa wakas at natapos na rin ang kanilamg problema. Naging masaya sila sa hatol ng korte na pagkakulong ng kanilang kaibigan na si Hundryx dahil bilang kabayaraan sa lahat ng ginawa nito. Pero hindi nila maiwasang maawa na makitang nagdurusa ang kanilang kaibigan sa kulungan.

"Ano ba kayo? Deserve niyang pagbarayan ang mga kasalanan niya duon sa kulungan". Sigaw ni Louise ng minsang marinig niya ang paguusap ni Hanna at Emman.

"True! Buti nga nakonsensya siya sa lahat ng ginawa niya e. Kung hindi? Habang buhay niyang bibitbitin ang kasalanan na ginawa niya sa atin lalo sa kaibigan nating namatay" Dagdag pa ni Hanna

"Jusko bhie... Kung kulang lang ang paguusapan. Kulang na kulang pa ang pagkakakulong niya sa kulungan. Dapat 'don pinapatay e. Dahil sa kanya nawala boyfriend ko!!!" Galit na galit nitong sabi

Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang nais na magbago ng kanilang kaibigan.

Sobrang laki ng kanilang galit at tingin nila ay habang buhay na itong nakaukit sa kanilang mga puso. Lalo na si Louise. Sobrang lala ng kanyang galit sa mga pangta-traydor na ginawa ni Hundryx sa kanila.

Lumapit sa kanila si Lino para pumunta sa sementeryo para ipagtirik ng kandila ang kanilang mga namayapang kaibigan. Dahil may isang araw sila kada linggo para bisitahin ang mga ito.

"Ano... Tara na? Nakabili na ako ng kandila" Pagyaya nito sa kanyang mga kaibigan.

"Tara baka gabihin pa tayo!" Pabiro ni Emman kahit tirik na tirik pa ang araw.

Habang nasa byahe sila papuntang sementeryo. May napansin si Lino na mukhang familiar sa kanyang mata.

"Teka... Mukhang nakita ko 'tong babaeng to ah! Parang familiar sa akin ang mukha. Tangina. Kamukha niya yung babaeng nasagasaan namin dati" Sigaw nito sa kanyang isip. "Hindi ako pwedeng magkamali!!! Buhay pala siya??? Tanong nito sa sarili.

Hindi siya makapaniwala sa kangyang nakita. Tulala ito sa may loob ng sasakyan at agad itong napansin ni Louise

"Hoy! Bakit parang nakakita ka ata ng multo jan? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa napansin niyang kaibigan na tulala.

Nagulat ito sa kaibigan

"Ah wala... May naisip lang ako bigla. Teka... Saan nga ba tayo pupunta...?" Utal utal nitong tanong na parang wala sa sarili.

"Sabog ka ba?" Panlolokong tanong ni Emman

"Parang tanga. Sa sementeryo pupunta, remember?" Paalalang tugon ni Hanna.

"Ah... Oo nga pala. Nakalimuta ko kasi.." Kabado nitong sagot.

"Okay ka lang ba talaga pre? Para kang nakakita ng maligno sa itsura mo!" Pangalawang beses na tinanong ni Emman.

"Oo... okay lang ako" Pilit nitong ngiti sa kanila.

"Ang plastic!" Sabay tawanan ng tatlo habang nakatingin kay Lino.

Hindi makapaniwala si Lino sa kanyang nakita dahil ang buong akala niya ay patay na si Kai mula sa aksidente. Hindi niya masabi ang kanyang nakita dahil ayaw niyang matakot ang kanyang mga kaibigan.

Hindi niya alam kung tama ba na ilihim niya ito pero para sa kanya ay mas maganda ito para hindi na dumagdag sa kanilang problema.

Masaya si Emman dahil mas lalo niyang naramdaman ang pagmamahal ng kanyang pamilya sa mga panahong ito.

Si hanna naman ay mas naging interesado sa pagbabasa ng mga mysterious book at pagbabasa ng iba't iba pang mga libro.

Si Kirsten ay mas tumibay ang loob niya mula sa kanilang pinagdaanan. Hindi alitana sa kanya na sobrang laki ng pagbabago amg nangyare sa kanya at pinagpasalamat niya ito.

Si Lino naman ay mas dumoble ang mga blessings na natanggap nito at naging sikat ma streamer ng online games.

Naging masaya ang tatlo habang si Lino ay patuloy pa ring iniisip kung paano nabuhay si Kai. Hindi nila alam na ang taong nag-traydor sa kanila ay ang taong tumulong kay mula sa aksidente.

Nang makalabas sa kulungan si Kai at Fatima bakas ang lungkot sa mga mata ni Kai ang pinagdadaanan ni Hundryx. Gusto niya itong tulungan. Gusto niyang balikan yung mga taomg sumira sa pamilya nila. Gusto niyang paghigantihan ang kanyang mga magulang. Pero hindi niya alam kung paano. Hindi niya alam kung kailan. Ang malinaw lang sa kanya ay gusto niyang gumanti para sa pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay. Naisip niyang pumasok sa parehas na paaralan ng mga kaibigan ni Hundryx. Nais niyang bumalik sa pagaaral kasabay ng kanyang paghihiganti. Kapag siya ay nakapasok sa school na iyon. Sisiguraduhin niyang pagbabayaraan ng mga ito ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang...

THE VENGEANCE SERIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon