Chapter II - Illusion

35 6 18
                                        

R-18, PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.
YOU HAVE BEEN WARNED!

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa lalaking kasama ko. Napansin kong kanina pa kami naglalakad ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin namin nararating ang bukana ng gubat. Pakiramdam ko nga'y paikot-ikot lang kami.

"Malapit na lang," mahinang sagot niya. Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Kahit naiinip na'y nagtiyaga ako. Hindi nga dapat ako nagrereklamo dahil tinutulungan niya akong bumalik sa bayan.

Bakit ba kasi ako naligaw? Sa pagkaka-alala ko'y patungo sa ilog ang tinakbuhan kong direksyon, ngunit bakit naging gubat?

"Masaya ka ba?" Natigilan ako dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Dapat ko bang sabihin ang totoo? O dapat akong magsinungaling?

"Alam kong hindi ka masaya. Kaya ka narito," makahulugang sabi niya. Kunot-noong tinitigan ko siya, pumihit ang lalaki paharap sa akin. Mas lalong tumingkad ang kulay ng mga mata niya. Para akong nahihipnotismo.

"Gusto mo bang sumaya?" Nakangiti niyang tanong. Mabilis kong itinango ang aking ulo. Oo, gusto kong sumaya, gusto kong maranasan na kinakalinga, inaalagan at binibigyan ng importansya.

Gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng aking ina't kapatid. Gusto kong i-trato ako nang maayos ng aking mga kaklase at guro, at lahat ay gagawin ko makamit ko lang ang kaligayahan na hinahangad ko.

"Pumapayag ka bang alisin ko ang lahat ng lungkot at hinanakit na nararamdaman mo?" Muling tanong niya sa'kin. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Oo, nais kong sumaya kaya papayag akong alisin mo lahat nang negatibong emosyon sa puso't-isipan ko."

Nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako palapit sa kanya saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Tumingin ka sa mga mata ko," utos niya. Sinunod ko ang kanyang sinabi, tiningnan ko ang mata niya at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot.

Sumilay ang nakakatakot na ngisi sa kanyang labi, napakurap ako at hindi ko inaasahan ang aking nakita.

Ang mata niya'y naging kulay itim. Para akong nakatitig sa kawalan at pakiramdam ko'y hinihigop ang aking kaluluwa. Unti-unting lumabas ang itim na ugat sa kanyang leeg, gumagapang patungo sa kanyang mukha hanggang sa lumabas ang ilang parte sa kanyang ulo. At tila tinutunaw ang kanyang balat.

"B-b-itiwan mo 'ko!" Nahintatakutang sigaw ko. Pilit kong inaalis ang palad niyang nakahawak sa pisngi ko ngunit hindi ko matanggal.

"Tingnan mo ang aking mata," sabi niya. Nanindig ang aking balahibo, ang boses niya'y parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. 

"Nakipagsundo ka sa akin."

"A-alis na k-ko!" Malakas ko siyang itinulak palayo. Nakawala ako mula sa kanyang pagkakahawak kaya tumakbo ako palayo sa kanya.

Bakit agad akong nagtiwala sa kanya? Kinakabahang tanong ko sa aking isipan. Mas binilisan ko pa ang pagkakatakbo hanggang sa kusang huminto ang aking mga paa. Umiikot ang aking paningin at unti-unting bumalik sa isipan ko ang lahat ng pinagdaanan ko.

Kung paano ako maltratuhin ng aking ina. Kung paano ako inabuso ng kapatid ko at nilait ng ibang tao. Lahat ng iyon ay bumalik sa aking isipan ngunit nagbago ang lahat.

Nakita kong inaasikaso ako ni nanay, inaalagaan ako ng kapatid ko, nakikipagtawanan ako sa aking mga kaklase at ako ang paborito ng aking guro. Napalitan ng masasayang alaala ang lahat ng karahasang nangyari sa akin.

"Masaya ka ba?" Isang tanong na nagmumula sa kung saan. Masaya akong tumango, masaya na ako rito.

NAKANGITI si Brie sa kalagitnaan ng isang misteryosong gubat. Wala siyang kaalam-alam na pinaglalaruan siya ng elementong nagbabantay.

Ang elemento ay ang siyang kumukuha sa mga taong pinagkaitan ng kasiyahan. Gumagawa siya ng isang ilusyon kung saan niya makokontrol ang isipan ng kanyang biktima upang maramdaman ng mga ito kung paano sumaya.

Umupo ang elemento sa tabi ni Brie, nakangiti niyang pinagmasdan ang tumatawang dalaga. Ilang saglit ay nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang pumatak na luha sa mata ni Brie. 

Nag-iba ang anyo ng elemento. Ginaya niya ang wangis ni Brie, ang masasamang alaala ni Brie ay kinuha niya. Tinago niya ang dalaga sa abandonadong parke kasama ng ilang taong nakuha niya. Lahat ng mga ito ay tulala dahil malayo sa realidad, sapagkat ang kanilang isip ay puno ng imahinasyon kung saan sila ay maligaya.

Matapos niyang iwan si Brie ay naglakad siya paalis sa misteryosong lugar. Nagtungo siya sa bayan, sa lugar kung saan naroon ang pamilya ni Brie.

"HINDI mo pa rin nakikita ang kapatid mo?! Tatlong araw na siyang hindi umuuwi!" Sigaw ng Ginang habang humihithit ng sigarilyo. Kaharap niya ang kasamahan niya sa sugal na nakatitig lang sa kanilang mag-inang nagsisigawan.

"Baka nagtanan ang malandi mong anak," barumbadong sagot niya sa Ina. Naiinis na hinarap ng Ginang ang binata at binatukan ito.

"Hanapin mo ang kapatid mo! Wala na akong pera!"

Napangiwi ang lalaki bago umalis ngunit natigilan siya nang makabalik sa kanilang tahanan. Naroon si Brie at abalang nagluluto, nakasuot ito ng maikling short at maluwag na pang-itaas. Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan habang pinagmamasdan ang dibdib ng kapatid.

Marahan siyang naglakad at hinawakan ang pwetan ni Brie. Nagtaka siya dahil hindi manlang ito pumalag. Ngunit mabuti nga 'yon para makuha na niya ang kanyang nais.

Tumigil si Brie sa paghahalo ng niluluto at humarap sa kapatid. Ngumiti siya nang matamis saka hinaplos ang dibdib ng binata.

"Sabi ko na nga ba't gusto mo rin," nakangisi niyang saad. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi habang pinagmamasdan ang mukha ni Brie.

Naglakad ang dalaga palapit sa lababo at sumandal. Para namang asong nauulol ang kapatid dahil sunod lang ito nang sunod sa kanya. Mukhang hindi nakatiis ang lalaki dahil hinila niya si Brie at pinaghahalikan ang leeg nito habang gigil na gigil na hawak ang dibdib ng dalaga.

Hinayaan ni Brie ang kapatid na gawin ang ninanais nito, isang matamis na ngiti ang kanyang ibinigay habang ang kulay ng kanyang mata ay unti-unting nagiging itim. Palihim niyang kinuha ang kutsilyo sa pinaglalagyan na baso at walang pag-aalinlangang sinaksak ang likod ng kapatid.

"Ack! A-anong..." Hindi makapaniwalang tanong niya. Nakatitig siya sa kay Brie, walang emosyon ang mga mata nito habang humahakbang palapit sa kanya. Siya nama'y umaatras dahil sa takot.

Tinaas niya ang kamay na may hawak na kutsilyo at akmang sasaksakin ang kapatid ngunit mabilis itong nakaiwas. Gumigewang itong tumakbo palabas.

Hindi niya hinayaang makaalis ang binata. Hinablot niya ang buhok nito saka malakas na hinila at basta na lamang itinulak sa tagpi-tagping sahig.

"B-brie... B-itiwan m-mo ako, p-p-paki-usap," naiiyak niyang pagmamaka-awa ngunit bingi ang kapatid. Hindi na siya nakapagsalita nang ilublob ni Brie ang kanyang ulo sa loob ng kalderong may kumukulong tubig. Nangisay ang katawan niya hanggang sa hindi na siya makagalaw.

PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon