Gabb's POV
Kakauwi ko lang from Canada, naisipan ko kasi munang manatili dun ng isang buwan. Ngunit umuwi ako agad dahil andito naman yung puntod ng anak ko at ng pinakamamahal kong si Ella. Galing ako sa semeteryo, iisa lang ang sementeryo ng anak ko at ni Ella, sinadya ko yun para mabisita ko sila lagi. Napadaan ako sa dating bahay nina Ella, pinark ko ang kotse ko at bumaba, tinititigan ko ang bahay. Umaasa akong may imahe ng Aking Dyosa ko akong matatanaw, at tatakbo palapit saken. Naramdaman ko nalang na bumagsak na naman yung mga luha ko, I miss you so much Akin. If only I could turn back time.
" Aba'y andito ka na naman pala." Napatingin ako at si Manong yun, ang nagsabi saken noon sa sinapit ng Ella ko
" Magandang Hapon ho Manong. Napadaan lang po." Sambit ko
" Namimiss mo si Ella?." Sambit niya, napatingin ako sa kanya at hindi ko napigilang maiyak.
" Sobra po, sobrang miss na miss." Sambit ko at nag sad smile
" Bakit mo siya namimiss?." Pagtatanong ni Manong , napaupo ako sa isang bench at tumabi naman siya saken
" Mahal ko yun eh, sobrang mahal na mahal ko yun. Kaso napakagago ko, Ang gago gago ko para bitawan siya ng paulit ulit." Bumuhos na naman ako ng iyak
" Mahal mo pala, bakit mo binitawan? Hindi ba dapar pinaglalaban pag nagmamahalan?." Sambit ni Manong
" Yun na nga po eh, kung maaari ko lang maibalik ang pag-ikot ng mundo, pinaglaban ko na siya simula pa nung una." Sambit ko
" Iha, walang pagsubok ang hindi kayang lampasan ng tunay na pagmamahalan, mas higit pa ito sa ano mang kapangyarihan. Kumapit ka ulit at magtiwala sa pagmamahal mo sa kanya, Minsan may nakatagong Magic ang Love." Sambit ni Manong at ngumiti
" Sana nga po Manong, sana may magic talaga. Wala akong ibang hangad kundi ang makapiling ko siya ulit, at pinapangako kong Hinding hindi ko na siya kailanman bibitawan." Sambit ko
" Nasa puso ng dalawang nagmamahalan ang tunay na magic. Magtiwala ka lang." Sambit ni Manong at tumayo
" Salamat Ho, Manong ha?." Sambit ko
" O sya, ako'y mauna na at may gagawin pa ako. Mag-iingat ka, at May bagong pintong muli mong bubuksan, wag kang mawalan ng pag-asang muling sasaya ang puso mo. Adios Iha!." Sambit niya at naglakad na pauwi
" Ingat ho kayo Tatang." Sambit ko at kinawayan siya, habang naglalakad pauwi sa kanila.
Mie's POV
" Atee anong nangyari kay Atee Rai?." Sambit ni Eya na lumapit saken
" Bigla siyang nawalan ng malay kanina eh, nagdedecorate lang naman kami ng mga Christmas Decors sa bahay." Sambit ko
" Naku, Bakit kaya siya nagkakaganon?." Pagtatanong ni Eya
" Kalma ka lang Mars, magiging maayos din si Mars Chinita." Sambit ni Shiki
" Wala ka bang napansin na ibang symptoms sa kanya bago siya himatayin Atee?." Pagtatanong ni Kuys Jace
" Kagabi, medyo masama daw pakiramdam niya para siyang lalagnatin, kaya maaga siya natulog. Then kaninang umaga, suka siya ng suka. Tas ang nakakapagtataka yung paboritong paborito niyang Carbonara, nandidiri na siya, ayaw daw niya sa amoy." Sambit ko
" Nag IVF na ba kayo, Atee?." Pagtatanong ni Eya
" Uhm yup, 3 weeks ago lang yun ininsert sa kanya eh, di nga namin...sandali teka lang.."
" Oo Mars! Hahahaha Success ang IVF!." Sambit ni Shiki
Lumabas bigla ang Doctor at lumapit samen.
BINABASA MO ANG
LOVE BAN
Fanfic" LOVE BAN? O IPAGLALABAN?? " Gabrielle Skribikin is a Basher turned Avid Fan, Who does everything just to keep track of her Idol and Crush Ella Mae Amat, who is a member of the famous girl group D'Celestials, which also is tied up with a Golden...