Chapter 3-Meeting him.

5 0 0
                                    

Sunday na ngayon. Actually,magsisimba ako. Hahaha. Good girl kaya ako 'no ;) And actually,mag-isa lang ako ngayon. Ayaw sumama nung kapatid kong baliw sakin. Ehdi 'wag pilitin ang ayaw =_=

Nagulat ako ng may mga tumabi sakin. Ang iingay. Tssss. Alam ba nila na simbahan 'to?? ~~.

At lalo akong nagulat ng may kumausap sakin. "Teka,schoolmate ka namin diba??" Pagtingin ko dun sa mga katabi ko… Silaaaaaa?? O.o anyare sa earth?????! 

"Uuhm. Miss???" Teka. Ako ba talaga kinakausap nyan?? Aaay tanga. Malamang. Ikaw lang ata katabi nilang babae =__=

"A-aah. Oo…" aaaish. Kailangan mag-stammer?? Biglang ngumiti yung lalaking matangkad. "Sabi na eeh. Parati kasi kitang nakikita :)" Sabay abot ng kamay nya "Patrick pala… Uuhm,teka sila yung mga barkada ko. Si Dwayne," yung naka-blue na kumaway sakin at nag-smile "Si Jake," naka-white naman sya at kumaway din sakin. "At si Nathan." Sabay turo dun sa lalaking nakaupo sa dulo at nakatingin sa isang magandang babae na nakatayo sa labas ng simbahan. Pambihira. Sabi na nga ba't mahilig sa chics 'to eeh hindi na nakakapagtaka -.-

"Ikaw,anong pangalan mo?" Sabay smile nya ulet. 'Nubayaaan. Ang ganda naman ng smile nya. Haha. Akala ko kasi mayayabang sila. Pero totoo naman eeh >.< Pero mababait din sila. Maliban dun sa isa.

"Eithan :)" ayan nakakahawa smile nya at nag-shakehands kami. "Naaks. Ang ganda naman ng pangalan mo. Kasing ganda mo :D" pasingit na sabi nung Jake. Owkaaaay. Ano yun?? ~~.

At nagsimula na ang misa. Ama namin na at nahihiya kong itinaas yung kamay ko at hinawakan naman nung katabi ko. Waaaaah. Nakakahiya >3< Aish. Ano ba 'to?? Dapat walang malisya Eithan! Ambisyosa mo masyado eeh.

Pauwi na ako ng marinig ko si Patrick na tinawag ako. Hahaha. Ohaaa! F.C aki masyado XD

"Baket??" Sabay tingin sakanya. At nakikita ko ang mga curious na mata nung tatlo >.<

"Uhmm. May kasama ka pag-uwi??" Parang nahihiya nyang tanong. Ang cute nya :"> Aish. Nahahawa na ako sa ibaaaaa >.<

"Aaaah. Hehe. Wala. Malapit lang naman ang bahay namin. Bakit?" Curious ko ding tanong kagaya nung tatlo sa likod nya. "A-aaah. Ganun ba?? Haha. Wala naman. Sige,ingat ka nalang. Kita tayo sa school bukas :)"

"Sige. Kayo din. Ingat" tapos tumalikod na ako. Hindi pa ako nakakalayo pero narinig ko na may nagtanong sakanya, "type mo yun??" Aaaay sheeet. Anu daaaaaw?! O.o At nagsihiyawan sila. Waaaaaaah >.< Ano yun????

**monday morning.

"Good morning sunshine!" Bati ko sa mga classmates ko. Nagsitinginan naman sila sakin na parang ang wierdo ko ngayon =_= Sabi ko nga,hindi ko nalang sila ige-greet every morning. Nakakaloka sila >3<

"Uuy,anong meron at mukhang ang saya saya mo??" Tanong ni Denisse na kasama sina Rachelle,Vickie,Joy,Zipporah at Claire. Sila yung mga barkada ko dito sa school.

"Wala naman... bawal na ba mag-greet sainyo??" ~~. Graaaaabe. Big deal ba yun?? -____________- Nag-shrug lang sila at nagsi-upuan na kasi nandito na si ma'am. Terror kasi kaya dapat mababait kami sa kanya. Haha  :D

Lunch break na. At tuwing lunch,hindi ako umuuwi samin. Sayang kaya ng pamasahe 'no. Haha. Hindi naman kami mayaman eeh -.- Yung 6 kasi,parati akong iniiwan kasi nagsisiuwian sila every lunch. Nagulat ako ng may tumapik ng balikat ko. Yung totoo,nagiging magugulatin ako lately. Babawasan ko na nga ang pagkakape >.<

"Hi Eithan :)" Tekaaaaa. Si Nathan?? Kinakausap nya ba ako o sadyang assuming lang ako??? O.o tumingin ako sa kanan at kaliwa. Tangee. Wala pala akong ibang katabi =.=

"Uuuh. Hi??" Close ba kami?? Takte. Ayokong lumalapit sya sakin. Kasi mukhang gusto na ako ilibing ng buhay ng mga babae dito. Aaaaish! Sige! Sainyo na. Pakain ko pa sainyo ito eeh -____________-

"Pwedeng patabi?? :)" ngiting ngiti sya. Aba. Wa epek sakin charms mo 'tol -____- "Sige lang." Yun nalang nasabi ko. Kumakain kami ng tahimik ng bigla syang nagtanong, "Magka-subdvision pala tayo? Anong street kayo??" Sunod-sunod na tanong nya sakin.

"Aaah. Sa diamond kami. Ikaw ba??"

"Sa Topaz lang kami. Kaming apat nina Patrick :)"

"Ganun?? Haha. Mukhang bff's kayo aah" sabi ko ng tumatawa. Haha. Ang cute lang kasi nila. Bihira lang ako maka-encounter  ng ganun :D

Natahimik sya na pinagtaka ko kaya tumingin ako sakanya. At nagulat sya nung napatingin ako sakanya. "Ha-ha. O-oo eeh. It sounds gay but it's true. Mabe-bestfriends din kasi ang mga nanay namin. Hahaha :D"

And this time. Ako naman ang natulala sakanya. May bigla akong naalala sa tawa at ngiti nya... Hindi kaya....

A/N: Heeep! Pabitin muna. Haha :D please,pa-recomend sa iba mga kaibigan :) Maraming thanks thanks!

Ako nalang kasi...Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang