Zeus P.O.V
" Nakakahiya naman yung ginawa niya Winter." Sambit ni Eya, kinwento ko kasi sa kanya ang nangyari kanina sa CR.
" Omsim Summer, gusto ko na ngang lamunin ng lupa eh. Pero napakabait pa rin ni Ate Ella, nag wish pa rin siya ng Ingat samen. " Sambit ko
Nagulat ako nang may tumabi saken na nakahoodie ng red.
" A-Ate Gabb? Anong ginagawa mo dito?." Pagkagulat ko, nako mambabadtrip na naman toh.
" Samahan ko daw kayo, sabay na daw tayo umuwi, no choice ako napag-utusan lang." Sambit niya na nakayuko at nakatakip ng hoodie
" Okay lang naman po, susunduin naman po kami ng President ng Fansclub po." Sambit ni Eya
" Oo nga Ate Gabb, Baka ma bad trip ka lang dito." Sambit ko
" At ako naman ang pagagalitan? Hayaan nyo na, titiisin ko nalang." Sambit niya, haaay Sana di nalang kami nagkasalubong sa CR eh. Daot naman tung pinsan ko, Date din sana namin ito ni Eya eh.
Gabb's P.O.V
Hindi naman talaga ako inutusan, nagkusang loob ako dahil gusto ko ulit siya matanaw. Wala nabihag mo talaga ako Ella Mae. Di nagtagal ay nagsimula na sila magperform, pasulyap sulyap lang ako dahil mahirap na, mahalata pa ng pinsan ko na gustong gusto ko manood. Grabe napakaganda ni Ella, at napakagaling din niya sumayaw at kumanta, binabawi ko na ang pinagsasabi ko sa grupong toh, magagaling pala sila, at ngayon lang ako nakapagfocus sa mga tugtog nila na talagang swak pakinggan. Di ko maalis ang tingin ko kay Ella, simple siya pero kakaiba ang angkin niyang ganda, lalo na pag ngumiti siya mistulang nakakakita ako ng mga lumulutang na puso sa paligid ko. Lakas na agad ng tama ko sa babaeng toh.
Pagkatapos ng Mall Show ay nagpaalam na sila, haaay kelan kaya kita makikita ulit Aking Dyosa? Babae ako Ella pero iba na yata tama ko sayo. Nasa Jobee na kami ngayon kasami ang pinsan ko at ang kaibigan niyang si Eya.
" Ate Gabb, okay lang po kayo?." Pagtatanong ni Eya saken
" Oo ayos lang ako, kayo ba?." Sambit ko
" Okay na okay po Ate, ang ganda ng mga kuha nating pics Summer." Sambit ng pinsan ko
" Mabuti naman." Sambit ko at kumain ulit ng spaghetti
" Ate Gabb, bakit po ayaw nyo sa D'Celestials?." Natigilan ako dahil biglang nagtanong ng ganun si Eya
" Uhm, actually nang marinig ko sila ngayon, not bad naman pala, but still I don't stan them." Ayokong sabihin agad na gusto ko na yung grupo lalong lalo na ang aking Dyosa na si Ella.
" You'll slowly love them Ate pag mas nakilala mo sila." Sambit ni Zeus, ngayon pa nga lang mistulang nagayuma na ako ng isa sa members eh.
" I'm not closing my doors naman. After all not bad naman pala ang mga songs at talents nila." Sambit ko
Napansin kong ngumiti ang dalawa, mukhang mas kailangan kong maging malapit sa mga to nang sa ganun ay mapalapit din ako sa aking Dyosa.
" WAAAAH! ANG SWEET NG GIAPHANT!." Napalingon ako sa biglang pagtili ni Eya habang may tintignan sa phone niya
" Oo nga, parang may something eh " sambit ni Zeus
" Anong GiaPhant? Wag nyong sabihing? May iba pa kayong idols?." Sambit ko
" Ayy hindi po Ate Gabb, ship po ang GiaPhant, Member po sila ng D'Celestials, si Ate Gia at Ate Ella Mae po." Sambit ni Frances
" May ka ship si Ella?." Napansin kong nabigla sila sa biglaang pagtaas ng boses ko
BINABASA MO ANG
LOVE BAN
Fanfiction" LOVE BAN? O IPAGLALABAN?? " Gabrielle Skribikin is a Basher turned Avid Fan, Who does everything just to keep track of her Idol and Crush Ella Mae Amat, who is a member of the famous girl group D'Celestials, which also is tied up with a Golden...