Kabanata 8

66 16 6
                                    

Matapos ang ilang araw nang kausapin sila ng isang psychiatrist. Muling pinatawag ang limang magkakaibigan para sa sama samang testimony sa nangyare sa batangas.

Ang limang magkakaibigan ay nakaramdam ng sobrang takot. Hindi nila lubos maisip na hahantong sila sa ganitong sitwasyon. Unti unti na nilang natanggap ang pagkawala mg kanilang kaibigan ngunit isa lamang ang gustong malaman ng mga magulang ng namatay.

Ano ba talaga ang dahilan bakit sila pinatay? (Andrea, Dean, Jastine, Pat at Jp)

Nang silang lima ay sama sama na sa isang lugar. Agad silang kinausap ng mga imbestigador para sa mga karagdagang katanungan.

"Kung totoong may nasagasaan kayong babae. Nasaang ang katawan nito" Tanong ng isang imbestigador habang nakatayo sa harapan ng magkakaibigan.

Natahimik silang lima dahil hindi nila alam ang kanilang isasagot.

"Nasaan ang katawan ng sinasabi niyong babae?" Pagulit nito dahil walang sumagot.

Sa pagkakataong iyon ay nagsalita si Louise dahil sa kabang kanyang nararamdaman.

"Binalikan po ito nila Emman, Jp, Lino at Dean. Pero pagbalio daw po nila doom sa lugar kung saan iniwan ang babae. Nakita daw po nila ito at dinala sa isang malapit na hospital" Mahinang sagot ni louise habang nakayuko dahil sa sobrang kaba

Hindi maipaliwanag ng limang magkakaibigan ang kanilang nararamdaman sa mga oras na ito.

"Nasaan ang katawan niya?" Tanong ulit ng imbestigador. Nang biglang sumagot si Lino sa tanong na ito.

"Hindi po totoo ang sinabi namin na dinala namin ang katawan ng babae sa pinakamalapit na hospital" Sagot ni Lino

Dahilan kung bakit biglang magpaliwanag si Lino sa mga imbestigador.

"Ang totoo po ay hindi na po namin nabalikan ang katawan ng babae sa lugar kung saan namin siya iniwan. Dinahilan namin iyon para hindi na magisip ang aming mga kasama sa aming nasagasaan. Aksidente po ang nangyare"

Maikling paliwanag nito.

Matapos magpaliwanag ni Lino. Bakas pa rin sa kanilang mga mukha ang kaba at takot na baka tanungin kung sino ang nagda-drive ng mga panahong ito.

Ngunit

Laking gulat nila ng bigla itong marinig at tinanong ng imbestigador.

"Sino ang magddrive nung time na papunta kayo sa batangas at nakasagasa ng isang babae"

Hindi nila alam kung anong sasabihin nila. Natahimik sila ng ilang mga segundo. Walang umiimik. Wala kang maririnig na kahit ano sa loob ng kwarto maliban sa isang aircon.

Bago pa magsalita ang imvestigador naunahan ito ni Emman

"Si Lino po yung driver namin that time. Hindi po kasi siya nakatingin sa kalsada ng mangyare ang aksidente" Sagot ni Emman na halatang kabadong kabado dahil sa utal utal nitong boses

"Totoo ba yon, Lino?" Pahabol na tanong ng imbestigar.

"Opo totoo po iyon. Pero hindi rin naman po mangyayare 'yon kung hindi po kami pinasakay agad ni Hanna sa sasakyan at mag-insist na iwan ang katawan sa kalsada" Pagsisi nito sa kaibigan

"Totoo ba ang binibintang sa iyo ng kaibigan mo?" Tanong kay Hanna

"Hindi po" Maikling sagot nito.

Hindi malaman ng imbestigador ang totoong pangyayare dahil sa pagisisihan ng mga magkakaibigan. Dala ng pagsisihan nila ng magkataasan sila ng mga boses sa isa't isa.

THE VENGEANCE SERIES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon