January 13, 2015

1 0 0
                                    

Buong araw kasama ko lang ang mga kaibigan ko..

Pinapatawa ko sila hanggang kaya ko..

Binibigyan ko sila ng strength na meron ako para sa araw na to..

Meron akong isang kaibigan na kung saan sakin siya lumapit at nagsabi na may problema siya..

At bilang isang kaibigan, niramayan ko siya..

Di ko siya iniwan buong araw, di ko siya hinayaan na manahimik at makapag isip ng mga bagay bagay..

Sinasabihan ko rin siya ng mga encouraging words para naman maisip niya na tama na..

Pero dahil hindi ko naman hawak ang puso't isip niya, umiyak pa rin siya..

Nasasaktan ako na makita na ang kaibigan ko umiyak at wala akong magawa para di na talaga siya tuluyang umiyak..

Hinayaan ko siyang matulog sa klase para naman makapagpahinga siya..

Tapos kapag nakikita ko natutulala siya, nilalapitan ko at kinakausap..

Kinukwentuhan ng mga non sense things, mabalik lang siya sa realidad ulit..

Then dumating naman yung part na bestfriend ko naman ang umiyak dahil sa nag away sila ng boyfriend niya..

Nilapitan ko rin siya at ni-pat lang siya.. Kasi alam ko magiging okay din sila..

Sila pa ba?? Kaya nila yan.. ^_^

At eto naman ang akin.. HahahaXD

Akala ko OK ako kahit lagi akong nakangiti..

Akala ko masaya ako tuwing nagpapasaya ako ng ibang tao..

Di ko maloko ang sarili ko at di ko mapigilang di umiyak..

Nagparamdam siya sa akin, umamin, at naging ok naman yung deal namin for almost a month..

Pero dahil walang sikretong di nabubunyag, ayun nalaman ng din ng parents ko at nagdecide ako..

Ilang araw ako di nagtext sa kanya para makapag isip ako..

At ang nabuo kong conclusion ay ang bitiwan na siya..

Na sana maging ok na friends or crush na lang namin ang isa't isa..

Nung una feeling ko tama naman ang desisyon ko na sundi ang parents ko..

Pero ngayong araw, nararamdaman ko na ang panghihinayang..

Nasasaktan ako kasi biglang nagbago ang lahat.. nanibago kaagad ako sa mga nangyayari..

Oo gusto ko siya, pero di ko kayang suwayin ang parents ko.. Alam ko naiintindihan niya yun..

Pero yung makita siya na masaya kasama ang iba?? Sakit sa feeling.. Alam ko wala akong karapatan kaya hanggang iyak na lang ako ngayon.

Mabigat sa dibdib pero lalabanan ko to at iisipin na wala ng pag asa.. Na hanggang dun na lang..

Gusto ko na lang sumuko at isipin na hanggang dun na lang ang lahat para naman di na mas lumalala ang sakit na nararamdaman ko ngayon..

Matatapos din to.. Mawawala rin to.. Tiwala lang..

PS: Pasensya na ah.. Nag iinarte na naman ako.. Labasan ko lang kasi to ng nararamdaman ko para mabawasan ang sakit at tumigil na ako sa pag iyak..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My HeartAches </3 and SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon