Chapter IV - Facsimile

22 4 1
                                        

R-18, PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. YOU HAVE BEEN WARNED!!!

"N-nasasaktan... A-ako, Brie... Bakit mo ito g-ginagawa?" Nanghihinang tanong ni Nelia sa anak na patuloy sa paglaslas ng kanyang balat. Umaagos ang dugo mula sa kanyang sugat at batid niyang ilang sandali na lang ang kanyang itatagal.

Ngunit umaasa si Nelia na magliwanagan ang anak at itigil nito ang pananakit sa kanya.

"A-ano ba ang k-kasalanan ko?" Unti-unting nang namamaos ang boses ni Nelia. Sinubukan niyang kalagin ang taling nakagapos sa kanyang mga kamay ngunit dala nang panghihina ay hindi niya magawa. Wala siyang magawa upang takasan ang kahindik-hindik na karanasan.

"Marami," puno nang hinanakit na sagot ni Brie sa kanyang Ina, dahilan upang maluha si Nelia. Bumalik sa isipan niya ang pananakit na ginawa sa anak, ang kapabayaan niya at ang pagkakait niya nang pagmamahal.

Ito ba ang ganti sa lahat ng iyon? Tanong na umukit sa isipan ni Nelia.

Ngumiti siya sa anak kahit hindi nito nakikita. Nagsisisi man ay huli na sapagkat napuno nang poot ang dibdib ni Brie.

"K-kung ito ang p-parusa... sa ginawa ko sayo, b-buong puso kong tatanggapin. M-makabawi manlang... ako sa iyo a-anak ko." Dahil sa binitawang salita ay natigilan si Brie. Tinitigan niya ang naghihingalong si Nelia.

Wala pa ring emosyon ang mga mata niya ngunit may kakaiba siyang nararamdaman sa kailaliman ng kanyang puso.

"I-ikaw pa rin 'yan, Brie."

Nabitawan niya ang hawak na kutsilyo, nanginginig siyang napaatras at pinagmasdan ang duguang palad.

"M-mahal kita, B-brie..." Huling sambit ni Nelia bago ito mawalan ng buhay.

Nakatulala si Brie dahil sa nangyari. Ngunit nagulantang siya dahil sa isang malakas na sigaw.

Nilingon niya kung saan iyon nanggagaling, mula sa kapitbahay nilang si Ella. Nanginginig ito dahil sa nasaksihan, namumutla ang mga pisngi habang nanlalaki ang mata at nakaturo pa sa bangkay ni Nelia.

"P-p-pinatay mo..." Hindi matapos ni Ella ang nais na sabihin dahil sa pagka-utal. Kinakabahan ang dalaga at natatakot. Gustong tumakbo ni Ella palabas, palayo sa kababatang si Brie ngunit hindi niya magawa. Napako siya sa kanyang kinatatayuan.

Yumuko si Brie upang kunin ang nabitawang kutsilyo. Pinulot niya 'yon saka tinitigan si Ella. Marahan siyang naglakad habang ang dalaga nama'y umaatras.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw niyang puno ng pagbabanta. Ngunit bingi si Brie, hindi niya pinakinggan si Ella. Gusto niyang paslangin ang dalaga upang walang makaalam na siya ang pumaslang sa Ina't kapatid. Walang dapat makaalam sa krimeng kanyang ginawa.

"Huwag kang lalapit sa akin, Brie!" Nagtatapang-tapangan niyang sigaw. Habang umaatras ay napansin niya ang lumang paso sa altar. Mabilis niya 'yong dinampot at itinapon kay Brie ng walang pag-aalinlan. Umilag si Brie ngunit nadaplisan ang kanyang braso kaya naglikha iyon ng sugat. Tumulo ang dugo mula sa braso niya pababa sa kanyang kamay at daliri, ang dugo ay pumapatak sa sahig.

Patuloy siya sa paghakbang palapit sa kababata hanggang sa matigilan si Ella. Nabunggo ang likod niya sa isang nilalang.

Mabilis niyang ibinaling ang tingin sa likuran at gano'n na lamang ang gulat niya nang makita ang wangis ng kaibigan.

Ibinalik niya ang tingin kay Brie na nasa harapan niya at muling tiningnan ang nasa likuran niya.

"S-sino ka?" Nahintatakutang tanong niya. Sino sa kanila ang totoong Brie?

"Ako si Brie," magkapanabay na sagot ng dalawa. Halos mabaliw na si Ella dahil sa kanyang nasasaksihan. Pakiramdam niya'y mababaliw siya.

Palihim niyang tiningnan ang mukha ng dalawa. Parehong-pareho, pati ang paraan ng pagtingin nito ang tangkad at ang galaw. Kaya hindi niya masabi kung sino ang totoo at sino ang nagkukunwari.

Dahil napuno nang pala-isipan ang utak ay hindi niya namalayang nakarating sa harapan niya si Brie. Huli na para makasigaw pa siya't humingi nang saklolo sapagkat nasaksak na siya ng kaibigan.

Magkasabay na bumaon ang hawak na kutsilyo ni Brie at nang nangkukunwaring si Brie. Nanlabo ang mata ni Ella habang nanghihinang napaluhod. Sinaksak siyang muli sa leeg na dahilan upang siya ay tuluyang mapaslang. Bumagsak ang walang buhay niyang katawan sa sahig habang mulat ang mga mata.

"Masaya ka ba?" Para akong nagising sa isang panaginip nang marinig ang tanong na iyon. Huminga ako nang malalim at inaninag kung sino ang nasa aking harapan.

Nakita ko ang isang nilalang na kamukha ko. Mula sa tindig, ang lungkot sa mata at ang pilit na ngiti. Parang ako, nakaharap ba ako sa salamin?

"Ako si Brie," mahinang sabi niya. Mabilis akong umiling paanong magiging siya ako?

"Ako si Brie, ang totoong Brie." Ngumisi siya saka nagbalik sa bago niyang anyo. Binitawan niya ang hawak na kutsilyo, binato ko naman ang hawak kong kutsilyo, hindi ko alam kung bakit may hawak akong patalim.

"Sino ka at saan ka galing? Bakit magkapareho tayo ng wangis?"

Naglakad siya pabalik sa tabi ng aking Ina. Gulat akong napatingin kay Nanay, nagkalat ang dugo sa kanyang higaan, puno ng sugat ang kanyang katawan at bakas sa mukha niya ang matinding paghihirap bago mamatay.

"Anong ginawa mo?!" Galit kong sigaw saka siya itinulak. Nilapitan ko ang aking Ina saka niyakap. Pumatak ang masaganang luhang nagmumula sa aking mata.

"Ikaw ang pumaslang sa kanya."

Mariin akong umiling. Hindi totoo ang kanyang sinambit, hindi ko magagawang paslangin ang aking Ina. Paano ko magagawang paslangin siya kung siya lang ang tanging nagpapasaya sa akin.

"Pinaslang mo siya, ikaw ang pumatay sa kanya."

"Umalis ka na! Hindi kita kailangan!" Tinulak ko siya ngunit hindi siya natinag.

"Ikaw ang lumikha sa akin. Nagmula ako sa iyong isipan. Iisa lang tayo, kaya hindi kita iiwan. Sasamahan kita. Walang sinuman ang makakapanakit pa sa iyo."

Umiling muli si Brie. Impossible ang sinasabi niya. Hindi totoo ang lahat ng ito, kathang-isip lang lahat. Gusto ko nang magising mula sa bangungot na ito. Ayoko na!

"Masaya ka ba?" Muling tanong niya, umiling ako. Ayoko na, itigil na natin ang ilusyong ito.

"Isa ka lang aparisyon, hindi ka totoo!"

"Papaslangin ko ang sinumang manakit sa iyo. Hindi ko hahayaang muli mong maramdaman ang karahasan."

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hindi totoo ang lahat na ito. Imposible...

Tumakbo ako sa labas ng silid at pinulot ang kutsilyo. Mabilis kong sinaksak ang aking sarili, ilang beses kong inulit hanggang sa mapaluhod ako dahil sa sobrang sakit.

Gano'n din siya, napaluhod siya habang hawak ang kanyang tiyan na nagdurugo. Sabay na tumulo ang luha naming dalawa hanggang sa tuluyan akong matumba at mawalan ng malay.

PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon